Chapter 43 - Won't Stop

382 26 14
                                    

What I love about my life here in Idelfonso is that it's very simple and peaceful. Hindi mo kailangan ng teknolohiya para malibang. Hindi mo kailangan ng pera para sumaya. I didn't know that life can work that way.

Akala ko ay probinsya na sa Alberta pero mas probinsya pa dito. I just so love it here.

"Alanis!" nagbalik ang aking atensyon sa kasalukuyan nang tawagin ako ni Ate.

Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nakatulala sa may hapag. Nilingon ko si Ate at ngumiti.

"Andito na si Elias!" kaway niya mula sa labas.

Tinanguan ko lamang siya bago ako tumayo. Humarap ako sa aming salamin at hinagod ang aking buhok. Before I got here, I had a dark black hair. Pero ngayon ay nagkulay kalawang na ito dahil sa madalas kong pagligo sa dagat. It compliments my skin though.

Nakasuot ako ng malaking t-shirt at paldang mahaba na lampas tuhod. Iyong mga dinala kong damit mula Alberta ay hindi na nagkasya sakin. I was so petite back then and now I can say I already developed curves in my body.

"Bakit ang tagal mong lumabas?" nakangiting tanong ni Elias bago iniabot sakin ang isang plastic ng mangga.

"Naglinis pa ho kasi ako." Patuya kong sabi bago ko tinanggap at sinilip ang loob nito.

"Sabi sainyo Ate Almira kunin niyo na akong houseouse boy eh! Napapagod tuloy itong mahal ko." nagtawanan kaming lahat bago nag-siupo sa may tapat ng aming kubo.

Para kasi iyong cottage na may lamesa din. Paminsan ay dito kami kumakain ng buong pamilya.

"Wala akong pang-sahod sayo ano!" sagot naman ni Ate na ikinatawa naming lahat.

Kaarawan kasi ni Kuya Abel ngayon. Ang ilang mangingisda na katrabaho nito ay imbitado dito sa bahay. Nagluto si Ate Almira ng pwede pagsaluhan at syempre hindi mawawala ang inuman. Paminsan nga kahit walang okasyon ay gawain talaga nilang mag-inuman.

"Okay lang, Ate! Kahit yung matamis na oo nalang ng kapatid mo." Naghiyawan naman ang lahat sa sinabi na iyon ni Elias.

Mahina ko siyang pinalo sa braso dahil sa sinabi niyang yon.

"Ano ka ba!" saway ko sakaniya. Tinawanan niya lamang ako.

I quietly observed all the people here. They are laughing their lungs out. Si Kuya Abel at ang iba pang mangingisdang nag-iihaw sa may gilid. Si Ate Almira na hindi nakakasawang titigan habang tumatawa. Si Alessia na maganang kumakain ng prutas sa aking tabi. Si Elias na nakangiti lamang habang nakatitig sa akin.

Kahit na simpleng bagay ay masaya na sila. Iyon ang natutuhan ko mula nang magpunta ako dito.

Totoo pala yun. Kahit na gaano pa karami yung pera mo, walang papantay sa sayang dulot kapag kasama mo ang buong pamilya.

Nagising ako kinaumagahan na mataas na ang sinag ng araw. Nasilaw ako ng sobra kaya marahan kong iminulat ang aking mata. Naririnig ko na ang isa-isang pagkalampag ng kubyertos sa ibaba indikasyon na kakain na.

Maya pa ay lumangitngit na ang kawayang hagdanan at sa dulo non ay sumungaw na si Alessia. Malawak ang ngiti niya nang makapasok sa aking kwarto.

"Tita Alanis! Kakain na po tayo! Nasa baba na din si Kuya Elias! Tara na po! Tara na po!" pursigido niya akong hinila paupo sa aking higaan.

"Tara na po! Sabi mo sakin sasamahan mo ako at maliligo tayo sa dagat at magpipicnic tayo ulit!" masayang-masaya niyang sabi.

Nangingiti ko siyang tinanguan at hinila palapit sa akin.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon