Chapter 50 - Shallow

436 45 36
                                    


♪ I'm off the deep end, watch as I dive in

I'll never meet the ground ♪

~~~~~~~

Hindi pa man din kami nakakapasok sa mismong event hall kung saan gaganapin ang programa ay ilang beses na kaming naharang. Kung hindi ng mga media men ay ng mga kaklase naming noon. Kaniya-kaniyang pagkuha na nang larawan at kwentuhan.

"Grabe sobrang ganda mo lalo, Aina!"

"Anong hangin ba ang mayroon sa Maynila?"

"Nasaan si Brandon? Sana sinama mo!"

Ilan lamang yan sa mga paulit-ulit kong naririnig habang nakikipagkwentuhan. Ilang performers at banda na ang nagbibigay aliw sa amin ngayong gabi. Nakailang linga na din ako dahil hindi ako mapakali. Parang may kung anong naglalaro sa aking kalamnan na hindi malaman.

"Excuse me lang. Restroom lang ako." Paalam ko kina Andra na abala sa pagkain at pakikipagkwentuhan.

Nagtungo na ako sa restroom para magretouch. Pagkalabas ay hindi agad ako bumalik sa lamesa namin. Lumabas muna ako para makalanghap ng sariwa at malamig na hangin. Kapag nasa loob ako ay parang nilalamon ako ng kung ano.

Habang naglalakad ay biglang sumagi sa aking isipan ang isang lugar na madalas kong puntahan noon rito sa Alberta. The old music room.

I wonder if it's still here or it has been demolished already. After all, it's been years.

I made my way to the old music room. Nakakamangha na kahit ilang taon na ang nakalipas ay alam ko pa din ang pasikot-sikot rito.

Parang lumukso ang puso ko sa saya nang makitang buong-buo pa din ang music room. Mas lalong niluma na ng panahon ang pagkakayari ng silid pero walang pinagbago.

I twisted the door knob and made myself in. Madilim sa loob nito at tanging ang ilaw lamang sa labas ang nagbibigay liwanag dito. Wala akong maninagan kaya naman kinapa ko ang switch ng ilaw.

Hindi ko alam kung magliliwanag ito pero pinindot ko pa din. To my surprise there was a little light from it. Kahit papano ay nakaaninang naman ako sa loob.

This place has not change a bit.

Ang langitngit ng sahig, ang amoy ng mga lumang gamit at ang puso kong nagwawala sa saya dahil punong-puno ng magagandang ala-ala ang lugar na ito.

The piano is still here. Neglected and full of dust.

Kung kaya ko lang ay isasama ko na ito pagbalik sa Idelfonso.

"It's still here." bulong ko sa sarili ng makita ang halamang Begonia.

Naalala ko kung paano namin ito inaalagaan ni Thiago noon. Tuyong-tuyo na ang mga bulaklak nito at halos wala ng natira. Well what do you, Alanis.

Narinig kong lumangitngit ang pinto at bumukas.

Halos mabagsak ko ang hawak nang iniluwa nito ang taong hinihiling kong sana narito kasama ko. And I thought it's impossible but his here.

"I knew I'd find you here." magaspang niyang sabi.

A tear escape my eyes and I immediately looked away. It's so obvious that Thiago has the same effect on me no matter what.

"A-anong ginagawa mo dito. Mamaya hanapin ka nila dun." ani ko sa pilit na pinakakalmang boses. Marahan kong ibinababa ang Begonia ngunit naramdaman ko si Thiago sa aking likuran.

He gently reached out for the Begonia and took it from my hand. Ramdam ko ang tikas ng kaniyang bulto sa aking likuran at ang amoy ng kaniyang pabango. He smells so manly.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon