Chapter 54 - If You're Not The One

154 13 4
                                    


Brandon and I went inside his car for a ride. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kasi ayaw niya naman din sabihin sa akin. Paminsan pa na nililingon ko siya ay naaabutan ko itong nakangiti.

I checked my phone and haven't received any messages from Thiago. He seemed so busy. Ano naman kayang ginagawa niya? I started typing a message.

'Bakit mo ako pinamimigay? L' I jokingly sent.

"We're here." Nakangiti namang deklara ng kasama ko.

Lumingon ito sa back seat tapos ay may inabot bago naunang bumaba. Sunod ay umikot ito papunta sa aking gawi at pinagbuksan ako ng pinto. I removed my seatbelt before getting off his car.

"Where are we?" tanong ko nang makababa ng sasakyan.

I scanned the place and saw few people and cars who are parking as well. From afar I read the name of the establishment.

"Rhythm and Blues Concert Hall?" nagtataka kong nilingon si Brandon na biglang bumunot naman sakaniyang bulsa.

"Here." Aniya at inilahad sa akin ang dalawang papel.

Kinuha ko iyon at binasa. Agad namang nanlaki ang aking mata dahil sa pagkamangha!

"Oh my! How did you..." hindi makapaniwala kong tanong.

It's a 2 ticket for a piano concert of my favorite musician Misty Day! Halos napako na lamang ang mga mata ko sa hawak na ticket at hindi nawala ang ngiti sa mga labi

"Of course I did some research. Let's go?" anyanya niya sa akin.

Tumango na lamang ako habang nagpatiuna na siya sa paglalakad bitbit ang itim na jacket na kinuha niya sa backseat.

Hindi ako makapaniwala na mapapanood ko na si Misty. I can't recall on when is the last performance I've attended as well. Wari ko ay nasa Alberta pa nga ako 'non. Misty Day is very famous and I couldn't imagine on how did Brandon even got this ticket? Balita ko ay mabilis itong na-sold out kaya hindi na ako nagbaka-sakali. Oh well, he can buy a hundred thousand price for a bracelet. Masiyadong simple itong ticket para hindi niya magawa.

Sa may bandang unahan kami nakapwesto at gitna rin ang nakuhang upuan. Kitang-kita mula roon ang bawat sulok ng stage kaya mas lalo akong naeexcite.

"You excited?" tanong ni Brandon sa aking tabi. Mabilis naman akong tumango habang nakangiti.

"Hindi nga halata." I heard him chuckled.

Ilang minuto lang ay unti-unti nang napuno ang concert hall ng mga tao. Ang kaninang mga bakanteng upuan ay isa-isa nang napunan. Matapos 'non ay nagdilim na rin ang mga ilaw at tanging ang ilaw na lamang sa stage ang natira.

Natigilan naman ako nang biglang may mainit na tela ang bumalot sa aking mga hita.

I stared at Brandon who is carefully fixing his jacket on my lap.

"It's getting cold." Bulong niya naman bago itinuon na ang atensyon sa stage.

Nagkibit-balikat na lamang ako at humarap na rin sa stage.

"Ladies and Gentlemen, we are so honored to have this artist perform on our stage tonight. Everybody give it up for Misty Day!" pagkasabi niyon ng host ay unti-unting bumukas ang pulang kurtina ng entablado.

Sinalubong naman ng palakpakan ang paglabas ni Misty Day. She looks so stunning wearing a simple floral elegant dress perfectly matching her curly blonde hair.

Nakangiti siyang lumapit sa harapan ng stage bago nag-bow sa mga manonood. Maya pa ay nagtungo na siya sa harapan ng piano at nagsimulang tumugtog.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon