"Captain ang cool mo talaga kapag iniinterview ka." wika ng mga teammates ko nang makabalik ako mula sa kakatapos na interview para sa darating na game two ng finals bukas.
Natapos na ang game 1 at napagtagumpayan namin iyon. Nawala na rin ng parang bula ang issue na ginawa ni Maddie tungkol sa akin. Nagwagi din ang team ni Lucas kontra sa men's team ng aming school. At kahit nalulungkot ako para sa aming men's team, masayang-masaya naman ako para kay Lucas.
Naging smooth lang ang pagtatapos ng aming Game 1 Finals. Si Bianca pa rin ang nakaharap ko at medyo nahirapan ako sa kanya dahil mas gumaling ito kumpara noong huling laban namin. Mabuti nalang at mabilis akong nakapag-adjust at natalo ko siya pero alam konv babawian ako nun sa game 2 at handa naman ako.
"Anong cool dun? Eh literal na sinagot ko lang naman yung mga tanong nung courtside reporter ng school natin." sumbat ko bago naupo.
"Yun na nga eh Captain, literal na sumasagot ka lang ng mga questions pero ang cool mo pa rin tignan." napailing nalang ako sa mga ito bago bumalik sa pagpractice. Sumunod naman ang mga ito sa akin.
"Okay reminder guys, focus on your game. Don't get distracted. Play as if it's your last game, well last game ko na pala at kayo din this season and lastly enjoy and don't get hurt. Maliwanag ba?" nakangiting tumango ang lahat.
Ramdam kong excited na silang maglaro para bukas, ganun din ako. Sino nga bang hindi? Isang panalo nalang makakamit na namin ang panibagong championship title.
"Breakfast!" sigaw ni Lucas. Mabilis naman akong lumabas ng kwarto ko at sabay kaming kumain ng mga niluto niya.
"Excited?" he smiled at me.
"Super. This will be my last game." sagot ko sa kanya.
"I'm pretty sure you'll do your very best. Well, always naman." natawa ako sa huling sinabi nito. Oo ginagawa ko talaga ang best ko kapag naglalaro ako pero iba ngayon. Mas lalo kong pagbubutihan para maipanalo ang game ko.
Nang matapos kaming kumain ay nagkanya-kanya muna kami sa pag-aayos at ihahatid niya daw ako sa school.
"I'll cheer for you later." sabi nito nang maihatid na niya ako sa school.
"Lagot ka sa mga schoolmates mo." biro ko pero umiling lang ito.
"Ikaw lang naman ichi-cheer ko. Syempre priorities." sabi nito bago ngumiti at kumindat sa akin. Kinurot ko nalang ang pisngi nito at saka hinalikan bago magpaalam para pumasok na sa loob ng school.
"Good morning Captain!" bati ng mga teammates ko sa akin habang hinihintay ang aming school bus na siyang maghahatid sa amin sa venue.
"Good morning. Ready na ba kayo?" tanong ko sa kanila nang makalapit ako.
"Pagkatapos palang ng game 1 Captain, ready na ulit kami." sagot ni Kayla.
"Bolera, pagod na pagod ka nga noon eh tapos gusto mo nalang matulog pagkatapos ng laro mo." sumbat ni Meryl sa kanya. Bumelat nalang si Kayla.
"Tama na 'yan. Ang mahalaga maipanalo muli natin ang Game 2. Alam niyo naman kung papaano bumawi ang Stuartz di ba?" sabi ko sa kanila.
"Yes naman Captain, at handa kami doon."
Ngumiti ako sa kanila. Sakto namang dumating ang school bus kaya sumakay na kami doon. Naabutan namin si coach na naroon na pala kaya hindi na kami nagtagal at nagtungo na kami sa venue.
Pagtapak ko palang sa court alam ko ng ito na ang magiging huling laro ko sa SAU. Kahit sobrang mamimiss ko ang tournament na ito, gusto ko na ring tapusin para makuha na namin ang panibagong championship title.
"Saan ka pupunta Captain?" tanong sa akin nina Meryl at Kayla nang makita nila akong aalis.
"Restroom lang ako." sabi ko at nagpatuloy na ako sa paglalakad at magtungo doon.
Lalabas na sana ako mula sa cubicle na pinasukan ko nang bigla akong makarinig ng dalawang boses at parang nagtatalo ang mga ito.
"What did I told you? Dapat hindi ka umamin sa kanila! Nasira tuloy yung plano ko dahil sa katangahan mo!" sigaw ng isang babae na pamilyar ang boses.
"Anong magagawa ko?! Aalisin nila si mommy as one of the board membera sa school and I don't want that to happen!" mas lalong pamilyar ang boses nung pangalawang babaeng sumigaw.
"Wala ka talagang kwenta! Palibhasa pinanganak kang walang talento! Pinupush mo lang yang sarili mo para magustuhan ka ng mga tao pero ang totoo wala kang kwenta!"
"Shut up Bianca! Mas masahol ang ugali mo kasi ikaw lahat ang nakakaisip ng mga masasamang ginagawa ko! Sumusunod lang ako sa'yo kasi gusto ko din mapalapit sa'yo at magustuhan din ako nina Lolo!"
Bianca?! Don't tell me si-
"You're so funny Maddie. Kahit kailan hindi ka magugustuhan nina Lolo dahil ako lang paborito nila dahil kaya nila akong ipagmalaki. Eh ikaw? Wala silang pwedeng ipagmalaki sa'yo kasi loser ka!"
"Bawiin mo lahat ng sinabi mo!" rinig ko ang paghagulgol ni Maddie habang sinasabi iyon.
"Never!" narinig ko ang pagbukas ng isang pinto kaya sa tingin ko ay umalis na si Bianca at naiwan si Maddie na patuloy sa pag-iyak.
Hindi ako nakatiis kaya lumabas na ako mula sa cubicle na kinaroroonan ko kanina at naabutan ko ang umiiyak na si Maddie habang nakayuko.
Umangat ang tingin nito sa akin at ganun nalang ang gulat nito nang makita ako.
"Captain?"
"So you did all of that just to please your relatives especially your grandfather?" tanong ko sa kanya.
Yumuko ulit ito. "I'm sorry Captain."
"I kinda relate to you because I crave for my parents attention since hindi ako ganun katalino di tulad ng mga kapatid ko na palaging pinagmamalaki ng parents ko." huminga muna ako ng malalim dahil bumalik ang bigat sa dibdib ko habang inaalala ang mga panahong iyon.
"Pero kahit kailan Maddie hindi ako gumawa ng masama para magawa iyon. Nagpursige ako, ginawa ko ang lahat ng wala akong ibang tinatapakang tao. Hindi ko alam at nakaya mong gawin iyon sa akin dahil sa totoo lang, hindi ko pa rin akalain na magagawa mo iyon. I knew you as a sweet and hardworking girl pero nagbago ang lahat matapos ang mga ginawa mo sa akin."
Darating ang panahon na makakapagpatawad ako sa mga kasalanan niya sa akin pero ngayon hindi ko pa kaya. Lalo na at muntik na niyang masira ang pinaghirapan kong career kong ito.
"I hope you've learned your lesson." sabi ko bago siya iwanan sa restroom at magtungo muli sa court.
"Natagalan ka ata Captain? Jumebs ka ba? Ninenerbyos ka?" wika ni Kayla sa akin.
Inirapan ko lang ito bago siya nagpeace sign.
Nagwa-warm up na ang ibang mga teammates ko maging ang Team ng Stuartz. Dumako naman ang tingin ko sa kinaroroonan ngayon ni Bianca at naabutan ko itong nakatitig sa akin.
Naalala ko kung paano nito muling gawin sa akin nung game 1 ang ginawa nito sa akin noon kaya ako na-injured. Pero hindi na siya sa nagtagumpay sa pagkakataong iyon. At dahil sa nalaman ko kanina hindi ko alam kung makakapagpigil pa ako pero gagawin kong makasaysayan ang laro namin sa buong SAU Tennis tournament na ito.
**
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Ficción GeneralEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...