Lucas help me reviewing Streinfield's game yesterday. Pinanood namin ang replay ng kanilang laban kontra sa Wilhelm at talagang inaral ko ang mga galaw ni Allison.
I must say that she's indeed a good player. Halos hirap ang kalaban nito at hindi maibalik ang mga tira niya.
"Her moves seems pretty familiar." wika ko habang pinapanood ang laro nito.
"Hmm.." si Lucas habang iniisip din kung sino. Napatingin ako sa kanya at tinitigan ang mukha niya. "What?" nagtataka nitong tanong.
I rolled my eyes. "Hindi mo maisip kung sino eh pareho kayo. Look at her techniques too, katulad na katulad ng sa'yo."
"Really? Ganyan pala ako maglaro kung ganon." hinampas ko naman siya agad dahil parang wala siyang pake.
"Joke lang!" natatawa nitong saad. "Awat na love." pagmamakaawa nito nang tuloy-tuloy pa din ang paghampas ko sa kanya ng mahina. "Pero alam ko na ang solution para mapaghandaan mong mabuti yang si Allison." wika nito habang nakakulong na sa mga kamay nito ang dalawang kamay ko.
"Paano?" inis kong tanong.
"You'll going to have a match with me, ako ang kakalabanin mo and If you won against me ibig sabihin madali mo nang matalo yang si Allison. I won't go easy on you this time." saad nito.
Streinfield na kasi ang susunod na makakalaban namin. At ako ang pangalawa sa singles na maglakaro pantapat kay Allison. Alam daw kasi nilang ako lang ang makakatapat sa kanya at kapag ang ibang mga teammates ko ang makakalaban niya ay paniguradong sure win na ito.
"Sus! Umiral na naman kayabangan mo!" sabi ko sabay pisil sa kanyang matangos na ilong.
"Game ka ba?"
"Oo naman!" sagot ko agad. "Pero seryoso, ikaw lang ang may ganung playing style na kakilala ko kaya nakakapagtaka at alam nito ang style ng paglalaro mo, kasi believe me, I tried copying your moves before but it's hard." pag-aming ko.
Masiyado kasi akong amused sa playing style nito noong minsang mapanood ko ang match nito the past seasons ng SAU.
"Talaga? Ginagaya mo ako?" napairap naman ako sa sinagot nito.
"Seryoso kasi." angil ko. Natawa naman ito kaya hinampas kong muli ang braso nito.
"Well, only me and my childhood friend knows about that style. Siya ang nagturo sa akin noon nung nagsisimula palang akong matuto maglaro ng tennis." panimula nito.
"Tapos?"
"Then isang araw nagpaalam ito na aalis na sila ng family niya para manirahan sa ibang bansa and I haven't heard anything about him joining tennis competion or any related to tennis. Hanggang ngayon wala pa din akong balita sa kanya." nakita ko naman ang lungkot sa mga mata nito habang kinukwento iyon.
Pero napaisip ako. What if related si Allison sa kababata ni Lucas and he's also the one who taught her how to play just like what he did to Lucas?
"Anong apelyido nung kababata mo?" tanong ko sa kanya.
"Ramos. Kevin Ramos. Why?"
"I see. Hindi sila magkaapelyido ni Allison. Ferrer ang apelyido nito. I thought they are related to each other." I answered.
"Stop thinking about it. Just focus on your preparation for your upcoming game, okay?" tumango naman habang hawak ng magkabilang kamay nito ang mukha ko.
"Great! We still have four days to practice. Magready ka na, punta tayo sa private tennis court namin." he helped me to get up.
Mabilis naman akong nagtungo sa kwarto ko para mag-ayos habang si Lucas naman ay lumabas na ng apartment ko para din mag-ayos.
Sinuot ko na agad ang tennis outfit ko para diretso laro na agad kami pagkarating doon.
Ilang sandali pa ay tinawag na ako ni Lucas kaya nagmadali kong kinuha ang nga gamit ko at saka lumabas ng apartment ko. Naghihintay naman na sa akin sa labas si Lucas.
Sa sobrang excited kong maglaro at kalabanin si Lucas ay saktong kakahinto palang ng kotse nito ay mabilis na akong lumabas at maglakad papunta sa tennis court.
Nagwarm-up agad ako at hindi na hinintay si Lucas. Nagwarm-up na din ito nang makalapit sa akin.
"Masiyado ka atang excited." sabi nito habang nagstretching.
"Syempre tatalunin kita eh." mayabang kong saad.
"Kung kaya mo, Sinabihan na kita kanina hindi ako magiging easy sa'yo." paalala nito.
"I know." inirapan ko ito at saka pumunta sa court.
Hindi naman nagtagal ay sumunod na ito sa akin. Dahil base sa napanood namin ni Lucas, mas palaging pinipili ni Allison ang serve kaya si Lucas ang unang magse-serve.
Bumwelo ito at saka malakas na tinira ang bola papunta sa akin na sa sobrang lakas ay halos hindi ko namalayang nakatawid na ito sa court ko.
Pero hindi naman ako ganun kabagal at nahuli ko pa rin ito iyon nga lang ay huli na at hindi ako masyadong nakakuha ng pwersa para maibalik sa kanya ang bola.
"Damn." I hissed. Sobrang nainis ako sa sarili nang hindi ko makuha ang serve nito.
Narinig ko namang tumawa si Lucas kaya napatingin ako sa kanya.
"Stop whining love! Just do yoir best." sabi nito. Inirapan ko lang ito bago bumalik sa pwesto ko kanina.
"Argh!! I hate you!" kainis 'to hanggang ngayon hindi ko pa din maibalik sa court nito yung serve niya. Sobrang easy lang pala siya akin noong injured ako pero ito na talaga yung laro niya.
Tumawa lang ito pero bigla itong sumeryoso at lumapit sa akin.
"Try doing split steps love, mas bibilis ang kilos mo at makukuha mo agad ang serve ko.
Hindi na ako nakipagtalo at ginawa ko nalang ang sinabi nito. He's wearing his serious face kaya namab tiwala ako sa sinabi nito.
Naghanda na ulit ito sa pagserve at ginawa ko din ang split steps habang hinihintay ang serve nito. At nang mairelease nito iyon ay mabilis akong pumunta sa direksyon ng bola para abangan at tirahin pabalik sa kanya. Mas mabilis ito kaysa dati kaya ganun nalang ang tuwa ko nang maibalik ko sa court nito ang bola.
At nagtuloy-tuloy iyon sa mahabang rally.
"Love, get up." utos nito habang hinihila ang mga kamay ko para patayuin ako.
"I'm tired." sabi ko. Basta nalang kasi akong umupo sa mismong court dahil sa pahod matapos ang ilang game na nilaro namin.
Out of 30 games, 5 lang ang naipanalo ko pero okay na 'yun kasi pinakita naman ni Lucas sa akin ang tunay na laro niya. Ibig sabihin, hindi siya naging easy kalabanin ako.
Umalis naman ito matapos kong sabihin iyon. Nang makabalik ito ay may dala na itong tubig at iniabot iyon sa akin.
"Thanks." wika ko pagkaabot ko nung tubig.
"So how's my performance?" tanong ko sa kanya nang maupo ito sa tabi ko.
"Better than before." sagot nito.
"Liar." inirapan ko ito bago uminom mulu ng tubig.
"I'm telling the truth love, you think matatalo mo ako kung hindi mo ginawa 'yon?"
Tinutukoy ito ang paggamit ko sa dalawang kamay ko ng salitan kada rally. Naisip ko lang gawin iyon at effective naman.
"You need to practice more at dapat mas mahasa pa ang skills mong 'yon in order to beat Allison."
Really? Hindi ko 'yon naisip.
Dahil pagod na kami ay nag-aya na akong umuwi kaya matapos mag-ayos ay bumalik na kami sa apartment namin.
Buong araw kaming magkasama ni Lucas ang sa mga oras na iyon, about tennis lang ang laman ng usapan namin. Minsan pa ay nagnanakaw lang ito ng halik sa akin.
**
Sorry matagal mag-update.
Not Ateneo fan, pero super kilig at happy ako for JiaGel ❤
![](https://img.wattpad.com/cover/225557903-288-k638119.jpg)
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...