“Cause baby you look happier, you do
My friends told me one day I'll feel it too
And until then I'll smile to hide the truth
But I know I was happier with you…” Lance husky voice compliments Aina’s soft and angelic voice.They made a promising duet on stage. Ang ibang nagpaparty ay huminto sakanilang ginagawa para panoorin ang dalawa. After their performance, loud clapping and cheering from their friends echoed in the whole place.
Lance smiled to Aina after they finished singing. Same goes with Aina. She looked at the crowd and felt overwhelmed because most of the people really loved what they did.
This isn’t the first Aina sang in front of huge crowd. Ang unang beses ay yung nag-little mermaid siya. Pero iba ngayon siyempre, it’s like her first gig and it feel surreal. Parang may ginawa siyang kakaiba sa pakiramdam, Thanks to Lance.
“Not that bad, right?” ngisi ni Lance.
“Thank you, Lance.” Bulong ni Aina.
Nginitian lang siya ng binata at sinaluduhan.
Pagkababa nila sa stage ay sinalubong agad siya ni Andra.
“Oh my god! Yung totoo? Saan kayo nagpractice? You look good together! Look! I took a video of you… May chemistry kayo.” Sambit ni Andra habang pinakikita ang video sakaniyang cellphone.
Matapos nilang kumanta ay nagsibalik na sa dating gawi ang mga tao. Ang iba ay bumalik na sa swimming pool area para magliwaliw muli. Ang iba ay nasa recreational area naman para maglaro ng billiards at ilang indoor games.
Nilibot ni Aina ang kaniyang paningin. Nasaan kaya sina Thiago at bigla silang umalis sa kalagitaan ng kanilang pagkanta? Tss. Ganun ba siya kasabik na masolo si Milliecent at umalis na lang sila bigla? Inis niyang sabi sakaniyang isip.
Aina excused herself to her friends and went to the buffet table to have some desserts. Kailangan niya ng matamis para mahimasmasan.
She had a clean plate and scanned the mouthwatering desserts on the long table.
Mayroong chocolate fountain, marshmallows, chocolate truffles, macaroons at marami pang iba. She had each and one of them.
“Sayo yan lahat?” napalingon siya sa nagsalita at bahagyang nagulat.
SI Milliecent iyon. Medyo maga ang mata at tila galing sa iyak. Tumingin siya sa likuran nito kung naroon si Thiago pero wala. Pilit niya itong nginitian.
“Oo, medyo nabitin kasi ako sa kinain ko kanina.” Nawala ang ngiti sa labi ni Millie.
“Aina.” Tawag niya.
“Balak ko ng sabihin sakaniya.” Parang may mabigat na bato ang pumatong sa dibdib ni Aina. Hindi niya alam kung bakit pero nawalan siya ng salita.
“N-ngayon?” nauutal niyang tanong. Tumango lamang si Milliecent at namuo ang luha sa gilid ng mga mata.
“Naisip ko kasi na… Lumalaki na ang tiyan ko… Ang dami ko ng dahilan at palusot sakaniya. Kung patatagalin ko pa… Baka sa iba pa niya malaman." kumurap ito dahilan kung bakit lumandas ang kaninang nagbabadyang luha lamang.
Halos mabitawan ni Aina ang plato na kaniyang hawak.
Why does she care for Thiago’s feeling anyway? Kung masaktan ay masaktan siya! Pero iba ang sinasabi ng kaniyang isip sa kasalukuyang nararamdaman.
“Pero hindi ba pwedeng… huwag muna ngayon? I mean… Nagkakasiyahan…” alinlangang sabi ni Aina.
“There’s no use of that, Aina. Sabihin ko man sakaniya ngayon o hindi. Masasaktan ko pa din siya di kalaunan.” She smiled sadly.