“What about this? Bagay ‘to sayo!” hinawi ni Aina ang panglimang damit na kanina pa itinatapat ni Andra sakaniya.
Kasalukuyan silang nasa boutique ng kanilang pamilya. Annika is currently fitting and choosing what to wear on her upcoming pageant tomorrow night. Kasama nila ang buong barkada maliban kay Milliecent. Si Brandon, Aina, Andra at Thiago lamang ang naroon para samahan siya.
Ang dalawang lalake ay bagot na bagot dahil sa kanina pa sila pumipili pero hanggang ngayon ay wala pading nagugustuhan si Annika. Nasa couch lamang ang dalawa at nagbabasa ng magazine. Si Aina at Andra naman ay naglilibot-libot at naghahanap din ng damit na pwedeng mabili.
Aina is wearing a cute floral yellow dress matched with her white strappy sandals. Her hair is on side with a white clip on it. She’s holding her sling bag while scanning each dress racks same as Andra.
“Sigurado ka bang hindi ka sasali?” pinanliitan ni Aina ng tingin ang makulit na kaibigan.
Umiiling bago ibinalik ni Andra ang paningin sa mga damit.
“Why? Sayang! We need some fresh faces as Ms. Alberta!” giit ng kaibigan.
“Shh! Wag ka ngang maingay, Andra! Ate might hear you!” saway ni Aina sa kaibigan. Andra just rolled her eyes.
“Fine! Pero sayang kasi…” sambit nito sabay hawi pa ng mga damit.
“Hindi yun sayang… Si ate naman yun eh. At saka hindi ba sabi ko naman sayo? Wala akong hilig sa ganyan.” Aina smiled at Andra.
“Okay fine! Suko na ako! But can we at least dress up for that night, please?” Andra made a puppy eye to her friend.
“Please?” Aina sighed.
“Okay! Pero simple lang ha? Ayaw ko ng masyadong bongga.”
“Yes!” binaliwala ni Andra ang paalala ng kaibigan at nagpatuloy sa paghahahanap ng damit.
Napailing na lamang si Aina.
Maya-maya pa ay lumabas na mula sa dressing room si Annika. She look so stunning on her black long sleeve lacey maxi dress showing some skin on her back. She made a slow turn as she shows her whole look with the group.
“Wow! Ang ganda mo ate.” Kumento ni Aina.
Lumapit naman si Brandon sa kasintahan at hinawakan ang mga kamay nito.
“What do you think?” Annika asked and flaunt her look to her boyfriend.
“Parang ayaw na kitang pasalihin.” Seryosong sabi ni Brandon habang mapungay ang mga mata na nakatitig sa kasintahan.
“Silly! Ano nga? Is this fine? Or should I choose something more revealing?” sambit ni Annika sabay ikot muli at eksamina pa sa suot niyang gown.
“That is so fine, sweety! That is one of the limited edition gowns that we have.” Sabat naman ni Raffy ang kanilang designer.
“He’s right. And besides, any dress more revealing than this? I don’t think I will still allow you to join.” Seryosong sabi ni Brandon. Annika just rolled her eyes to him.
“Fine! Ito na ang kukunin ko.” Sambit ni Annika na nakangiti sabay ikot.
Aina smiled sweetly as she stares at her sister happy aura. Ayan lang naman ang kasiyahan niya, ang makitang masaya ang ate niya. Kaya naman ganun na lang ang pagtanggi niya sa bawat alok sakaniya na sumali din sa pageant. She don’t want to compete with her sister. Kahit saan.
Nahagip ng tingin niya si Thiago na nakaupo lang sa couch. Kunot noo niya itong tinignan dahil naabutan niyang nakatitig lamang ito sakaniya habang nakadikwatro at nakapalumbaba, nilalaro ang ibabang labi. Akala niya ay iiwas ng tingin ito pero hindi, walang pakundangan siya nitong tinitigan hanggang siya na halos ang naiilang at nag-iwas ng tingin.
Her heart keeps on acting weird. It keeps on hammering whenever she sees Thiago. Damn. Ito ang kahinaan niya, ang pagdiskubre ng totoong nararamdaman, Pero ano nga ba ang dahilan? Nakakatakot naman malaman. Ani niya sakaniyang isipan.
“Salamat sa pagdalaw.” Naglapag ng mainit na tsokolate si Millie sa maliit na lamesa nila. Dinalaw siya ni Aina sakanilang bahay matapos ng klase.
“Wala yun. Sana kasya na kay baby ang mga yan.” Ngiti ni Aina tumutukoy sa mga paper bag na dala niya. Nagpabili sya kina manang ng mga damit pang sanggol para kay Mela o Milena. Ang anak ni Millie.
“Naku, nag-abala ka pa. Nakakahiya.” Mahinhin na sabi ni Millie bago nilingon ang natutulog na anak sa crib.
“Walang anuman. Punta ka bukas ng gabi ha? Pageant ni ate.” Anyanya ni AIna.
Milliecent just smiled at her. Nag-abala pa talaga si Aina para alukin siyang pumunta bilang suporta sa kapatid niya. Makikita talaga ang malasakit at pagmamahal ni AIna para sakaniyang ate kahit puro pagsusungit ang isinusukli nito.
“Kailangan ba ng magarang damit?” malumanay na tanong ni Millie bago sumimsim sakaniyang tasa.
“Hmm. Hindi naman. Pero kung gusto mo marami naman ako sa bahay pwede kitang pahiramin.” Umiling-iling naman ni Millie.
“Naku, hindi na. Sobra na… Meron pa naman ako diyan.” Hinawakan ni Millie ang kamay ni Aina.
“Salamat, Aina.” Aina smiled at her too.
“Walang anuman.”
Nagpaalam na si Aina kay Millie. Hindi na siya nagpahatid sa labas dahill walang kasama ang baby niya. She was walking while typing on her phone to contact their driver when someone behind the tree suddenly showed up.
“Oh my!” sapo ni Aina ang kaniyang dibdib dahil sa labis na kaba.
From the tall tree planted in front of Millie’s backyard. Thiago showed himself to Aina not minding the girl’s shocked reaction. Aina’s eyes widened as he saw him. Anong ginagawa niya dito?
“Thiago?” gulantang niyang tanong.
“Who else? Tara na, it’s getting dark.” Takang-taka pa din ang mukha ni Aina.
Bahagyang natigilan si AIna sa ikinilos ni Thiago. Pinagmasdan niya lamang ang binata na naglakad palapit sakaniyang dalang itim na raptor. Akala niya ay sasakay na ito pero halos mapalundag siya nang nilingon niya nito.
“What? Walang susunod sayo. I told your mom and dad I am the one who’ll send you home.” Masungit nitong sabi bago tuluyang sumakay.
Napanganga man siya sa sinabing iyon ni Thiago ay wala na siyang nagawa kung hindi sumunod. Dahan-dahan siyang sumakay sa kotse at awtomatiko na niyang ikinabit ang seatbelt gaya ng lagi nitong pinagagawa sakaniya.
“How is she?” nilingon ni Aina si Thiago habang minamaubra ang sasakyan. Nang lilingunin na siya nito ay saka naman siya ang umiwas.
“A-ayos lang. I just gave Melina some clothes.” Sumandal na laman si Aina sa backrest ng sasakyan at saka tumingin sa labas.
Hindi naman na nagsalita si Thiago kaya hindi na din siya umimik. Having a straight conversation with him is really suffocating. Para bang malalagutan siya ng hininga kapag nakikipagtitigan o nakikipag-usap sakaniya.
Ilang kilometro bago sila makarating sa mansyon ay sumagi sa isip niya kung manonood ba si Thiago sa pageant ng ate niya. It’s not like she badly wants him to be there but… she wants the whole group to give support for her sister.
Sa gitna ng byahe ay panaka-naka niyang nililingon ang seryosong si Thiago na nagmamaneho. Paano niya ba sasabihin na gusto niyang imbitahin si Thiago sa pageant ng kapatid niya bukas? Sasama naman siguro siya kahit naroon si Millie dahil nakita niya naman na parang okay na sila. A part of her ached thinking of that.
“Uh… Ehum…” she cleared her throat.
“Bukas ng gabi yung pageant ni Ate. Baka… uhm… gusto mong manood? Me, Brandon and Andra would be there. Even… Millie… You can stay after class or umuwi muna tapos bumalik na lang. Para lang maraming susuporta.” Dahil sa nahihiya ay yumuko nalang si Aina at nilaro ang mga kamay.
“Do you really want me to go?” mariing napapikit si Aina.