Chapter 8

12.5K 352 30
                                    

"Magpapalamig lang tayo dito, kanina pa mainit ang ulo mo eh, gusto mo bqng tumanda agad?" sabi nito nang makarating kami sa rooftop ng hotel na ito.

Pero alam niyo yung nakakainis? Nandun na nga kami sa tapat ng elevator pero sa nag-hagdan pa kami para umakyat papunta dito sa rooftop?

"Minsan talaga ang labo mo 'no? Dito mo naman pala ako sa rooftop dadalhin edi sana nag-elevator nalang tayo! Pinagod mo pa akong umakyat." reklamo ko sa kanya.

Natawa lang ito at hinila ako nito sa pinakadulo ng rooftop. May mataas na pader naman na harang ito na hanggang sa ibaba ng dibdib ko kaya safe naman.

Natanaw ko agad ang maliwanag na garden sa gilid ng hotel na ito, ang bubong ng malawak na indoor tennis court, napansin ko din na sa tabi nito ay may malawak ding outdoor tennis court na baka gagamitin namin kapag nasa kalagitnaan na kami ng training camp.

"Ang dilim dun." turo ko sa isang malawak at madilim na parte na medyo malayo na sa hotel.

"Diyan tayo maghi-hiking bukas." sagot nito. Napatango naman ako.

"First time ko." wika ko. "I don't know but when my teammates told me about it earlier, I got excited and scared at the same time."

"Don't be scared, I'll be there for you tomorrow." sinsero nitong saad. "Ako ang magiging partner mo." dagdag pa nito.

Napailing naman ako. "Baliw, magkaiba tayo ng school."

"and so?"

"Bawal."

"I don't think so."

"I made that rule just now."

"and in every rule, there's always an exception."

"Sa akin wala."

"Sa akin meron."

"Rule ko 'yon. Huwag kang epal." mabikis kong sagot, nakakainis na naman kasi makipagtalo sa kaniya.

"Then I will break that rule." sabi nito at saka inaya na akong bumaba para kumain.

"Teka? Bakit dito tayo kakain?" naguguluhan kong tanong nang pumasok kasi sa isang private room na may naka-set ng dinner sa gitna.

"I-I asked them to prepare this habang nasa rooftop tayo, you are so pissed to me earlier and I don't know how to say sorry to you. I contacted one of my friends and he suggested me to prepare a special dinner for us." paliwanag sa akin.

Napangiti naman ako nang makita ang nahihiya at kinakabahan nitong reaksyon matapos sabihin iyon. Hindi siya makatingin sa akin ng maayos kaya Libre akong titigan siya at matuwa sa inaakto niya. My God! Bakit ang cute niya!

"I appreciate it." sabi ko. Napatingin naman agad ito sa akin at saka nagpakawala ng isang buntong-hininga.

"T-Thanks!"

Napangiti na naman ako dahil napalitan ng tuwa ang kaninang medyo parang naje-jebs niyang itsura. My God! Ang cute niya lang kanina ngayon ang gwapo na. Kainis!

Inaya naman na ako nitong maupo at kumain kaya tumango ako agad dahil sa totoo lang, nagutom ako sa paghahanap kina Meryl at Mark kanina pagkatapos ay yung pag-akyat namin sa hagdan ng limang palapag na hotel na ito.

"Tell me, yung kaibigan ba na nagbigay ng advice sa'yo ay same lang kay kuyang magtataho?" natigilan naman ito sa pagkain at tumingin sa akin.

Nagpatuloy lang ako sa pagkain na parang wala lang yung tanong kong iyon.

"How did you know?" nagtataka nitong tanong.

"Duh! I told you, familiar yung mukha niya and I remembered na siya pala yung captain ng Leighton University Men's Football Team! He's Lorenzo, tama ako di ba?" tuwang-tuwa kong saad na parang nakasagot ako ng isang mahirap na math problem.

"I just don't want you to wait for nothing so I ask him to find taho and pretend to be a magtataho. " paliwanag nito.

"Sobrang gwapo namang magtataho nun."

"Mas gwapo ako dun." sabat nito.

"Hmm mas gwapo siya kaysa sa'yo, ang puti mo kasi masiyado, siya moreno, mas manly ang dating." sabi ko na kinikikig pa kunwari.

"Tsk!" nagbago naman ang mood nito at bigla nalang tumahimik.

"Hey! Bakit tumahimik ka? Are you okay?" nag-aalala kong tanong sa kaniya.

"So mas gusto mo ang moreno kaysa sa maputi." he stated 'cause it doesn't seem like he's asking me.

"I didn't say gusto ko ha. Sabi ko mas gwapo lang." depensa ko.

"Tsk! Ganun na din 'yon." malamig nitong saad.

"Of course not, I prefer a man who makes my heart beat so fast." sagot ko agad.

"So, do I make your heart beat fast?"

Natigilan naman ako sa tanong nitong iyon. Bigla na naman kasing bumilis ang tibok ng puso ko at hindi lang iyon, dahil naalala ko bigla ang huling sinabi ko.

I prefer a man who makes my heart beat so fast?

Shit! Sinabi ko ba talaga iyon? Oh my God!

"O-of course not! Huwag kang assuming!" kinakabahan kong sagot.

"Really? Then why you look so nervous right now?" nakangisi nitong tanong sa akin.

"Hindi ah!" Nataranta naman ako sa pagkuha ng tubig ko pero bigla kong nasagi yung isang baso ng juice sa at natapon ang laman nito na dumiretso lap ko. Napatayo agad ako. "Shit!"

"Hey relax! Bakit ba bigla ka nalang natataranta." sabi nito atsaka lumapit sa akin. Kumuha ito ng tissue at pupunasan na sana nito ang basang parte sa lap ko pero natigilan ito at ibinigay sa akin ang hawak nitong tissue.

Kinuha ko agad iyon at pinunasan ang basang parte sa lap ko.

Nang matapos ako ay tumingin agad ako kay Lucas para mag-thank you pero nagulat ako nang makitang seryosong nakatitig ito sa akin.

Dahil sa pagkagulat ay bigla akong napaupo. Para namang tinakasan ng dugo ang mukha ko nang hindi maramdaman ang upuan ko. Pero mabilis ang reaksyon ni Lucas at hinawakan agad ako nito sa aking kamay at baywang at hilahin ako para hindi ako tuluyang matumba.

Dahil napalakas na naman ang paghila niya sa akin. Dumiretso na naman ako sa dibdib nito. Dumagdag pa ang mahigpit nitong pagkakahawak sa aking baywang.

Dahil doon ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi rin ako agad nito binitawan at parang mas lalo pa nitong hinigpitan ang paghawak sa aking baywang.

"Let go." kinakabahan kong utos sa kanya matapos ang ilang sandali.

"I can feel your heartbeat. It's so fast." bulong nito.

Mas lalo naman akong kinabahan kaya kahit parang naghihina ako ay buong pwersa ko siyang itinulak.

"M-magkita nalang tayo bukas. Good night!"

Pagkasabi ki nun ay mabilis akong umalis sa room na iyon papunta sa room namin. Wala pa ang dalawa ng makapasok ako sa loob. Dahan-dahan akong napaupo sa kama ko at inalala ang nangyari kani-kanina lang.

Did I really said those words? Bakit iyon agad ang unang lumabas sa bibig ko na gusto ko sa isang lalaki.

At doon ko lang narealize na si Lucas lang ang nakakapagpatikbok ng ganun sa puso ko.

Oh my God!

Napapasabunot pa ako sa buhok ko habang inaalala ang mga nangyari kanina.

Napatingin ako sa kamay ko. I know why I pushed him that hard earlier. Dahil kapag hindi ko iyon ginawa ay baka bumigay ako at yumakap sa kaniya.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero isa lang ang masasabi ko, natatakot ako sa nararamdaman ko para kay Lucas, natatakot ako na bumigay sa susunod na mayakap niya akong muli dahil hindi ko sigurado kung makokontrol ko pa ang sarili ko.

**
short update 😁
sorry sa typos kung madami man. 😅✌
❤❤

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon