"Bukas na ang game Captain pero ganun pa rin ang ikinikilos niya." mahinang sabi ni Meryl sa akin habang nakatingin kay Kayla.
Kasalukuyan kaming nasa isang food stall dahil ginutom kami kanina sa practice at ang mga teammates ko ay biglang nag-aya kumain dito sa labas ng school. Naalala ko tuloy nung niyaya ko si Lucas na kumain dito ng mga street foods. Kaya naman doon ako bumili ng pagkain ko habang sila ay dito sa isang food stall ng mga fries at burgers.
Actually, palihim lang kaming pumunta dito dahil bawal talaga kaming kumain ng kahit anong street foods. Masiyadong strict si coach kaya naman sinabi lang namin sa kanya na uuwi na kami pero ang totoo ay tatambay lang muna dito oara kumain.
"Hayaan mo muna siya, I'm sure hindi naman niya pababayaan ang team bukas." wika ko atsaka nagpatuloy sa pagkain. Tumango naman ito.
"Ang takaw mo Captain." mayamaya'y sabi nito kaya halos nabilaukan ako. Itong batang 'to wala talagang preno ang bibig.
"Favorite ko kasi." sabi ko nalang para matigil na ito.
"Ngayon ko lang kasi ikaw nakitang kumain ng ganyan kadami."
"Nakakagutom kasi magpractice." paliwanag ko na naman.
"Hindi kaya buntis ka Captain?" this time kinailangan ko na talaga ng tubig dahil nabigla na naman ako sa tanong nito. Napatingin pa ang ilang mga teammates namin sa aming dalawa pero kaagad akong umiling.
Binatukan ko ito. "WTF! Meryl! Yang bunganga mo ha, Hindi ba pwedeng paborito ko lang ito at gutom ako kaya matakaw ako ngayon!"
"Luh ang OA ni Captain, joke lang naman." sabi nito at nagmamadaling umalis at pumunta sa tabi ni Kayla. Magsama silang dalawang baliw, paano ako mabubuntis eh we always practice protected sex. Tsaka twice palang namin ginagawa yun and palagi akong safe nung mga time na yun. Alam kaya namin mag-ingat ni Lucas. Hmp!
Nang matapos bumili ang iba naming mga teammates ay pumunta muna kami sa isang waiting shed para doon kumain at para hindi kami makita ni coach kung lumabas man ito ng school.
Tahimik lamang akong kumakain at paminsan-minsan ay nakikitawa sa mga biruan nila nang biglang may humintong puting kotse sa tapat namin.
Napahinto ang lahat sa tawanan at ibinaling ang atensyon sa babaeng lumabas sa kotseng iyon. Nakasuot ito ng shades kaya hindi ko masyadong makilala kung sino ito pero nang lumapit ito sa amin, sa harap pala ni Kayla ay nalaman namin kung sino ito.
Siya lang naman ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Kayla at Kristoff.
"Fiona?" takang tanong ni Kayla na sa tinagal-tagal namin na nandito ay ngayon lang ito nagsalita. Tumayo ito agad kahit na naguguluhan sa pagdating ni Fiona.
Naghintay kami ng sasabihin ni Fiona pero isang malakas na sampal ang binigay nito kay Kayla. Napasinghap ang lahat sa ginawa nito. Hawak ni Kayla ang kaliwang pisngi atsaka tumingin muli kay Fiona pero nakaambang na naman ang isa pa nitong kamay para sampalin muli si Kayla.
Akmang sasampalin na naman nito si Kayla pero mabilis ko iyong pinigilan gamit ang kamay ko.
"Who are you to slap my teammate?" malamig kong wika sa kanya.
"Mind your own business the great LA, hindi ikaw ang kailangan kong sumbatan." galit nitong sinabi sa akin.
"You are clearly doing violence towards my teammate and as their captain, that's considered as my business so back off before I report it to SAU officials." matapang kong sumbat sa kanya bago pabagsak na binitawan ang kamay nito.
"Ha! You really think inosente 'yang babaeng 'yan? Eh mang-aagaw ng boyfriend 'yan! Kakauwi lang ni Kristoff pero nilalandi mo na agad?! Kadiri ka!" akmang susugurin muli nito si Kayla pero agad ko siyang pinigilan.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Ficción GeneralEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...