Kinabukasan ay nagpasya na akong pumasok sa school dahil plano kong kausapin si Maddie at kumpirmahin sa kanya ang tungkol sa pag-upload sa video.
Dahil hapon pa ang practice ng team, pumasok muna ako sa klase ko. Ganun pa rin ang tingin nila sa akin, maging ang mga kaklase ko ay parang kinamumuhian ako.
Dumating ang oras para pumunta sa tennis court at kausapin si Maddie. Mabilis akong pumunta doon. Lakad takbo na ang ginawa ko dahil sa gustong-gusto ko na talaga siyang kausapin.
Pagkarating ko doon ay sinalubong agad ako ng mga teammates ko maliban kay Maddie na napansin kong busy sa pagpractice gamit ang tennis ball machine.
"Captain!!!" hagulgol ni Kayla at Meryl habang mahigpit akong niyakap ng mga ito.
"Kung alam lang namin na injured ka sana mas nagpakabait pa kami sa'yo para hindi ka mahirapan, alam naman naming sakit kami sa ulo mo, sorry captain! Dahil sa amin nangyari yan sa'yo!" hagulgol ulit ni Kayla.
"Kaya nga captain! Sorry talaga kasi inuuna ko pang lumandi kaysa alagaan ka, promise makikipagbreak na ako kay Mark para sa'yo!" si Meryl.
I rolled my eyes because of these two pero napangiti din pagkatapos dahil sa pag-aalala nila sa akin.
Binatukan ko tong dalawang ito nang mas lalo nila akong yakapin at hirap na ako sa paghinga.
"Mga baliw kayo, okay lang ako, naka-rest lang ang wrist ko at hindi ko pa pwedeng iforce pero gagaling na 'to sa pagsisimula ng bagong season." sabi ko sa kanila. "Pero iwan ko muna kayo diyan at kakausapin ko lang si Maddie." sabi ko at nagtungo na sa kinaroroonan ni Maddie.
Nakakatawa lang dahil sa pinakagitna na ito nagpa-practice na dati ay sa dulo dahil itinalaga ang gitnang court sa ace ng team.
Oo may ganun dito sa school.
"Maddie." tawag ko sa kanya at agad naman itong napahinto sa ginagawa.
Biglang nanlaki ang mga mata nito nang makita ako. "Captain."
"Can we talk?"
"U-Uhmm sige po."
Umupo kami sa bleachers pero nakakapagtakang hindi na ito ganun kalapit sa akin. Malaki ang distansya ng inuupuan namin at parang takot itong tumabi sa akin.
"Bakit ang layo mo?" tanong ko sa kanya.
"Mas kumportable ako dito eh." Tumango ako.
"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. I want to ask you, ikaw ba ang nag-upload ng video na 'yon?" sumeryoso agad ang itsura nito matapos marinig ang tanong kong iyon.
Nagtaka naman ako nang yumuko ito. Nagsisisi ba siya sa ginawa niya?
"Maddie-" pero natigilan ako nang bigla itong tumawa. Palakas ng palakas na parang isang baliw.
"HAHAHAHA!!! Akala ko sa tennis ka lang magaling captain, ang talino mo din pala, nahulaan mo agad na ako 'yon!" at tumawa itong muli.
"So ikaw nga ang nag-upload?" bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa galit na nararamdaman ko ngayon. Humigpit ang paghawak ko sa sementadong bleacher habang pinapakinggan ang mala-demonyita niyang pagtawa.
"Obvious ba? HAHAHAHA!! Hindi ka kasi nag-iingat eh, nasabi kasi sa akin ni Bianca na may injury ka daw at ayaw mong aminin, syempre ako naman, grab the opportunity na. Rules are rules captain. Kaya bye bye na ang slot mo at ako na ang papalit sa'yo!" tumatawang saad nito.
Napatayo ako. "What? Bianca? bakit kayo nag-uusap ni Bianca?"
"Well, she's my cousin." Seriously?!
BINABASA MO ANG
Silent Smasher (Sporty Princess #3)
Ficção GeralEleanor Avery Delgado also known as "LA" is the team captain of Women's Tennis Team at the University of Ravenleign. Sa loob ng tatlong taon niya sa Tennis Team, siya palang ang player dito na wala ni isang talo hindi lang sa kaniyang team, maging...