Chapter 13

12.9K 342 21
                                    

"Love, hipan mo kaya, ang sakit eh." reklamo nito habang ginagamot ko yung sugat niya.

"Ayaw mo nun, hindi ka manhid." sabi ko sabay lagay na nung band-aid sa sugat niya. Medyo diniinan ko pa ang paglagay kaya nagreklamo ulit to.

"Love naman, mas masakit pa yung paggamot mo sa sugat ko kaysa sa mismong sugat ko eh."

"Ang cute mo kasi masaktan." natatawa kong inamin.

"Ganito pala ang feeling na may sadistang girlfriend."

I just smiled at him habang nililigpit ang medicine kit na ginamit namin ko sa paggamot sa sugat niya.

Umupo naman ako sa tabi niya pagkatapos.

"How does it feel?" tanong ko sa kanya.

"Masakit syempre, kainis nga eh hindi man lang ako nakabawi. Duwag din yung isang 'yun eh, manununtok kung saan hindi ako nakaharap at walang kaalam-alam na susugod siya." ang cute nito dahil para lang siyang nagsusumbong sa nanay na may kasamang pagyayabang.

"So susuntukin mo din sana siya kanina kung hindi kayo inawat kaagad? Kayo talagang mga lalaki, ayaw magpatalo sa isa't isa. Kailangan may mas malakas sa inyo." sabi ko habang masamang nakatingin sa kanya.

"How's your wrist injury?" tanong nito para maiba ang aming usapan. Hinawakan naman agad nito ang kamay ko nang tiningnan ko iyon.

"Ayos naman."

"Are you sure? Just promise me na huwag na huwag mong pupwersahin ito para mas bumilis ang paggaling mo, okay?"

Tumango naman ako bilang sagot at saka isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat habang nilalaro nito ang mga daliri ko.

Dito ko siya ginamot sa lobby at nagrequest nalang sa staff ng hotel ng medicine kit. Inaaya ako nitong sa room nalang niya pero hindi ako pumayag, kahit alam ko namang wala kaming gagawin maliban sa gamutin ang sugat niya, ayoko din namang mapagchismisan dahil sa maling akala. Doon pa naman nabubuhay mga tao ngayon, ang pag-usapan ang buhay ng isang tao.

Hindi naman nagtagal ay nagpaalam na kami sa isa't isa para mag-ayos dahil malapit na ang dinner.

Sa mga natitirang araw ng aming training camp, halos mga iba't ibang drills nalang ang pinagawa ni coach at sa huling araw ay panibagong tune up game ulit.

Pero hindi na gaya nung una, ngayon ay unahan ng makapanalo ng apat na games. Kaya laking ginahawa para sa akin dahil alam kong hindi ako maglalaro. Malaki ang tiwala ko sa mga teammates ko at alam kong maipapanalo nila agad ang mga games nila.

"Captain." si Maddie. Lumapit ito sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya nang makaupo ito sa tabi ko.

"Hindi ka po maglalaro?" tanong nito.

"Nope, ako naman palagi ang last player na maglalaro sa singles ang magaling ang mga teammates natin kaya panatag ako na hindi ako makakalaro ngayon." sagot ko.

"Bakit captain? Ayaw mo bang maglaro?" tanong ulit nito.

"Syempre gusto pero mas magandang mabigyan din ng exposure ang iba para mas lalo silang gumaling." sagot ko uli.

"Ah ganun ba captain, akala ko kasi ayaw mong maglaro dahil may iba pang rason." hindi ko masiyadong naintindihan ang huling sinabi nito dahil sobrang hina ng pagkakasabi nito.

Hindi ko nalag ito kinulit at binalik ang atensyon sa panonood ng tennis.

"Kumpleto na ba? Magro-roll call ako and say present okay?" sabi ni coach sa amin nang nasa loob na kami ng bus na aming sasakyan pabalik ng university.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon