Kasalukuyan kong pinupunasan ang basa kong buhok nang biglang tumunog ang phone ko.
Kinuha ko agad ito at nakitang si Lucas ang tumatawag kaya sinagot ko agad.
"What?" tanong ko agad sa kanya. Tumingin naman ako sa dalawang ka-room ko kung tulog na sila bago ko muling tinuon ang sarili sa tawag nito.
"I can't sleep." grrr why he's using his pabebe voice?!
"Stop it Lucas, ang pangit pakinggan."
"I really can't sleep, hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend na kita."
"Then break na tayo."
"What! No! Wala pa ngang...apat na oras nung naging tayo!" pinipigilan ko ang matawa dahil sa pagkataranta nito.
"Hmm.." why do I like teasing him.
"Don't make me nervous LA, pupuntahan kita ngayon diyan sa room niyo." sabi nito at saka pinatay ang tawag bago pa man ako makaangal at sabihing nagbibiro lang ako.
Wala pang dalawang minuto ay nakarinig na ako ng pagkatok sa pinto ng aming room kaya nagmadali akong lumabas para hindi na maistorbo ang tulog nitong dalawa.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Lucas na hingal na hingal pa at seryosong nakatingin sa akin.
"Tell me you're only joking."
"Ano bang sinabi ko?" maang-maangan kong tanong.
"My God woman, stop teasing me, I can't bare to lose you." tila nakahinga ito ng maluwag at saka ako niyakap ng mahigpit.
"Fine, I'm sorry if I made you nervous, nakakainis kasi yung pabebe voice mo." sabi ko.
"Naglalambing lang naman." depensa nito.
"Tss ang pangit, di bagay sa'yo.. bumalik ka na sa room mo." sabi ko at akmang isasara na ang pinto pero pinigilan nito.
"Kiss muna ulit."
I rolled my eyes. "Ikaw abusado ka na."
"Please..." my God! Walang ngang pabebe voice pero pabebe face naman. Inis kong kinurot ang nguso nito na nakapout sa ngayon. Inilayo ko ang mukha nito na malapit sa pinto namin pero hindi ito nagpatinag.
"Isa lang, sa cheeks." sabi nito sabay baling ng mukha sa kabilang side para makaharap ko ang pisngi nito.
"Fine." mabilis kong nilapit ang labi ko sa kanyang pisngi pero mabilis din itong humarap kaya dumiretso ang halik ko sa mga labi nito.
Nanlalaki ang mga matang humiwalay ako sa kanya pagkatapos.
"You! playing tricks with me!" hinampas ko ng mahina ang braso nito.
Tawa naman ito ng tawa at muli akong binigyan ng mabilis na halik bago lumayo sa akin at nagsimulang maglakad papuntang elevator.
"Baliw!" sigaw ko.
"nga sa'yo!" sigaw nito pabalik. Napwngiti naman ako lqlo na nang makita ang tuwa sa mukha nito habang sinasabi iyon.
Pagkasara ko ng pinto ay bigla naman akong nagulat dahil bumungad sa akin ang nakakalokong mukha nina Meryl at Kayla.
"WTF?!" gulat kong saad. Parang nanlambot pa ang mga tuhod ko dahil sa takot.
"Halla sorry captain, ang ingay niyo kasi maglandian ni Lucas." sabi ni Kayla. Inirapan ko naman ito pero tinawanan lang ako.
"Grabe captain, ang ganda din ng timing niyo maglandian no? Alas dose talaga ng gabi." dagdag pa nito.
"Ahh sana ganun din kami ni Mark." sabi naman ni Meryl. Seriously?!
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...