Chapter 21

13.1K 331 8
                                    

"You guys ready?" excited na tanong sa amin ni coach sa loob ng aming school bus. Kasalukuyan kaming papunta sa tennis sports center kung saan gaganapin ang kahat ng tennis matches ng SAU at ito ang pinakaunang game namin sa season na ito.

Everyone is good in terms of singles pero mas pinaghandaan namin kung sino ang ilalagay sa doubles dahil iyon ang isa sa panlaban ng Wilhelm. Hindi man sila palaging nananalo sa mga matches, pero ang doubles nila ang tanging nakakasungkit ng panalo.

At dahil sa pagshu-shuffle namin ng aming mga players, mas nakita ko ang chemistry nina Mia na nasa 3rd playing year na at si Meryl na sophomore. Pareho silang nasa doubles pero magkaiba lang ang kanilang partners.

Sumunod na pares ng doubles ay sina Gen at Niña. Rookie man si Gen pero mukhang naging palaban na ito matapos ang match up namin nitong nakaraang dalawang linggong ensayo.

Ako ang panghuli pero tiwala naman ako sa mga teammates ko na kayang-kaya lang nilang tapusin ng maaga ang match na ito.

Prente akong nakaupo ngayon sa isang chair set dahil sabay na naglalaro ang mga pambato namin sa doubles. Si coach ang nasa kabila at ako naman ang nakatalaga kina Gen at Niña.

At gaya nga ng inaasahan ko, magaling ang mga doubles players ng Wilhelm pero hindi naman papatalo ang mga players namin. Pinaghandaan namin ito kaya ready kami kahit gaano pa kagaling ang kalaban.

"Nice!" cheer ni Kayla nang makapuntos sina Gen at Niña sa pamamagitan ng pagsmash ni Niña.

Nasa unang set palang kami pero halos dikit ang laban nila. Habang sa kabila ay malaki na ang lamang nina Meryl at Mia. Gaya ng sinabi ko, maganda talaga ang chemistry ng dalawa.

Hanggang sa natapos ang match nila sa dakawang sets lamang habang sina Gen at Niña naman ay patungo na sa pangatlong set. Nakuha nila ang unang set pero nakabawi naman ang Wilhelm sa pangalawang set.

Sa pangatlong set malalaman kung sino ang mananalo. Kaharap ko ngayon ang dalawa at halata na ang pagod sa kanilang mga mukha.

"Tired?" tanong ko.

"Medyo captain." sagot ni Niña.

"Relax lang, nakaya niyong manalo kaninang unang set, I know kaya niyong manalo ulit." saad ko. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

"Focus!"

"Fighting!"

"Kaya niyo 'yan!"

Kanya-kanyang cheer ng mga teammates ko sa dalawa. Bumalik na ang dakawa sa court at nagready sa na sa pagserve.

Tahimik lang akong nanonood at pinagmamasdan ang laro ng may mapansin akong isang babae na nakatayo sa pinakasulok ng bleachers sa bandang harapan namin.

Hindi ko na sana ito papansinin pero sa akin ito nakatingin. I also notice na may nakasukbit na bag ng tennis racket sa balikat nito at nakasuot ito ng varsity jacket ng Streinfield.

Hindi familiar ang mukha nito sa akin kaya sa tingin ko ay rookie ito.

Nagtaka naman ako at natigilan nang ngumisi ito sa akin bago bumaba at umalis.

What was that?

"Captain." tawag sa akin ni Kayla. Nagtatakang nilingon ko naman agad ito.

"What?"

"Napansin kong may tinititigan ka kanina at nalaman kong si Allison pala ang tinitingnan mo." saad nito.

"Allison?" tanong ko.

"Oo captain, yung magaling na highschool standout na gusto kang talunin." sagot nito.

"Another Bianca na naman." pabulong kong saad pero narinig ako nito at tinawanan ang sinabi ko.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon