Nagpatuloy ang pagtatago naming dalawa ni Thiago sa aming relasyon. We tried our best to hide everything even when it’s hard. Ilang araw pa ang lumipas at ang mga nakaw na sandali namin sa lumang music room ay nagpatuloy pa. Saksi ang bawat sulok nito sa matamis na pagmamahalan naming dalawa.
“Hindi ba tayo mahuhuli rito?” tanong ko habang magkatabi kaming dalawa sa isang lumang sofa.
Nakahiga kami parehas habang nakahilig ako sakaniyang dibdib. Isa itong lumang couch na noon pa nandito mula nung una naming nadiskubre itong lugar. Dahil madumi na dahil sa alikabok ay pumuslit ako ng bed sheet sa bahay upang dalhin rito at maging sapin.
“Just don’t mind them.” Nakapikit niyang sabi.
Ngumuso lamang ako at mahinang pinalo ang kaniyang dibdib. How can he be so cool about this? Kapag nahuli kami ay malilintikan talaga kaming dalawa. This is so prohibited!
“Malapit na ang next subject.” Bulong ko habang nakaangat padin ng tingin sakaniya.
“Just 5 more minutes… Ito nalang yung oras na masosolo kita, pagbigyan mo na ako.” He huskily requested.
Napangiti na lamang ako at sinunod ang kaniyang gusto. Sabagay, kapag lumabas na kami ng silid na ito ay balik na naman sa normal ang lahat. Na para bang walang namamagitan sa aming dalawa. Mahirap pero tingin ko ay mas mabuti na lamang manatili kaming ganito kaysa malaman na ng lahat. Maraming maapektuhan kapag nangyari iyon.
Nauuna akong lumabas ng silid pagkatapos ay palilipasin lang ang ilang minute ay si Thiago naman. Ganun lang lagi ang sistema naming dalawa.
“Aina?” malakas ang kabog ng aking dibdib nang harapin ang tumawag sakin. Napahinto ako sa paglalakad.
It’s Venice.
“H-hey…” tanging nasabi ko.
“San ka galing?” nagtataka niyang tanong.
“Uhh..”
“Galing ako sa locker then I saw you… saan ka galing?” she seem so persistent.Mukhang wala na akong lusot kung magdadahilan ako ng kung ano-ano.
“Uhm, I left something in the music room. Madalas kasi ako dun magpiano practice.” Tumango-tango naman sya at tila naniwala.
“Okay. Tara puntahan natin sila?” aya niya na tinanguan ko.
Pasimple akong napabuntong hininga dahil sa tila naniwala naman siya sa sinabi ko. That was close, mukhang mas kailangan na naming mag-ingat. I know that she likes Thiago so once she discover that we are in a relationship were are so doomed!
Pagkarating ko ng classroom ay namigay na ako ng imbitasyon para sa nalalapit kong kaarawan. It will be a formal party just like the usual celebration of any occasions of our family. Nahihiya ako pero okay na din ito para personalan ko silang maanyanyahan.
“Naku! Kailangan ko palang magpatahi ng magarbong damit nito!” biro ng isa kong kaklase.
“Mga loko! Kayo talaga. Kahit anong isuot niyo, ano.” Ngiti ko sakanila.
“Naku, maaari ba yun? Eh makakapasok kami sa mansion ng mga Valderama?” nagtawanan silang muli kaya napailing na lamang ako.
Seriously, I don’t want them to effort too much on my birthday. I am much aware that not all of them has the wealth so no need to make a deal out of it but I doubt. Nakikita ko kung gaano sila kaexcited kaya hindi ko na lamang kinontra.
“My friends are all excited for me, Aina. As if they are all invited.” Umiiling na kwento ni Andra.
“Pwede mo naman silang isama kung gusto mo, Andra.” Agad namang umirap si Andra na parang may nakakadiri sa sinabi ko.
“Of course not! Hayaan mo sila. That’s an intimate event. Dapat yung malalapit lang sayo ang andun.” Sermon pa nito.
“I don’t mind.” Natatawa kong sagot dahil masyado siyang seryoso. It’s true. I really don’t mind.
“Basta! Hindi pwede! Wag ka na ngang makulit.” Inis pa nitong sagot kaya mas lalo akong natawa.
Ilang minuto lang ang nakalipas ay syang pagsulpot ni Thiago at Brandon sa aming likuran. They are both sweating and seems like they been from their usual afternoon basketball practice. Siguro ay doon siya dumiretso matapos namin magkita kanina.
“Anong kinakain niyo? Where’s your sister?” tanong ni Brandon bago hinila ang katabi kong monoblock chair at umupo.
“May binalikan lang sa room niya.” tipid kong sagot bago sumipsip sa straw ng aking juice.
Tahimik lang naman si Thiago na humila din ng upuan at pumirmi.
“Kuya, bakit hindi pa kayo umuwi?” nagtatakang tanong ni Andra sa kapatid na abala sa pagpupunas ng pawis.
Akmang sasagot si Thiago nang biglang hinablot ni Brandon ang inumin ko at sumisipsip mismo sa straw ko. Nanlaki ang aking mata at hindi nakagalaw dahil sakaniyang ginawa. Nang matapos siyang uminom ay nakangisi pa niyang ibinaba ang inumin.
“What? Nauuhaw na ako eh.” Maloko niyang sabi sabay lingon kay Thiago.
“You could have just told me. Bumili sana ako.” Seryoso at mariing sabi nito.
“Why make it a big deal?” I observed how Brandon is trying to provoke Thiago kaya naman wala na akong ibang nagawa kung hindi hawakan ang balikat ni Thiago para manahimik na siya.
“It’s okay, Thiago.” Sumulyap lamang ito sa aking gawi at saka humilig sakaniyang upuan.
“Kuya Thiago, Kuya Brad. Please stop being nosy it’s just a drink! My goodness! Nasaan ba ang mga girlfriend niyo at dito kayo samin nanggugulo?” inis na usal ni Andra.
“Basta ako, may inaasikaso yung girlfriend ko. How about you, Go?” nabigla ako sa mga patutsada ni Brandon. I didn’t see it coming.
Nakita ko pa siyang sumulyap sakin kaya naman napasulyap na din sakin si Andra.
“Anong ibig mong sabihin?” seryosong tanong ni Andra. Tahimik lamang si Thiago sa aking tabi na halatang nagpipigil ng sagot.
“Just kidding, Bro! Masiyado ka namang seryoso!” At tumawa pa ito ng nakakaasar.
Tinitigan ko si Brandon habang nakangisi at pabalik-balik ang tingin sakin tapos ay kay Thiago habang umiiling. There’s something with those looks. Hindi ako pwedeng magkamali. Alam kong may nalalaman siya. Pero paano? I have to know.
Nang makauwi kaming dalawa ni ate sa bahay ay naabutan naming hindi na magkandaugaga ang mga tao. We even saw mom and dad busy commanding our helpers. They are all busy setting up the tables and chairs outside the garden even in the pool area. Ewan ko ba, my party is always been like this but still I can’t get used to it.