~ HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥
🎵 I'm out of touch, I'm out of love
I'll pick you up when you're getting down
And out of all these things I've done I think I love you better now 🎵Isang gabi ay nagsimula ng mag-impake si Theo ng mga gamit tungo sa Maynila. In few days he will go there and study further the business of their family. Nang may kinuha siya sakaniyang cabinet ay isang maliit na kahon ang nalaglag. Dinampot niya ito at hinawakan. Umupo siya sakaniyang kama bago tinanggal ang laso na nakapalibot rito. Binuksan niya dadah-dahan ang asul na kahon.
Isang kumikinang na kwintas ang laman ‘non at may nakalagay na letrang “T” bilang pendant nito. Ireregalo niya sana ito kay Aina para palagi siya nitong maaalala.Napapikit siya ng kumirot ng matindi ang kaniyang ulo. Ininda niya ang sobrang sakit. Ayaw niya mang umalis ay kailangan. Para sa negosyo nilang matagal niya ng pinapangarap na mahawakan. At para sakaniyang sarili.
After knowing the truth about his condition he realized that he can’t love Aina like this. Hindi deserve ni Aina ang lalakeng mamahalin siya ngayon pero iiwan rin siya kalaunan. Kung nalaman niya lang ng mas maaga ay sana hindi niya na hinayaang pasukin nila ang mundo ng isa’t-isa. He should have stayed away from her. Aina is so fragile to be hurt.
Isang katok ang pumukaw sakaniya. Sumunghaw mula sa pinto si Thiago na nakaitim na sando at boxer shorts.
“Ito na yung sapatos na gusto mo. Sayo na.” Thiago looked away as he is embarrassed about his clingy act.
Kahit madalas silang may hindi pagkakaintindihan ay hindi maiaalis ang pag-aalala niya sakaniyang kapatid. Mula pa noon ay alam niya na ang hindi pantay na tungo ng kanilang ina sakanilang magkapatid. Mas pabor lagi lahat kay Thiago kumpara kay Theo. Si Thiago lang ang madalas sumusuway para kay Theo mapunta ang pabor.
Napangisi na lamang si Theo nang makita ang dalang kahon ni Thiago na naglalaman ng sapatos na matagal niya ng hinihingi.
“Kuya…” he called.
“Ikaw na ang bahala kay Aina.” Napakunot ng noo si Thiago.
“Bakit ako? Malaki na siya, Yo." inis na sagot nito.
“Kahit na, she may look like a lady on the outside but definitely not inside. She will be needing someone to lean on, to count and depend on, Kapag may umaway sakaniya, ipagtanggol mo. Kapag may bumastos sakaniya, balian mo ng buto. Kapag may lalakeng gustong magmahal sakaniya ng totoo at wala pa ako para panindigan siya, ikaw na bahala. Alamin mo kung kaya ba siyang panindigan at protektahan. Hindi tulad ko, na duwag at mahina para mahalin siya.”seryosong sabi ni Theo sabay malungkot na ngiti.
Supladong nag-iwas ng tingin si Thiago.“I can’t promise, but I’ll try.” Tipid na sagot nito.
“Please bro. Just this. Kahit sa huli may nagawa man lang ako para sakaniya.”
Mula noong araw na nakipaghiwalay sakaniya si Theo ay halos hindi na kumakain si Aina. Madalas ay sinasabi niya lang sa katulong na naghahatid ng mga pagkain sakaniya ay kung hindi siya busog ay wala siyang gana.Mugto ang mata at nakatalukbong lang siya ng kumot. Ni hindi niya na nahahawakan ang kaniyang sketch pad at gitira. Parang pansamantala siyang kinuhanan ng rason para ganahan sa mga bagay-bagay.
“Aina, it’s me Annika.” Tawag ni Annika sa kapatid habang nasa labas ng pintuan.Napabalikwas si Aina sa kama at napatingin sa may pintuan. Hindi niya inaasahan na pupuntahan pa siya nito.
“A-ano y-yun, Ate?” alinlangan niyang sagot.