Chapter 7

12.3K 334 92
                                    

"T-Teka?! Saan mo ba ako dadalhin?! Akala ko ba may sasabihin ka lang sandali?" sigaw ko nang makalabas kami. Kanina pa ito nakahawak sa kamay ko, ni hindi man lang nito binitawan nang makalabas kami at dire-diretso lang sa paglalakad.

"Kakain tayo." maikling sagot lang niya.

Napasinghap ako. "Nababaliw ka na ba? Kakain? Tayo? eh nasa kasagsagan tayo ng practice!"

"Oh edi bumalik tayo doon at ipaalam sa lahat na injured ka, di ba ayaw mong malaman ng lahat 'yon? Tara!"

Natigilan ako sa sumbat nito. Tama nga naman siya. Bakit ba kasi napakaarte ko? Nagalit ko pa ata siya. Nakakainis naman kasi, kanina pa ako hinihila, ni hindi ko alam kung saan kami pupunta.

"Oh ano? Natauhan ka?" nakapamewang nitong saad.

At dahil kailangan bawasan ang pride, "Saan tayo kakain?"

"Diyan sa labas, maghintay tayo ng taho." mabikis niyang sagot at saka nauna nang maglakad.

"Weh? Kumakain ka ng ganun?"

"Ako pa!"

Yabang. Sumunod din naman agad ako sa kaniya at ngayon nga ay nasa isang waiting shed kami at kasalukuyang naghihintay ng daraan na nagbebenta ng taho.

"Sigurado ka ba na may dadaang nagbebenta ng taho dito?" medyo inis ko ng tanong sa kaniya dahil kanina pa kami naghihintay ay wala pa din nadadaan.

"Oo meron yan." wala sa sariling sagot nito.

"Was that the answer to my question or you're just trying to convice yourself na meron talagang dadaan dito?"

Doon siya napatingin sa akin.

"Meron nga, kulit nito. Bakit ba kasi ang tagal nun." bulong nito sa huling sinabi kaya hindi ko masiyadong naintindihan.

Naghintay pa kami ng ilang minuto hanggang sa makarinig kami ng isang lalaki na sumisigaw ng "Taho"

Bigla naman akong naexcite kaya napatayo ako mula sa pagkakaupo at saka lumapit sa pwesto ni Lucas.

"OMG! Nandyan na yung taho! Tara na bili na tayo!" excited kong sinabi atsaka siya hinila patayo.

Hindi naman ako excited kanina pero dahil sa napakatagal naming naghintay, hindi ko na napigilan maexcite.

Napakunot naman ang noo ko ng makita na si kuya na nagtitinda ng taho.

Nakatitig lang ako sa itsura nito like I'm judging him real hard. Parang nakita ko na kasi siya dati.

"Why?" tanong bigla ni Lucas na nasa tabi ko.

Pero nakafocus lang ako kay kuyang taho na oarang hindi sanay sa paglagay ng taho sa plastic na basong hawak nito.

"Kuya, first time mo?" sabi ko dahil halatang-halata na hindi ito marunong sa ginagawa.

"Sorry I miss, I really don't- Ah! I mean.. Ano pala, first time ko nga po." nag-aalangang napatingin ito kay Lucas.

Isang mapanuring tingin naman ang binigay ko kay Lucas. Pero hindi ako nito pinansin.

Pagkaalis nung 'taho vendor' ay bumalik na kami ni Lucas sa waiting shed at saka naupo doon para kumain.

"Parang nakita ko na 'yung si kuyang vendor noon eh. Hindi ko maalala kung saan basta familiar ang mukha niya." sabi ko.

Hindi ito umimik pero parang pinagpapawisan na ito.

"Pero gwapo siya infairness, parang Daniel Padilla yung kagwapuhan niya."

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon