"This championship battle is now tied in 3-3. That's why the championship title is now in the hands of the last singles between the University of Ravenleign and Stuartz University."
"May we now call the last player of University of Ravenleign in singles division, Eleanor Avery Delgado!"
Nakakabinging palakpakan at hiyawan ang maririnig mula sa mga audience na naroon ngayon sa labas ng tennis court at nakaupo sa mga maliliit na bleacher habang hawak ang kani-kanilang mga banners at balloons bilang suporta sa kanilang hinahangaang team.
Inayos ko muna ang aking sumbrero at saka kinuha ang racket na nasa aking tabi bago nagtungo sa loob ng tennis court.
"Good luck captain!" my teammates cheered.
Hinintay kong tawagin ang ang huling player ng Stuartz na alam ko naman na kung sino.
Bianca Mae Cruz.
Siya na magmula noong highschool ang ultimate rival ko pagdating sa singles. Magaling ito dahil ilang beses na akong muntikang matalo sa kaniya. At kapag siya ang kalaban ko ay binibigay ko talaga ang lahat ng aking makakaya para manalo sa labang iyon.
Nang makarating ito sa loob ng court ay sabay kaming nagtungo sa pagitan ng net para magshakehands.
"Goodluck." she said.
"Thanks." I replied. Natawa naman ito nang wala na akong ibang sinabi maliban doon.
"Sarcastic ka pa din hanggang ngayon. Tignan nalang natin mamaya." she smirked at me before she turned her sight on my hand that holds my racquet.
"Precious hand." makahulugan nitong sinabi. Hindi na ako sumagot sa kaniya at nauna na akong tumalikod para maghanda sa larong ito.
Nagsimula na ang laban at ako ang naunang nagserve.
So far so good.
Iyon ang akala ko. Dahil habang tumagal ay napapansin kong sumasakit ang wrist ko.
What's happening?
Did I just deadass fell on her trap?! WTF?!
Gusto ko mang baguhin iyon pero ang mga direction ng bola kung saan niya pinapatama ay siyang nagiging sanhi kung bakit mas nat-twist ang wrist ko.
This is the first time that I sweat alot but in a different reason. Halos hindi ko na maigalaw ang kamay ko.
"Shit!" I cursed when I can't force my wrist anymore. Nanginginig na ang kamay ko pero hindi ko iyon pinahalata kanila coach.
Tumingin ako kay Bianca at nakangisi na ito sa akin ngayon.
Hindi ako papayag na maisahan nito.
Kaya naman kahit masakit na ang wrist kong iyon at itinuloy ko pa din ang laro. Importante ang game na ito sa akin dahil ito ang magpapanalo sa amin sa chamionship at mapapabilang sa World Tennis Championship.
At kapag nangyari iyon, my parents would be proud of me. Ito lang ang pwede kong ipagmalaki sa kanila.
My father is known to be a business tycoon. My mother used to be a beauty queen. My siblings are both suma and magna cum laude when they've graduated in college. Ako lang ang hindi matalino sa aming pamilya. Kaya ganun na lang kaimportante ang larong ito sa akin.
Pinilit ko ang sarili ko kahit alam kong malaki ang mawawala sa akin bilang kapalit nito.
Pero ang daming nakasalalay sa game na ito kaya hindi ko ito basta-basta nalang isusuko.
"Take this shit!" I said to myself as I aimed for a powerful smash to end this game.
"Waaaaah!!!!!" hiyawan ng mga tao nang maipanalo ko ang labang iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/225557903-288-k638119.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Ficción GeneralEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...