Nagpatuloy ang paghatid-sundo sa akin ni Lucas. At dahil dun, lalong kumalat ang chismis sa buong university na may relasyon kaming dalawa.
Mas kakaiba na ang tingin na ipinupukol sa akin ng mga kapwa ko students tuwing daraan ako sa harapan nila.
Alam ko naman kung bakit. Sikat si Lucas, at higit sa lahat, ito ang team captain ng Stuartz Men's Tennis Team, ang aming 'rival' school.
Hindi ko naman sinasabing hindi totoo iyon dahil wala namang nagtatanong. Tinatamad din akong mag-explain dahil kanino ba naman ako mage-explain? Ni wala ngang mag-lakas loob lumapit sa akin. Mukhang takot ata sila dahil sa poker face ang palaging expression ng aking mukha.
"Okay guys! Next week, magkakaroon tayo ng isang linggong training camp. May napili na kaming lugar pero hindi muna namin sasabihin sa inyo agad." ito ang anunsyo sa amin ni coach matapos kaming ipatawag para sa isang meeting.
Na-excite naman ang lahat sa anunsyong iyon.
Pero ako?
Heto at namo-mroblema na kung papaano gagawa ng palusot para mapapayag si coach na hindi muna ako sasama sa training camp."LA, napapansin ko lately na parang iniiwasan mo talagang hindi makipractice sa mga teammates mo. May problema ba kayo?" medyo inis nang sagot ni coach sa nirerequest kong iyon.
"No coach. Mas comfortable lang po akong magpractice ng solo sa ngayon." depensa ko.
"Isang linggo lang naman 'yon LA, hindi kita mapapayagan sa request mo dahil mahalaga ang training camp na iyon." pinal na saad ni coach bago ito lumabas sa club room at naiwan akong problemado.
Nakabusangot lang ako habang hinihintay ang pagdating ni Lucas sa harap ng aming university.
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na ang sasakyan nito. Pagkahinto palang ay mabilis na akong lumapit doon at binuksan ang pinto para sumakay.
"PMS?" nakangising tanong nito.
"PMS ka diyan?! Badtrip lang ako ngayon."
"About what?"
"Training Camp. Ayaw ni coach na hindi ako sumama kaya hindi ko alam kung anong gagawin para mapapayag ito. Next week na 'yon."
"So? Pwede ka namang sumama, ikaw ang captain at sa tingin ko hindi ka naman papahirapan ng coach niyo dahil isa ka sa mga magmo-monitor ng galaw ng mga teammates mo."
Napairap ako. Naaalala ko na naman kung papaano kami pinahirapan ni coach sa nahuli naming training camp.
Halos isumpa naming lahat ang pagpunta noon pero nakatulong naman ito sa pagbuild ng aming stamina.
Ang inaalala ko lang ay sa huling araw ng training camp, magkakaroon ng madaming matches kung saan ilalagay kami sa singles, doubles at ipaparehas kung kani-kanino para matutunan namin at mabagayan ang isa't isa.
"Kung alam mo lang..." pabulong kong saad habang diretso ang tingin sa harapan.
"Ang alin?"
"Wala! Magmaneho ka na nga lang diyan." inirapan ko siyang muli.
Hindi ko naman na ito pinansin hanggang sa makarating kami sa kanya-kanyang apartment.
"LA!"
Papasok na sana ako ng bigla niya akong tinawagan.
"Ano?!"
Nagulat pa ako ng may bigla itong ihagis sa akin.
Sinalo ko agad 'yon at saka tiningnan kung ano.
Smile
Yun ang nakasulat sa candy na inihagis nito.
Kunot-noo ko siyang tinignan pabalik.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...