"Excited?" tanong ni Lucas pagkahatid niya sa akin sa school.
Ngumiti ako ng matamis dahil finally makakapagpractice na talaga ako ng gaya ng dati. Ang tagal kong hinintay ang araw na 'to kaya sobrang excited ako.
"Does it still hurt?" concern nitong tanong muli, siguro tungkol ito sa nangyari sa amin noong isang gabi.
"Nope. I'm okay na." mabilis kong sagot.
"Okay then. Call me later if you need anything and susunduin pa rin kita." tumango ako at lumapit ito sa akin para halikan ang noo ko pagkatapos ay nagpaalam na ito.
Pinagtitinginan na naman ako ng lahat pagpasok ko sa school. Ang iba ay ngumingiti na sa akin kaya kahit hindi ko sila kilala ay ngumingiti na din ako pabalik.
Really, ang laki ng pinagbago ko magmula nang alagaan ako ni Lucas. I learned how to appreciate everyone even on small things. I'm super thankful that God gave Lucas to me in my most needed time.
"Hello captain! Congratulations nga pala! Akala ko may pa-party ka na eh, ready pa naman costume ko." baliw talaga.
Ibinalita ko nga pala sa kanila na magaling na ang injury ko."Thanks Kayla." sabi ko nalang bago magpaalam sa kanya.
Dumiretso ako sa aming locker room para magbihis. Matapos kong makapagbihis ay dumiretso na ako agad sa court kaya nang makita ako ng mga teammates kong naroon na ay nagsilapit na ang mga ito sa akin.
"Less that two weeks from now, magsisimula na ang bagong season ng SAU tennis competition, kaya kailangan kong makita kung handa na ba ang lahat. Sa gagawin nating practice ngayon, ishu-shuffle ang bawat isa. Ang mga doubles ay maglalaro sa singles, ganun din ang mga singles, ipapares kayo kanino man at titignan namin ni coach kung sino ang karapat-dapat na mapunta sa doubles at singles." anunsyo ko sa kanila.
Inatasan akong mamuno ngayon ni coach dahil may meeting daw ang lahat ng mga coaches ngayon sa buong university.
Gusto kong makitang muli ang kakayahan ng lahat. Kahapon ay wala kaming ginawa ni Lucas kung hindi manood ng mga dating matches ng iba't ibang school at isa-isa namin tine-take down ang mga napansin naming mga galaw nila.
Akala ko nga ay hindi magseseryoso si Lucas pero mas madami pa siyang naisulat at napansin sa mga pinanood namin kaysa sa akin.
Lahat ng iyon ay pinag-aralan kong mabuti. At ngayon nga ay papanoorin kong muli ang mga laro ng mga teammates ko at para malaman ko kung sino ang puowedeng ipantapat sa mga players ng ibang teams.
Wilhelm ang una naming nireview ni Lucas dahil sila ang una naming makakalaban sa pagsisimula ng bagong season.
Alam kong nasa second to the last sila sa ranking pero hindi namin pwedeng ipagsawalang bahala at maging kampante nalang dahil doon. Lahat ay pantay-pantay para sa akin. Walang mahina, walang malakas. Kaya kung maglalaro ka, nasa huling rank man o una ang makakalaban mo, kailangan mong ibigay ang hundred percent best mo.
Sa tennis match na ito, pwedeng ishuffle ang iba sa kung saan sila nababagay at parte na din ng strategy ng isang team kung sino ang gusto nilang ilagay sa doubles at singles.
As for me, kaya ko naman maglaro sa doubles pero mahirap lang dahil walang may kayang pumantay sa galing ko sabi ni coach kaya sa singles nalang ako.
Last year ay hindi masiyadong nagshuffle ng players si coach dahil na rin sa tiwala siya sa aming nga seniors. Pero dahil nabawasan kami, kailangan namin magexperiment ng bago at para na rin magulat ang lahat sa pasabog ng aming team.
Alam kasi ni coach na kami ang mas pinag-aaralan ng lahat kaya kung mananatili kami sa dating strategy ay mas magkakaroon ng tsansa na matalo kami ng nga teams na sobra-sobra ang paghahanda matalo lang kami.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...