Nang matapos ang warm up namin ay saka ko lang napansin na marami na pala ang naroon ngayon para manood ng aming laban.
May mga nakita akong schoolmates namin kasama ang cheering squad ng aming school na todo sa pagcheer ngayon.
"Doubles! Magready na kayo!" agad naman nagsipaghanda ang mga players namin para sa doubles.
Hindi nagtagal ay nagsimula na ang laban. Naghiwalay muna kami nina coach at kasama ko ngayon si Kayla sa panonood at pagco-coach kina Meryl at Niña.
Maayos naman ang pinapakita ng mga ito at palagi silang lamang sa bawat game. Hanggang sa sila ang nakakuha ng unang set.
"Good job. Keep it up." bati ko sa kanila nang magpahinga ang mga ito para maghanda sa pangalawang set.
"Thanks Captain." sabay nilang saad.
"Kayla anong balita sa kabila?" tanong ko kay Kayla nang bumalik na sina Meryl at Niña para sa second set.
"Same captain, sila din ang unang nakakuha ng unang set." natuwa ako sa balitang iyon. Sana pareho nilang maipanalo ang pangalawang set dahil kami naman ni Kayla ang susunod sa kanila.
Mas masarap sa feeling ang maipanalo ng diretso ang laban.
"Go Ravenleign!" cheer ng mga schoolmates namin.
"Yes!"
"Nice!" sigaw namin ni Kayla nang makascore sina Meryl at masecure ang pang-apat na game."Last two games guys! Kaya niyo 'yan!" cheer ni Kayla sa dalawa. Nanatili naman akong nanood sa laro nila hanggang sa matapos iyon at nagwagi sila sa dalawang sets lamang.
"I'm so proud to the both of you. Congratulations!" bati ko na naman sa kanila.
"Thank you Captain!" masaya nilang sagot.
Patapos na din ang laban sa kabila at ang team namin ang winning sa larong iyon.
Hindi na ako pumunta sa kanila at naghanda nalang ako para sa aking kong laban.
Nagdesisyon naman akong magwarm na muna ulit sa dating lugar kung saan ako nagwa-warm up nang bigla kong marinig ang boses ni Lucas.
"Love!" tawag niya sa akin. Lumingon agad ako at nakita ko siya sa isang bleacher kasama ang ilang mga teammates nito. Lumapit ako sa kanya.
"What are you doing here? Aren't you suppose to practice since you have a game tomorrow?" tanong ko sa kanya.
"Tapos na kaming magpractice." sabi nito bago may kinuha sa sports bag niya. "Here."
"What is it?" tanong ko pagkaabot niya nung maliit na bagay sa akin.
"Open it." sinunod ko naman siya at nagulat ako dahil isang wristband na kulay puti iyon na may pangalan naming dalawa.
"Your lucky charm." ngiting-ngiti nitong sinabi. Napangiti na rin ako at sinuot iyon. Hindi ako nagsusuot ng ganun pero para kay Lucas, magsusuot ako.
"Bagay." sabi ko pagkasuot ko nun.
"Of course tsaka pinabendisyunan ko rin yan." proud nitong saad. Nanlaki naman ang mata ko at muntikan na siyang pakuin ng racket ko.
Hindi na ako nakapagwarm-up muli dahil tinawag na kami para sa singles. Okay lang naman sa akin dahil napagaan naman ni Lucas yung loob ko. Ginagawa ko lang naman yung kast minute warm up para maalis yung tensyon sa akin at gumaan ang loob ko.
"Go Love!!!" malakas na cheer ni Lucas. Namula tuloy yung mukha ko dahil naghiyawan yung mga schoolmates ko maging ang mga teammates ko dahil dun.
Nagpunta na ako sa gitna para makipagshakehands sa makakalaban ko at para malaman kung saang court ako.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Aktuelle LiteraturEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...