Chapter 27 - When you're gone

282 11 7
                                    

When you're gone
The pieces of my heart are missin' you
When you're gone
The face I came to know is missin', too
When you're gone
The words I need to hear
To always get me through the day
And make it okay
I miss you 🎵

Mula nung araw na iyon ay mas umayos ang takbo ng mga araw nila Aina. Dahil medyo maselan na si Milliecent ay hindi na siya gaanong pumapasok. Mayroon namang inilaang special exams at lessons sakaniya para hindi pa din siya mapag-iwanan. Hindi man sila makapaniwala ay palagi na din sumasama si Thiago kapag tumatambay sila o kaya naman ay nag-iikot sila sa Alberta.

Paminsan ay inaanyanyahan din nila si Lance sa pangunguna ni Aina. Halos kasundo niya na din naman lahat dahil sa magiliw at masiyahing personalidad nito.

Kapag wala silang magawa ay nagkakantahan sila sa ilalim ng puno o kaya naman ay naglalaro na lamang ng basketball. Nakakasama na din nila Thiago at Brandon ito kapag tumatambay sila sa bar kung saan siya tumutugtog. Hindi kagaya dati na hindi nila ito pinapansin.

"Sigurado ka bang hindi ka sasali?" tanong ni Andra kay Aina habang nasa may soccer field sila at nakaupo sa damuhan.

Kasalukuyang naglalaro sina Brandon, Thiago at Lance para sakanilang P.E class. Wala si Annika dahil may klase ito. Saktong lunch period naman ng dalawa kaya nakakanood sila.

"Ayaw ko nga, Andra. Besides, Ate Annika deserves it more. Hindi ako mahilig sumali sa mga pageants." Ani Aina habang nakatanaw sa mga naglalaro ng soccer.

"Alam mo kasi hindi sa pag-aano. Pero mas maganda ka sa ate mo!" natatawang biro ni Andra habang hawak pa din ang flyer kung saan nakaimprenta ang "Search for Ms. Alberta 2013".

"Tumigil ka nga, Andra!" saway ni Aina sa kaibigan.

"Seryoso nga! Kung ako sayo sumali ka na. Additional grades din yan. At huwag mo na hintayin and adviser pa natin ang mamilit sayo!" inismiran na lamang ni Aina ang kaibigan sabay dambot ng mineral bottle at ininuman ito.

Buo ang desisyon niyang hindi siya sasali kahit anong mangyari. Hilig ito ng ate niya kaya wala siyang ibang gagawin kung hindi suportahan lamang ang gusto nito.

Maya pa ay humahangos na tumatakbo papalapit sa gawi nila sina Thiago, Lance at Brandon. Nagkakantyawan pa ang tatlo at nagtatawanan habang pawisan.

"Oh! Towels niyo! Seriously? Ginawa niyo pa kaming chaperones ni Aina ha?" inis na sambit ni Andra sabay lahat ng tatlong bimpo. Tinanggap naman nila ito.

"Sweet naman ni bunso!" panuya ni Thiago sabay gulo sa buhok ni Andra.

"Kuya!" inis na hawi nito sa kamay ng kapatid. Nagtawanan naman sila.

"Lance oh. Water?" alok ni Aina. Nakangiti naman iyong kinuha ni Lance.

"Ako din tubig." Supladong saad ni Thiago. Napatingin na lamang sila sakaniya.

Nagtataka man ay kumuha na din si Aina sa isang supot at iaabot sana kay Thiago pero imbis na kunin iyon ay iba ang kaniyang kinuha. Kinuha niya ang tubig na hawak ni Aina kung saan ito uminom kanina.

"Te-teka!" saway ni Aina pero huli na. Nilagok na ni Thiago hanggang sa kahulihang patak ang tubig mula sa bote.

Laglag ang panga ni Aina habang nakatingin sa kung paano nilasap ni Thiago ang ininuman niyang bote hanggang sa kahulihang patak.

Nakuha pa nitong ngumisi matapos uminom at hinagis ang walang lamang bote.

That's indirect kiss! Sa isip-isip niya.

"Game ulit! Talunin niyo naman ako!" pagmamayabang na ani Thiago.

"Yabang mo dude!" sagot ni Lance bago ibinaba ang bimpo.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon