This is the final chapter guys!
Thank you so much for being part of my 2020!
Happy New Year! :)"Good job!" bati ko kina Meryl at Niña matapos ang kanilang doubles match at maipanalo ito. Proud ako sa kanila dahil kahit kailan ay hindi pa nanalo ang dalawang ito kontra sa Stuartz. Alam kong mas namotivate silang maglaro dahil ito na ang huking laro para sa amin upang makamit ang championship.
Kung nag-improve ang dakawang ito, iba naman ang nangyari kina Mia at Alexa. Natalo ang mga ito sa kanilang match kaya grabe sila kung magsorry sa amin.
"Okay lang. May limang chance pa tayo." sabi ko sa kanila. Malungkot ang mga itong tumango sa akin bago bumalik sa bench para maupo.
"Good luck girls!" cheer ko kina Kayla at Brianne dahil sila na ang susunod para nanan sa singkes match.
"Thanks Captain! Para sa'yo to." sabi ni Kayla sabay turo niya sa akin gamit abg kanyang racket. Ngumiti ako sa kanilang dalawa bago nagtungo ang nga ito sa kani-kanilang court.
Sa unang set palang ay makikita mo na ang malaking advantage ni Kayla sa kanyang kalaban. Naging easy lang para dito ang tapusin ang set na iyon pero kabaliktaran naman ang nangyari kay Brianne. Dikit ang laban nila ng kanyang katunggali pero sa huli ay hindi niya nakuha ang unang set.
Sa pangalawang set ay ganun pa rin ang pinapakitang laro ni Kayla kaya naman mabilis lang nitong natapos ang kanyang laban. Ibang-iba kay Brianne na hanggang ngayon ay hindi pa tapos ang laban dahil hindi matapos-tapos ang deuce nila.
"Go Brianne!!" cheer ng mga teammates ko na nakaupo sa bench malapit sa mga audience.
Pero hindi naging effective ang cheer na iyon dahil nakuha pa rin ng Stuartz ang second set kaya ito ang nagwagi sa larong iyon.
"Cheer up. You did a great job. Wala kang dapat ikahiya kasi kitang-kita ng lahat kung papaano ka kumapit at lumaban. Okay?" sabi ko kay Brianne dahil parang maiiyak na ito dahil natalo siya. I know sobrang emotional sila ngayon dahil na rin sa nakatayang championship sa kanilang laro.
"Next players!" wika ni coach kaya naman nagready na sina Gen at Cha. Sa kanila ako kinakabahan ng malala dahil pareho silang rookie at baka magka-rookie jitters sila. Sana hindi dahil makakaapekto ng malala iyon sa kanilang laro.
Halos magdasal na ako na sana kahit isa sa kanila ay manalo dahil kapag hindi ay matatapos na ang larong ito at magkakaroon ng game three.
Hindi sa wala akong tiwala sa kanila na maipapanalo ang kanilang laro pero hindi ko maiwasang mag-alala lalo pa at mga veteran players ng Stuartz ang itinapat sa kanila.
"Gen. Cha, alam kong kinakabahan kayo ngayon gaya ng nangyari nung game one pero try to relax okay? You can't think clearly if you are nervous. Always remember, do your best and play like it's the last game of your life." sabi ko sa kanilang dalawa bago magtungo ang mga ito sa kani-kanilang court.
Pero sa tingin ko ay mas kabado pa ako ngayon kaysa sa kanila.
"Don't mind it! Bawi nalang!" cheer ko kay Gen nang makuha ng Stuartz and unang game.
Halos pareho lang ng sitwasyon sina Gen at Cha ngayon dahil pareho ng lamang ng ilang games ang kanilang mga kalaban.
"Walang bibitaw okay? Hindi matatapos ang laban hangga't walang nakakakuha ng dalawang sets kaya may pag-asa pa." sabi ko kay Gen ng magbreak ito.
Tuango naman ito at saka bumalik muli sa court. Nakuha ng Stuartz ang unang set at magsisimula na ang pangalawang set.
"Go Gen!!" cheer ng mga teammates ko. Parang nabuhayan naman ito at biglang nagbago ang kanyang laro. Mas ramdam na ngayon ng Stuartz ang tensyon dahil sa gumagandang laro ni Gen.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Ficção GeralEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...