Chapter 29

11.5K 308 42
                                    

"Captain! Sandali lang! Ang bilis mong maglakad hindi pa naman nagsimula yung laro ng boyfriend mo!" sigaw ni Meryl habang hinabol nila ako ni Kayla dahil nagmamadali ako papuntang parking lot ng school.

Hindi ko nga sana isasama itong dalawa kaso nagkataon na parehas kaming wala ng subject at nagpumilit sila na samahan ako kasi hahanap daw sila ng boylet para kay Kayla. Mga baliw talaga.

"Sakay." utos ko sa kanila pero nagulat ako nang sabay silang sumakay sa likod ng kotse ko.

"So gagawin niyo pa akong parang driver niyo? Lumipat yung isa sa inyo dito sa harap." masungit kong utos. Sabay na namang bumaba ang dalawa at nag-unahan sa pagsakay sa tabi ko.

"Umayos kayo kung hindi iiwanan ko kayo." sabi ko kaya nagpaubaya si Meryl at si Kayla ang tumabi sa akin.

Kahapon natutuwa ako na bumalik na ang dating Kayla na maingay at makulit pero ngayon parang nagsisisi na ako. Sumobra na naman kasi ang kakulitan nilang dalawa ni Meryl. Feeling ko kapag kasama ko ang dalawang 'to sa iisang bahay, baka wala pang isang taon mukha na akong lola sa stress sa kanila.

"Sino pala makakaharap ng Stuartz ngayong semis Captain?" tanong ni Kayla sa akin. Kasalukuyan kong minamaneho ang kotse ko.

"Traelhore." sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

"Sana madaming gwapo dun." pabulong nitong sinabi pero rinig na rinig ko naman.

"Hayaan mo girl, kapag walang gwapo sa mga players nila, dun tayo sa mga supporters nila." wika ni Meryl sabay kindat kay Kayla at peace sign sa akin.

Muntik ko pa silang sipain palabas ng kotse ko dahil nagrequest pa ang mga ito na mag-drive thru kami sa isang fast food chain na nadaanan namin.

Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa venue. Pumila muna kami para makabili ng ticket. Nastress na naman ako sa dalawa dahil kung anu-anong pinagsasasabi nila mailibre ko lang sila ng ticket. Ako ba nag-aya sa mga ito?!

Habang nakapila ay napansin kong madaming supporters ang Stuartz na naroon at karamihan ay mga fans ni Lucas.
Alam kong gwapo at magaling na tennis player si Lucas pero hindi ko akalain na ganito pala talaga kadami ang mga supporters niya.

"Waah! Go Captain Lucas Alonzo boyfriend ni Captain LA Delgado!!" napapikit ako sa hiya nang sabay na isigaw iyon nitong dalawang kasama ko. Ano bang nakain ko at isinama ko pa sila dito at talagang napilit pa nila akong bilhan sila ng ticket! Mga walanghiya.

"Tumahimik nga kayo." naiinis kong saway sa kanila dahil pinagtitinginan na kami ng mga supporters ng Stuartz pero umiling lang ang mga ito at ngumiti ng nakakaloko sa akin.

"Captain, nag-eenjoy yung boyfriend mo sa cheer namin kaya bakit kami titigil, magcheer ka din kaya para makatulong ka sa pagkapanalo niya." sumbat ni Kayla. Sabay turo kay Lucas na ngayon ay nakangiti habang nakatingin sa gawi ko.
Konti nalang talaga babatukan ko na ng malakas tong dalawang 'to. Tsk! Humanda sila sa practice.

"Nakita naman na natin mga players ng Stuartz noon pero halatang mga playboy lahat kaya lipat tayo sa Traelhore." bulong ni Kayla kay Meryl pero rinig na rinig ko naman.

"Teka, ang pogi nun oh! Yung medyo chinito na player ng Traelhore!" excited na wika ni Meryl. Ewan ko ba pero dahil curious din ako ay sinundan ko ng tingin kung saan nakaturo si Meryl at nakita ko ngang may itsura yung tinuturo nitong chinito pero natawa ako nang lumapit yung chinito doon sa crowd ng Traelhore atsaka may kinausap na babae na sa tingin ko ay girlfriend nito.

Napatingin ako kina Kayla at Meryl na parehong napasimangot dahil sa eksenang iyon.

"Taken na pala." sabi ni Meryl kaya natawa ulit ako. Sila naman ngayon ang umirap sa akin pero nagkibit-balikat nalang ako at saka itinuon ang atensyon sa lalaking mahal ko.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon