Chapter 29 - Can't fight the moonlight

324 13 5
                                    

Underneath the starlight, starlight
There's a magical feeling so right
It'll steal your heart tonight
You can try to resist
Try to hide from my kiss
But you know but you know
That you can't fight the moonlight
 
 (Warning. Short update only and this is unedited)

Time went by so fast that they didn’t noticed it was already a month after Theo’s death. Aina, Thiago, Andra and their parents still deals with the pain of lost yet getting better. They chose to move on and spend time with their family  instead of burying themselves to pain.
 
Mas pinagbigay atensyon na lamang ni Aina ang sarili sap ag-aaral at sa pag-awit. She is now an official member of Alberta’s Musical and Theater guild. Kapag tapos na ang klase ay doon siya dumidiresto. Ang daming nakakakita ng potensyal niya sa pag-awit kaya mas maraming humahanga sakaniya.
 
“Sige na payagan mo na akong sumali sa guild niyo.” Pilit kinukulit ni Lance si Aina dahil hindi ayon ang dalaga na sumali ito. Alan niya na mangungulit lamang roon si Lance at saka nahihiya siya rito.
 
“Ayaw ko nga.” Natatawang sabi ni Aina.
 
Tinakbo ni Lance ang distansya ni Aina mula sakaniya upang maglebel lamang sila. Naglalakad sila sa kalakhan ng Alberta University.
 
“Sige na!” ani nito sabay akbay kay Aina. Umiiling-iling ito sakaniya.
 
“Ayaw!” anito saka dumila pa sa binata.
 
“Daya naman! Kahit naman di ako sumali lagi kitang pupuntahan edi ganun din.” Kamot ulo pa nito habang nananatili ang kamay sa balikat ni Aina.
 
“Huwag na! Eh di dadami ang manonood na babae dun samin.”
 
“Well.” Pagmamayabang ni Theo. Natawa si Aina sa kayabangan nito kaya pabiro niyang siniko ang tiyan ng binata.
 
Patungo sila ng gym kung saan nagpasama si Lance na kunin ang kaniyang gitara sa locker. Pumayag naman si Aina dahil wala naman na siyang klase at baka sa Music Hub na lang siya tumambay kasama ang mga kapwa miyembro.
 
“Dito mo na ako antayin. Madaming lalake dun baka dumugin ka.” Biro ni Lance nang pinaupo si AIna sa bleachers. Inirapan lamang siya ni ng dalaga.
 
“Ewan ko sayo.” Natatawang sagot ni Aina.
 
Mabilis na tumakbo si Lance tungo sa locker area.
 
Habang naghihintay ay nilibang na lamang ni Aina ang sarili sa paglibot ng paningin. She watched the volleyball players play. The school girls chit chatting with each other. Laughing hard on their conversations. Cheer dancers practicing their routines.
 
It’s been months but it’s like it was just yesterday. Aina decided to help herself forget Theo. As much as possible she wanted to keep herself away from the things that will remind her of him.
 
Napahinto siya sa pag-iisip nang mamataan si Thiago sa di kalayuan. Hindi ito nag-iisa. May kasama siyang babae na iba sa mga nakasama niya noon. Sino naman kaya ito?
 
Pinagmasdan niya kung paano parang lintang kumapit ito sakaniya. Nagtatawanan ang dalawa at hinahampas pa ng babae ang braso ni Thiago. Hinagod ng binata ang kaniyang buhok bago ibinalik ang kamay sa baywang ng babae.
 
Parang may batong pumatong sakaniyang dibidb na sanhi ng pagbagal ng kaniyang paghinga.
 
Hubog ang balingkinitang katawan ng babae na naiiwan ang puwit kapag naglalakad. Ang mahaba at kulay tsokolate nitong buhok ay kumikintab sa panghapong araw.
 
Mahilig talaga siya sa mga mature na babae. Noong una ay si Millie, sumunod ay si Beatrice ngayon naman ay ibang babae ang kasama niya.
 
Saktong pagharap niya ay papalapit na si Lance sakaniyang gawi, Pilit siyang ngumiti.
 
“Tara?” tumango si AIna at tumayo. Pasimple siyang sumulyap sa gawi kung saan naglalakad kanina ang dalawa pero wala na sila roon.
 
Nagkibit balikat na lamang si Aina. Kung ganoon ang paraan niya para makalimot ay bahala siya. Ismid nito.
 
“Are you sure Ms. Valderama? Extra-curricular activities are part of your grades too.” Paliwanag ng kanilang adviser.
 
“I’m sorry, Miss. Pero wala po talaga akong hilig sa pageants.” Tipid nitong sagot.
 
“Okay. If that’s the case… You still have few days to think about it. Kayang gawan ng paraan yan.” Pilit pa nito.
 
Tipid lamang na ngumiti si Aina at tumalikod.
 
Buo ang loob niya na hindi siya sasali sa Ms. Alberta. Ayaw niyang kalabanin ang kapatid niya.
 
Nang makarating siya sa locker ay nagulat siya nang may humablot sakaniyang braso. It was Annika.
 
“Ate?”
 
“Is it true? Your joining the pageant too?” nanglilisik nitong tanong.
 
“N-no, Ate. I turned down their offer-“
 
“Make sure! Sa bahay ay pakikipagkompetensiya ka na pati ba naman dito?” inis nitong saad.
 
“Hindi ganun, Ate…” hindi niya na natapos ang paliwanag nang tinalikuran na siya ni Annika at nagmartsa paalis.
 
Napabuntong hininga na lamang siya. Kaya ganun na lamang ang pagtanggi niya sa alok na iyon dahil alam niyang malalamag agad iyon ni Annika.
 
“Si Annika talaga!” maktol ni Andra habang nasa may soccer field sila at nanonood sa mga naglalaro.
 
“Hayaan mo na… Wala naman akong hilig talaga sa ganun.” Ani nito sabay namnam sakaniyang ice cream.
 
“Kahit na! Kung talagang maganda, matalino, at may talent siya hindi siya matatakot kahit sumali ka.”
 
“Andra…”
 
“Sa totoo lang, Aina. Kilala mo naman ako. Kung hindi lang kita iniisip eh matagal ko na pinagsabihan yang ate mo.” Sambit nito sabay higa sa mga hita ni Aina na akala mo hindi siya nakapalda.
 
“Ayaw ko kasing maramdaman niya na inagaawan ko siya sa lahat ng bagay.” Paliwanag nito sabay haplos sa buhok ni Andra.
 
“Ah ewan ko sayo! Tigas ng ulo mo… Sa bahay k aba matutulog? Nood tayo ng movie sa room ko!” natawa si Aina sa biglaang pagbago ng mood nito.
 
“Sige. Magpapaalam ako kina Mommy.”
 
“Papayag yun! Basta banggitin mo ang pangalan ko.” Nagtawanan ang dalawa.
 
Kinagabihan ng hapunan ay kumpleto sila sa hapag. Sinamantala ni Aina ang pagkakataon para makapagpaalam.
 
“Sure. Send our regards to them.” Masayang tumango si Aina sakaniyang ama.
 
“Daddy.” Agaw atensyon naman ni Annika. Napalingon ang lahat sakaniya.
 
“Ms. Alberta college is approaching. Gusto ko nap o magpasukat ng gown.” Nahihiya man ay pilit nilakasan ni Annika ang loob niya.
 
“I’ll call our family designers for that iha.” Their mom smiled. Si Mayor Virgilio ay nananatiling seryoso. Napawi ang ngiti ni Annika. Alam niyang hindi sang-ayon ito sa mga ganitong bagay.
 
Naglagay si Aina ng ilang damit kasama na ang kanilang uniporme sakaniyang bag. Kina Andra siya matutulog ngayon. Gaya nga ng napagusapan nila noon ay gusto niya kahit papano ay nananatili siya sa kwarto ni Theo. Sa ganoong paraan kahit papano ay unti-unti niyang natatanggap na wala na nga ito.
 
Nagpahatid siya sakanilang driver tungo sa mansyon ng mga Valentino. Kilala na siya ng mga tagapangalaga kaya naman pinapapasok na siya agad.
 
“Aina!” lundag ni Andra sa kaibigan at niyapos ito ng mahigpit.
 
“Tadah! My room is now ready!” ani nito.
 
BInuka niya ang pinto para lubusan nang makapasok si Aina.
 
Nakaready na ang projector at maraming pagkain sa lamesa. Naka-on na rin ang Netflix kung saan sila na ang bahala kung ano man ang panonoorin.
 
Naupo na sila sa mga beanie bag sa sahig. Si Andra ay nakasuot na ng lingerie. Samantalang si AIna ay nakaspaghetti strap at pajama.
 
They chose the movie Titanic. They shared waves of tears as they watched the iconic scene where Jack tried his best to save Rose.
 
“That was so… tragic!” hagulgol ni Andra. PInahid ni Aina ang kaniyang luha bago inalo ang kaibigan.
 
“Let’s watch a romance comedy film instead! Here!” pinindot niya ang 50 first dates.
 
Pumwesto muli sila sakanilang beanie bag habang kumakain ng popcorn,
 
The movie went on when Aina caught Andra’s situation. Natawa ito nang makitang humihilik na ang kaibigan. Nilapag niya ang kinakain at saka
Dinaluhan ang nakangangang kaibigan. She look so innocent when asleep. Ani nito sakaniyang isip.
 
Kumuha siya ng comforter at isinaklob sa katawan ni Andra. She slowly lowered down the projectors volume. Nakaramdam siya ng uhaw kaya lumapit siya sa lamesa para uminom sana ngunit napagtanto niyang wala na pala silang tubig miski juice man lang.
 
Hinagod niya ang kaniyang mahabang buhok at saka napagdesisyunang bumaba.
 
Madilim na sa pasilyo  tungo sa grand staircase. Marahan siyang bumaba at naniguradong walang malilikhang ingay. Ayaw niyang magising ang magulang nila Andra maging ang mga kasambahay. Nakakahiya.
 
Matagumpay siyang nakarating sa kusina kung saan ang ilaw lamang mula sa labas ang nagsisilbing liwanag. Sapat na iyon para makalapit siya sa refrigerator at kumuha ng isang bote ng mineral water.
 
The cold water enveloped her soft hands. She savored the cold water up to the last drop.
 
Nang maubos niya ito ay itatapon niya sana ngunit nagimbal siya ng may malapad na anino ang lumamon sakaniyang payat na katawan.
 
“Oh my-“ she covered her mouth before a loud shout could escape through it.
 
Under the moonlight… Thiago’s brooding eyes are looking at Aina intently.
 
“Thiago?” gulat na sambit ni Aina. It’s not that she’s shock seeing him on his own house but it’s already midnight!
 
“It’s so hard…” scent of alcohol immediately invaded her nose as Thiago speaks.
 
Indeed. He’s drunk. That explains his reddish complexion even when it’s night time.
 
“A-anong sina..” napasinghap si Aina nang marahang lumapit ito sakaniya.
 
Humigpit ang hawak niya sa bote ng mineral na halos mayupi niya na ito.
 
“It’s getting hard… each day.” His voice gets very husky.
 
Kada hakbang palapit ni Thiago ay siyang pag-atras ni Aina. Napahinto na lamang siya ng mapasandal na ito sa may lababo.
 
“Please...” parang tambol ang dibdib ni Aina dahil sa kaba. Ano bang sinasabi nito?
 
Tinukod ni Thiago ang magkabilang kamay sa may lababo kung saan nakapagitan kay Aina. Hindi siya makakatakas.
 
“Thiago ano ba? Lasing na lasing ka!” mariing bulong ni Aina.
 
“I'm begging you…” seryosong ani nito.
 
Ang kinagulat ni Aina ang sumunod na ginawa ng binate.
 
He placed his face on Aina’s shoulder. Making his lips touched her bare skin. Parang may kuryenteng dumaloy sakaniyang katawan.
 
“Just stay… away...
Being around you makes things complicated... Please...” Sambit nito bago iniahon ang mukha at parang walang nangyaring iniwan si Ainang nakatayo sa may lababo.

Hindi alam ni Aina kung ano ang mararamdaman. Halos maluha siya sa narinig.

Well if that's what you want Thiago.
If that's what you want.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon