Chapter 23

11.4K 311 44
                                    

"Ready na ba ang lahat?" malakas na tanong ni coach sa amin nang huminto ang aming school bus sa mismong harapan ng venue kung saan ginaganap ang tennis competition.

"Yes coach!" sagot ng lahat at isa-isa kaming nagsibabaan.

Naabutan naman namin ang ilang mga schoolmates namin mg nakapila sa labas para bumili ng ticket at sumuporta sa amin.

Minsan lang dumami ang crowd namin at iyon ay kung magaling ang team na makakaharap namin. At sa araw na ito, ang team ng Streinfied University ang aming makakaharap.

"Mauna na kayo sa court at may aasikasihan lang ako sandali. LA! Guide your teammates!" iyon ang bilin ni coach kaya inaya ko na agad ang mga teammates ko na magtungo sa loob.

Nasa bukana na kami papunta sa tennis court nang makasalubong namin ang buong team ng Streinfied.

Nginisihan ako ng team captain nila pero wala akong pinakitang emosyon dahil para saan nga ba iyon?

Aalis na sana kami nang biglang may nagsalita mula sa team ng Streinfield. Napatingin akong muli doon at nalaman kong si Allison iyon.

"Ang tagal kong hinintay 'to, LA. Ipapalasap ko sa'yo mamaya kung papaano makaranas ng pagkatalo at mula pa sa rookie na tulad ko." nakangising wika nito.

Ngumiti lang ako sa kanya bago tumalikod muli at nauna nang maglakad patungo sa loob ng tennis court.

"Grabe may pagkamayabang pala yung Allison no?" si Meryl.

"Oo nga eh! Mukhang siguradong-sigurado siyang matatalo niya si captain. Eh may gatas pa sa labi yun." saad naman ni Kayla.

"Tama na yang chismisan niya, warm up na muna tayo guys!" sabi ko sa kanila at sumunod naman agad ang mga ito.

Ramdam kong nakamasid ang Streinfied sa amin pero wala akong pakialam. I don't need distractions right now.

Gaya ng dati ay mauuna pa rin ang doubles bago ang singles.

Nagsimula na ang laban ng doubles kaya naman umayos na ang lahat para manood at sumuporta.

Kami naman ni coach ang nasa magkabilang chair set para magcoach sa dalawang magkasabay na doubles match.

Wala namang problema kay Meryl at Niña na aking kino-coach ngayon dahil napaghandaan nila ang labang ito. Ang dalawang binabantayan ngayon ni coach ang problema.

Masiyadong nascout ang play nina Mia at Alexa, marahil ay dahil na din sa tatlong taon nang magkapartner ang dalawang itobat nakabisa na ng kalaban ang mga galaw nila.

Nang matapos ang laban nina Meryl at Niña kung saan ay nagwagi sila ay pumunta muna ako sa labas para magwarm-up.

Kinuha ko ang raketa ko at isang bola bago tumungo sa malawak na pader kung saan ko itatama ang bola ng pabalik-pabalik.

Kasalukuyan kong ginagawa iyon nang biglang may babaeng nagsalita sa likuran ko kaya agad kong kinatch yung bola bago humarap sa kanya.

As gaya ng inaasahan ko. Si Allison nga ang tumawag sa akin.

Tinitigan ko lamang siya, hinihintay na magsalitang muli pero nginisihan lamang ako nito kaya wala akong choice kundi umalis na doon at bumalik sa mga teammates ko.

Pero natigilan ako nang magsalita na itong muli.

"I'm just so excited to beat you. Ilang taon ko ding hinintay 'to." masayang wika nito. I didn't find that funny but I smirked at her.

"Well then, good luck." ngumiti ako sa kanya. Bago pa man ako makaalis ay nasilayan ko pa ang pagkawala ng ngiti nito sa kanyang nga labi at napalitan ng seryosong expresyon ang mukha nito.

Silent Smasher (Sporty Princess #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon