𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 04

13.1K 399 60
                                    

Ilang linggo na din kaming nagpa-practice ng solo ni Lucas at unti-unti ko ma ding nakakasanayang gamitin ang kaliwang kamay ko.

Kahit inis na inis ako sa kaniya kapag inaasar niya ako, nagtutuwa pa din ako dahil sa pagiging pasensyoso niya sa akin.

Madali akong matuto pero mareklamo ako. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin kada practice namin dahil hindi naman ako mareklamo dati.

Parang nakasanayan ko ng magreklamo ng magreklamo pagkatapos ay magagalit ako sa kaniya. Parang mas daig ko pa ang buntis na naglilihi sa nararamdamang inis sa kaniya.

Tinatawanan lang naman ako nito at parang wala lang sa kaniya ang mga reklamo ko.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng mga gamit ko dahil kakatapos lamang ng aming klase sa umagang iyon.

Gusto ko sanang pumunta sa cafeteria pero naalala ko na naman ang pangba-badtrip sa akin doon ng unggoy na si John.

Naisipan kong lumabas nalang muna sa school at kumain ng mga streetfoods na makikita at magugustuhan ko.

Habang naglalakad palabas ay naisip kong itext si Bella na samahan akong kumain.

Malapit lang ang Eastwood University dito at kabisado ko ang sched nito.

Nagreply agad ito sa text ko at sinabing hindi ito makakapunta dahil may meeting daw sila sa swimming team.

Ayoko siyang itext pero trip kong may kasamang kumain ngayon. Baka sakali lang naman na pumayag.

Nagulat ako pagkalabas ko sa university nang biglang magring ang phone ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang tumatawag.

"H-Hello." ano ba yan LA! Bakit nauutal ka bigla?!

"Hello. Tama ba yung nabasa kong text mo?" tanong nito sa kabilang linya.

"Bakit di ka ba marunong umintindi?"

"Naninigurado lang."

"Tss.. sabihin mo ayaw mo. Sige bye na."

Binaba ko agad yung tawag at bad trip na nagtungo sa mga streetfoods na naroon sa gilid ng university nakapwesto.

Nilibot ko muna lahat at tumingin kung saan ako bibili hanggang sa nakita ko si manang na nagtitinda ng fishballs, kikiam, kwek-kwek, atay ng baboy, chicken skin, at iba pa.

Natakam agad ako doon sa atay kaya naman agad akong bumili.

Kasalukuyan akong naglalagay sa aking baso ng bagong lutong atay nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Nakakain ba yan?"

Napaawang ang bibig ko ng makita si Lucas sa gilid ko na diring-diri sa atay na tinutusok ko.

Kaya ko ito inaya kanina dahil alam kong hindi pa ito nakakakain ng mga streetfoods gaya nito.

"Akala ko ba ayaw mong pumunta?" masungit kong tanong sa kanya.

"May sinabi ba ako?"

Umirap nalang ako sa kaniya at nagpatuloy sa pagkuha nung bagong lutong atay.

"Hindi ka ba magkakasakit diyan?"

"Magkakasakit kung araw-arawin mong kumain. Ngayon lang naman ako kakain kaya okay lang." sabi ko habang papunta kami sa isang waiting shed para maupo at kumain.

Hindi ito bumili ng kahit anong streetfoods na naroon kaya nakakainis dahil binubusog niya ako ng madaming tanong tungkol sa kinakain ko.

"Gusto mo?" nakangiting alok ko sa kanya.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon