𝑪𝒉𝒂𝒑𝒕𝒆𝒓 02

14.6K 369 67
                                    

Mabilis akong umalis sa lugar na iyon para hindi masagot ang tanong sa akin ni Lucas. Hahabulin niya pa sana ako kaso hinarangan ito ng mga assistant ng kaniyang daddy dahil magsisimula na ang talagang celebration ng kaniyang birthday.

Sa buong gabing iyon ay pilit kong iniwasan si Lucas. Ayokong muli niyang itanong sa akin ang tungkol sa injury ko. Natatakot ako.

Nakahinga nama ako ng maluwag ng hanggang sa umuwi kami ay hindi ko na siya nakita at nakausap.

Pagkauwi ko sa bahay ay nagpaalam na ako kina mommy at daddy para umuwi sa aking apartment. Hindi naman na sila tumutol at sinabing mag-ingat lang ako sa pagdrive.

Nagpalit muna ako ng sapatos para hindi hassle sa pagdrive. Sa apartment na ako magbibihis ng damit.

Patuloy pa ding bumabagabag sa akin ang pagdiskubre ni Lucas sa aking injury. Paano kapag ipinagkalat nito ang kondisyon ko ngayon? Masisira lahat ng pinaghirapan ko.

Hanggang sa makauwi ako ay iyon pa din ang nasa isip ko. Wala sa sariling sumakay ako sa elevator at lumabas ng makaratong sa mismong floor ko.

Nag-angat ako ng tingin nang malapit na ako sa pinto ng unit ko pero ganun nalang ang pagkabigla ko nang makita kung sino ang nakatayo sa kabilang unit.

Laglag ang panga maging ang susi nang tumingin ito sa akin.

"So, we're neighbors." sabi nito at saka pumasok na sa loob ng kaniyang unit.

WTF?! Kapitbahay ko si Jayce Lucas Alonzo?!

Wala sa sariling pumasok ako sa aking apartment. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

Pero napaisip naman ako ng matino. Narealize ko kasi na mas madali kong makausap si Lucas dahil kapitbahay ko ito.

Tama!

Nagmadali ako sa pagshower at magbihis ng aking pantulog bago lumabas at magtungo sa tapat ng pinto ni Lucas.

Ilang beses akong kumatok doon pero hindi pa din nito binubuksan ang kaniyang pinto. Sisipain ko na sana yung pintuan niya ng bigla itong bumukas kaya hindi ko iyon tinuloy.

Napatingin ito sa paanan ko na nakahambang sisipain ang kaniyang pintuan.

"Soccer na pala sports mo." sarkastiko nitong sinabi atsaka muling sinari ang kaniyabg pinto.

Hindi agad ako nakapagreact sa sinabi nito dahil mabilis lang nitong sinara ang pinto pagkasabi non.

Malakas akong kumatok muli sa kaniyang pintuan. Dahil sa inis ko ay sisipain ko na naman sana iyon pero bumukas ulit ang pintuan nito. Ang galing talaga nito sa timing.

Isasara na naman sana nito yung pinto niya pero agad kong iniharang ang kamay ko doon. Nagulat ito nang umakto akong tinamaan nito ang kamay ko.

"Aray!!!"

"Shit! I'm sorry!" kinakabahan nitong sabi bago ako alalayang sa pagtayo at papasukin sa kaniyang apartment.

Nang makaupo ako sa isang sofa nito ay agad itong umalis upang kumuha siguro ng first aid kit pero pinigilan ko agad siya.

"Hey Lucas! Wag ka nang kumuha. I'm just kidding earlier. Ayaw mo kasi akong papasukin." sabi ko. Tila nakahinga naman ito ng maluwag bago kumapit sa akin at umupo sa katapat kong sofa.

"Okay, tell me kung bakit hindi ka matigil sa pangungulit sa akin." sabi nito matapos magpakawala ng buntong hininga.

"About earlier." I said and then showed my wrist to him. There's no use on denying it to him. Na-injured na ito dati at alam kong hindi rin lang ito maniniwala sa akin kapag itinanggi ko ang tungkol sa injury ko.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon