Chapter 14

11.6K 309 36
                                    

Masaya akong pumasok kinabukasan dahil sa mga kalokohang ginawa namin ni Lucas. Ikaw ba naman ang muntikan nang mahuli sa akto na naghahalikan sa elevator.

Painosente pa ito matapos iyon at inakbayan nalang ako hanggang sa makarating kami sa kotse niya.

"Here." abot nito sa aking sports bag at racket matapos panggigilan yung labi ko. Mabuti nalang at hindi ako naglagay sa lipstick, kung hindi kalat na kalat na siguro yun ngayon.

Tinanggap ko agad iyon at saka nagpaalam na sa kanya. Pumayag na kasi ito, oo siya talaga, na bumalik na ako sa practice kasama ang mga teammates ko.

We shared another quick kiss before I went out on his car. Nakangiti lamang ako habang naglalakad papasok ng university pero agad natigilan nang mapansing iba ang pinupukol na tingin sa akin ng mga estudyanteng nadadaanan ko.

Naninibago siguro sila dahil nakangiti ako ngayon, malayo sa rest bitch face ko noon kaya hinayaan ko nalang at saka dumiretso na muna sa tennis club room.

Pero natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Isang mensahe iyon galing kay Meryl.

"Captain, kailangan mong makita 'to." anito sa text na pinadala.

Clinick ko agad yung link na sinend nito at dumiretso ito sa student's portal.

Agad nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba nang makitang video namin iyon ni Lucas sa lobby ng hotel kung saan ko siya ginamot. Ito yung time na kinakamusta niya ako about sa injury ko.

Rinig na rinig ang usapan naming iyon ni Lucas kaya naman sari-saring reaksyon mula sa mga students ng Raveinleign ang mababasa.

Nanginginig kong binasa ang mga comments na naroon at halos lahat ay galit sa akin dahil itinago ko ang tungkol sa injury ko.

Hindi daw fair para sa ibang tennis athletes na nagpupursige para makapasok sa line up. Nakasaad sa rules na matatanggal ang sino mang may injury.

Ang iba pang mga comments ay sinasabing mayabang daw ako at wala daw akong pake kung itago ko ito dahil hindi naman daw ako aalisin.

Maraming di sang-ayon sa pag-stay ko sa team at nais akong mapaalis sa line up.

Halos manghina ako habang binabasa ang lahat ng mga masasakit na comments tungkol sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko nang may mareceive ulit akong message. Mula ito kay coach.

"Come to my office now." anito sa text.

Kahit nanghihina ako ay dumiretso pa din ako sa office nito. Pagpasok ko doon ay nagulat ako nang binalibag nito ang ilang mga libro na nasa table nito.

"Coach." kinakabahan kong saad.

"Kaya ba ayaw mong makisali sa practice dahil tinatago mo ang tungkol sa injury mo ?!"

"Coach." wala akong ibang masabi dahil bistado na ako.

"Ikaw ang captain pero ikaw pa ang lumabag sa rules?! Alam mo ba kung anong parusa ang pwede mong makuha mo doon LA? Matatanggal ka sa team!" galit na galit nitong saad.

"I-I'm sorry coach." sabi ko sa nanginginig na boses.

"Kahit gusto kong manatili ka, wala akong magagawa kung ang boards na ang madedesisyon. Pasensya na LA."

Paglabas ko sa office ni coach ay kusa nang tumulo ang kanina pang pinipigilang luha.

Napakaraming gumugulo sa isip ko ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng parents ko kapag nalaman nila ito? Ang world champion na pangarap ko, namin ni Lucas. Tiyak na kakalat din ito sa buong SAU community at pag-uusapan ako. Worse ay kakalat din ito international dahil gumagawa na din ako ng marka noon sa SEA Games.

Kahit wala na ako sa mood mag-aral ay sinikap ko oa rin pumasok sa mga pang-umaga kong subjects. Ano pa nga bang kaya kong ipagmalaki sa parents ko? Mag-aral nalang siguro ako ng mabuti at baka sakaling maging proud sila sa akin.

Dumating ang hapon ay mabigat pa rin ang mararamdaman ko kung kaya't hindi ako nakatiis at tinawagan ko ang nag-iisang tao na pwede kong tawagan sa oras na ito.

"Hello." sagot sa kabilang linya.

"Hey couz. Pinilit kong maging masaya ang tono ng aking boses pero bigo ako dahil tumakas ang isang hikbi na kanina ko pa pinipigilan.

"Alam ko na kung anong problema mo, kalat na sa buong SAU.."

"Yeah.. would you come with me?"

"Saan?"

"Bar? Gusto kong makalimot kahit sandali." sabi ko habang pinupunasan ang nga luha sa mukha ko gamit ang likod ng aking kamay.

"Are you sure?"

"Yeah, text ko nalang sa'yo kung saan." sabi ko at lumabas na ng school para umuwi sa aking apartment.

Alas tres palang naman at 5pm pa ang huling klase ko pero hindi ko na kayang pumasok lalo pa't masasamang tingin mula sa mga estudyanteng madadaanan ko maging sa mga classmates ko ang makikita ko.

Nang makauwi ako sa aking apartment ay nagbihis agad ako at saka kinuha ang susi ng aking kotse. Ang tagal na din nang huli akong magmaneho.

Speaking of it, I hope hindi pa malaman ni Lucas ang tungkol dito. Ayokong sisihin niya ang sarili dahil sa nangyari. Sa kanya kasi mismo nanggaling ang tungkol sa injury ko doon sa video kaya alam kong sisisihin niya ang sarili oras na malaman nito ang nangyari sa akin.

Nang makarating ako sa bar na minsan na naming pinuntahan ni Bella ay tinext ko agad ito na nandito na ako at sinabing sa loob ko n siya hihintayin.

Inorder ko agad ang ladies drink na usual naming inoorder ni Bella.

Hindi ko alam kung nakailang order at inom na ako pero hanggang sa oras na ito ay hindi pa din dumadating si Bella.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag-inom ko.

"So you're here." natigilan ako sa pag-inom at dahan-dahang tumingin sa may-ari ng boses.

Nang makita ko siya ay kusang tumulo ang mga luha ko kaya mabilis ako nitong dinaluhan at saka pinunasan ang mga luha ko.

"Silly, don't cry anymore. Gagawa ako ng paraan para hindi ka maalis sa line up niyo." pang-aalo sa akin ni Lucas.

"Wala na Lucas, yung dream natin paano na? Final year ko na 'to sa SAU and kailangan kong makagawa ng magandang record para mas maqualify ako sa world championship at ano nalang ang sasabihin nina mommy at daddy sa akin? I'm sure kinakahiya na nila ako ngayon. Wala talaga akong kwenta." bunga na din siguro ng alak kaya ko nasasabi ang mga 'yon.

"Hey, don't say that okay. I'll prove to you that they love you and proud of you so much. Don't cry na." pinunasan nitong muli ang mga luha ko bago ako niyakap. "Let's get you out of here, hindi ako kunportableng makita ka sa lugar na ganito, mabuti nalang at natrack ko gps ng phone mo."

Inalalayan naman ako nitong makatayo at makalabas ng bar. Dahil sa pagtayo ko, doon ko naramdaman ang kalasingan ko kaya halos mabuwal ako sa tabi ni Lucas pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin kaya hindi ako tuluyang natumba.

Dahil din sa kalasingan ay nakalimutan kong itext si Bella na umuwi na ako. Pero knowing Bella, kayang-kaya nito ang sarili niya.

Sa buong gabing iyon ay inalagaan ako ni Lucas hanggang sa nagising ako kinabukasan na hawak nito ang kamay ko habang tahimik na natutulog sa gilid ng kama ko.

I really hope na hindi nito sinisisi ang sarili  sa nangyayari sa akin ngayon. Wala naman itong ginawang masama sa akin at panay kabutihan lang kaya ayokong iparamdam sa kanya na sinisisi ko siya sa nangyari dahil sa salitang binitiwan niya sa video na iyon.

Speaking of video..
sino kaya ang kumuha nun?

**
short update. 😊
nag-double update ako to celebrate of me reaching 500 followers 😁
Sana magustuhan niyo!

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon