SPG
Ilang linggo na din ang lumipas matapos mapagdesisyunan na mananatili ako sa team. Hinihintay ko nalang din ang go signal ng doctor ko kung pupwede ko ng gamitin muli ang kaliwang kamay ko.
Pero hindi ko na iyon masiyadong inaalala dahil nasasanay na din ako sa kanang kamay ko. Halos nagagawa ko na din ang iba't ibang mga techniques ko don.
Maliban sa team practice, nagso-solo practice din kami ni Lucas at ayon sa kanya, nagkakaroon na daw ng thrill ang match naming dalawa dahil nahihirapan na daw siya sa mga attacks ko.
Mas lalong tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili na maitatawid ko ng maayos ang season na ito.
Hindi na din bumalik sa practice si Maddie at never ko na din siyang nakita o nakakasalubong sa school. Siguro ay umiiwas ito dahil sa kahihiyang ginawa niya.
"Okay, narito na ang ating game schedule sa darating na SAU League. Nasa Pool B tayo kung saan makakaharap natin ang mga school na 'to." isa-isang pinasa sa amin ni coach ang list ng mga teams na nasa pool A at pool B.
Pool A
Stuartz University
Eastwood University
Traelhore University
Halledine University
Traelhore UniversityPool B
University of Ravenleign
University of Streinfied
Wilhelm University
Veindane University
Venusville UniversityWala sa pool namin ang Stuartz University pero kasama naman namin ang University of Streinfied, sila ang nasa top 3 last season at wala pang grumaduate sa kanila kaya ibig sabihin ay mas lamang sila sa experience kaysa sa team namin.
Dalawa ang rookies namin, at malaking kawalan ang dalawang seniors namin na grumaduate na dahil sa magandang performance nila last season.
"Nandiyan na din sa mga copies na binigay ko sa inyo ang mga pangalan nang mga players ng iba't ibang universities na makakaharap niyo sa pool b."
Chineck ko naman agad 'yon. May mga familiar names akong nakita, mga dating nakakalaban ko na din pero may mga bagong players din.
Nagulat naman ako dahil may isang bagong pangalan na nakalista sa Streinfied. Akala ko walang grumaduate sa kanila?
"OMG! Captain! Naalala mo ba 'tong si Allison?" tukoy ni Kayla sa kaisa-isang rookie ng Streinfied.
"Not really. Why?"
"Siya yung highschool standout na gusto kang makalaban at maging unang talo mo." well, same sila ni Bianca.
Halos lahat naman kasi gusto akong talunin, kasalanan ko bang wala pa akong talo sa buong journey mo dito sa SAU at naging big deal na para sa lahat na talunin ako.
"Hindi ka kasi sumama sa amin nung nanood kami sa palarong pambansa, gusto namin siyang irecruit noon pero ang sumbat niya sa amin, paano ka daw niya matatalo sa isang official match kung magiging teammate ka niya."
"Halos ganun naman lahat ng sagot nung mga nirerecruit natin noon, ang gusto nila ay matalo si captain kaya ayaw sumali sa team."
Napailing nalang ako dahil sa totoo lang yun lang ba ang rason nila para maglaro ng tennis?
"Hey." I said before kissing Lucas cheeks not minding those students staring at us.
"Tired?" tanong nito habang nakahawak ang mga kmay nito sa magkabilang side ng bewang ko.
"Yeah., puspusan na kasi yung oractice namin kanina and honestly, sobrang nag-eenjoy na akong gamitin itong kanang kamay ko. Hindi na din awkward ang pag-grip ko sa racket ko and sobrang gaan na ng feeling habang nire-receive ko yung mga serves ng teammates ko." kwento ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
General FictionEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...