Chapter 24

11.7K 312 6
                                    

"Gago ka?"

Tumawa ito ng malakas matapos kong sabihin sa kanya iyon. Kung kaninang nakangiti lang ito ay gwapo na ito, mas lalo ngayong tumatawa siya pero walang effect sa akin 'yon dahil kahit sino pang gwapo ang iharap sa akin, number one pa rin si Lucas.

"Just kidding but really, you don't remember me?" sasagot na sana ako nang biglang marinig ko ang boses ni Lucas.

"Kevin?" tawag nito sa lalaking nasa harap ko. Nagtaka ako dahil dito sa lalaking ito nakatingin si Lucas. Wait, magkakilala sila?

"Lucas! It's been a long time since we've last met, how are you bro?" masaya nitong saad bago lumapit kay Lucas upang yakapin ito. Inirapan ko naman ito dahil mas nauna pa itong yumakap kay Lucas kaysa sa akin. Bakit ba, eh selosa ako.

"Yeah. I just got back from being injured but I'm okay now and I'm good to play again. Ikaw, bakit nasa Pilipinas ka na ulit?" sagot ni Lucas sa kanya.

"I'm here to coach for a certain team." sagot nito.

"So you're into coaching now? or are you still playing?"

"Nah, I prefer coaching, just like Allison earlier, ako ang nagturo sa kanya when we were in abroad." sagot nitong muli. Doon naman naagaw nito ang atensyon ko. Kaya pala same si Allison at Lucas ng playing style, itong Kevin na 'to pala ang nagturo kay Allison.

Tumango lamang si Lucas bago itinuon ang tingin sa akin.

"So you've met my girlfriend, I hope wala kang kalokohang ginawa sa kanya." seryosong sabi ni Lucas bago lumapit at saka umakbay sa akin. Inilapit pa nito ang katawan ko sa kanya kaya parang nakayakap na ito sa akin.

"Easy lang bro, wala akong ginawa pero sinabi meron. Pero chillax lang, matapang girlfriend mo eh, you're LA right?" hindi ko naman ito sinagot at tumingala nalang kay Lucas at naabutan kong nakatingin pala sa akin.

"Yeah she's LA." maikling sagot ni Lucas.

Dahil sa tingin ko ay nakaramdam ng awkwardness si Kevin kaya ito na ang unang nagpaalam sa amin at umaasang makapag-usap pa daw sila ni Lucas ng mas matagal para magkamustahan.

"What did he told earlier?" tanong sa akin ni Lucas nang makalapit kami sa aming school bus.

Napansin kong kanina oa nito gustong itanong iyon sa akin pero nagdadalawang isip ito.

"He told me he was my first kiss." sagot ko na parang wala lang.

"What?!" inis nitong reaksyon.

"Calm down love, siguradong-sigurado naman ako na ikaw yung first kiss ko." nakangiting sabi ko bago lumingon-lingon sa paligid at nang wala akong makitang ibang tao ay mabilis kong siyang hinalikan sa labi.

Natigilan naman ito at gulat na napatingin sa akin kaya natawa ako sa itsura niya.

"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya dahil nakakunot na ang noo nito.

"Hindi sa ayaw ko pero kapag ikaw ang unang humahalik, ayaw ko nang tumigil pa." mahina nitong saad bago bumaba ang mukha nito patungo sa akin upang halikan akong muli pero naitulak ko siya agad nang marinig ko ang boses nina Meryl at Kayla na palapit na dito sa school bus. Mabuti nalang at maingay si Kayla kung hindi ay bistado kami nitong boyfriend ko.

"Oh? Hi Lucas! Masungit pa rin ba si captain? Hayaan mo bukambibig ka naman niya sa amin kada practice." bungad ni Kayla nang makalapit ito sa amin. Baliw talaga 'to ni hindi naman ako masiyadong nagsasalita tuwing practice. Kung magawa ng kwento wagas!

"Talaga?" napairap ako. Naniwala naman ang unggoy.

"Talagang-talaga! Oh paano ba yan Lucas, libre mo kami ha." nyeta magpapalibre lang pala kailangan pang gumawa ng kwento. Hindi nalang sabihin kay Lucas dahil panigurado manlilibre naman agad 'to.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon