Chapter 28 - Heaven

310 13 9
                                    

Baby, you're all that I want
When you're lyin' here in my arms
I'm findin' it hard to believe
We're in heaven 🎵

Aina’s POV

Nabalitaan ko na nagtungo sina Thiago at Andra kasama ang kanilang magulang sa Maynila para dalawin ang mga labi ni Theo.

Inanyanyahan nila ako pero tumanggi akong sumama. Hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga napoproseso ng aking utak na wala na talaga siya.

Ang sabi naman ay iuuwi nila ang abo ni Theo rito sa Alberta at ilalagay sakaniyang kwarto. Baka antayin ko na lang ang araw na iyon.

Mabigat ang bawat araw ko. Hindi ko alam kung paano ko pa nagagawang dumilat. Mahirap tanggapin.

Alam na rin ni Ate at ng aking mga magulang ang nangyari. Nagpaabot sila ng pakikiramay at nagpresinta rin na pumunta pero mas nang sinabi kong hindi ako sasama ay hindi na rin sila tumuloy.

Ramdam ko ang simpatya nila sakin gayong hindi lingid sakanila na talagang malapit kami ni Theo sa isa’t-isa at sa naging relasyon naming dalawa. Lalo na si Ate Annika. Saksi siya kung paano ako masugid na niligawan at sinuyo ni Theo.

Hindi ko alam kung paano ko matatanggap. Kung paano mapoprosesong mabuti ng utak ko na wala na talaga siya. Ang malamang may iba siyang babae noon ay nagpaguho na sakin paano pa kaya ang malamang wala na siya talaga nang tuluyan?

Pumapasok pa din naman ako araw-araw. Mas pinipili ko na lamang mag-isa dahil wala naman akong ibang kaibigan bukod kay Andra.

Kung meron man ay mas gusto ko na lang magmukmok sa lumang music room at umiyak. Ramdam din ng halos lahat sa aming silid-aralan ang nangyari kaya nagpaabot sila ng pakikiramay at simpatya sa akin.

Tinitigan kong mabuti ang bulaklak ng Begonia sa aking harapan. Mabuti pa siya. Dumaan man ang ulan at sikat ng araw ay nananatiling buhay at nakabukadkad.

Hinawakan ko naman ang pendant na nakasabit sa suot kong kwintas. Nilaro ko ang nakasabit na letrang “T” nito.

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha mula sa aking mga mata. I thought I lost him already when he said that he loved someone else, but knowing that I lost him completely pains me even more.

Parang mas gugustuhin ko pang isipin na nasa malayo lamang siya kasama ang iba kaysa isiping wala na siya ng tuluyan.

Every memory of him with me is very clear. Especially how he is so much supportive about my singing hobby. Every step of the way he is there. Maikli lang ang pinagsamahan namin kung tutuusin pero naniniwala ako na nasa lalim iyon ng pinagsamahan.

A phone call awakened my inner thoughts.
Dinukot ko mula sa bulsa ang aking cellphone at sinilip ito.

It was Thiago calling.

“Hell…o.” matamlay kong bungad.

“We’re home.” his husky voice said.

“Hmm.” Matamlay kong sagot.

“His urn is already in his room.” Napayuko na lamang ako.

I was praying that this is all a dream.

A joke. A bluff. Totoo pala talaga.

“Where are you?” mariin niyang tanong. Bumuntong hininga na lamang ako.

 “Music room.” Tipid kong sagot.

 “Gusto mo bang puntahan kita diyan?” malumanay na ang kaniyang tono.

 “Hindi na. Uuwi na rin ako. Sige na.” pinatay ko na ang tawag at inubob na lamang ang mukha sa aking mga tuhod.

Nagpalipas lamang ako ng ilang minuto pa at saka napagisipang umuwi. Tiningala ko ang makulimlim na langit na tila nakikiramay pa sa pinagdaraanan ko ngayon.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon