"Hi, love." bati agad ni Lucas sa akin nang buksan ko ang pinto ng apartment ko. Usapan kasi namin na dito siya kakain at siya ang magluluto.
"Anong nakain mo at naisipan mong ipagluto ako ngayon?" tanong ko habang nakasunod sa kanya papunta sa aking kusina.
"Syempre you need to eat delicious and nutritious food dahil big game niyo bukas. Di ba ang supportive ko?" sagot nito na sinabayan pa ng nakakalokong pagtaas ng kilay.
"Yabang, ano ba lulutuin mo?" sabi ko at saka lumapit sa kanya na kasalukuyang inilalabas ang mga pinamili niyang mula sa isang malaking supot.
"Scrumbled egg and hotdog love." ngiting-ngiti nitong sagot. Sinamaan ko agad siya ng tingin kaya humagalpak ito sa tawa.
"You have to see your face now. It's so priceless!"
Kinuha ko yung isang itlog sa isang tray at akmang ibabato sa kanya pero mabilis niya akong napigilan.
"Sorry na love, binibiro lang kita eh. Chill ka na. Mahal pa naman kita." sabi nito at hinalikan ang noo ko. Pagkatapos ay bumalik na ito sa pag-aayos ng mga lulutuin niya.
Kainis 'to! Alam talaga paano mawala inis ko sa kanya.
Pumasok naman muna ako sa kwarto ko para mag-ayos, hindi pa kasi ako nakakapagpalit ng damit.
Isang oversized shirt ang sinuot ko at saka shorts para mas kumportable akong matulog mamaya. I tied my hair in a bun pagkatapos ay lumabas na ng room ko at saka nagpunta sa kusina kung saan busy nang magluto si Lucas.
Kumalam agad ang tiyan ko ng maamoy ko ang adobong niluluto nito.
"Seriously, masustansya ba 'yan?" tanong ko sa kanya pagkalapit ko.
"Not really but it's one of your favorite and mas madaling lutuin 'to." he answered before he gave me a winked. Inirapan ko naman agad ito.
Hindi naman nagtagal ay natapos na itong magluto at nagsimula na kaming kumain.
"Ako na ang maghuhugas." sabi ko nang matapos kaming kumain.
"Nope, ayokong mapagod ka, may game ka pa bukas kaya ako nalang."
"Duh, maghuhugas lang mapapagod agad? Ikaw na nga nagluto kanina kaya please bigay mo na sa akin 'to." pangungumbinsi ko.
"No. Ako na." nainis ako lalo kaya humarap ako sa kanya.
"Mamili ka, maghuhugas ka pero wala kang kiss sa akin ng isang linggo o ako ang maghuhugas?" natigilan naman ito sa kundisyon ko kaya tinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Akala ko ay pupunta na ito sa living room para manood pero ninakawan muna ako ng halik bago nagtungo doon.
Nang makaalis ito ay pinagpatuloy ko na ang paghuhugas ng mga pinagkainan namin. Minsan na nga lang akong sipagin kokontrahin pa niya.
Nang matapos ako ay pumunta na rin ako sa living room para samahan siya sa panonood.
Agad ako nitong inakbayan at mas lalong pinalapit sa kanya nang tumabi ako sa kanya.
"How do you feel about your tomorrow's game love? Nervous?"
"Lagi naman akong kinakabahan kapag may game kami, hindi na mawawala yun." sagot ko.
"How's your wrist?" tanong nitong muli at saka hinwakan ang kamay ko bago haplusin ang injured wrist ko noon.
"Okay na okay. Matagal naman na itong hindi masakit eh, talagang ipinahinga ko lang ng mabuti para hindi na muling bumalik yung injury ko."
Hinalikan naman nito yung wrist ko pagkatapos kong sumagot. Natatawang napatingin ako sa kanya matapos iyon.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...