Chapter 34 - Catch me I'm falling

318 16 7
                                    

“Grabe! Nakakastress talaga kapag malapit na ang finals!” kasabay ng pagsikat ng araw ang pagsinghal ni Andra habang nakaupo silang lahat sa may gilid ng soccer field.
 
Hindi sapat ang matayog na puno ng Narra upang maharangan ang sinag ng tirik at aktibong araw. Palibhasa ay March na at nalalapit na ang summer. Malapit na ring grumaduate sina Annika, Thiago, Brandon at Lance.
 
“Ganun talaga! Wala pa yan sa kalingkingan ng mga gagawin niyo. Lalo pa sa darating na pasukan ay huling taon niyo na sa highschool.” Kumento ni Millie habang nagbabasa ng isang libro.
 
“Sana college na tayo!” sambit ni Andra sabay higa sa kandungan ni Aina na nakatulala sa mga naglalaro ng soccer.
 
Hindi niya maiwasang hindi mamangha sa mga manlalaro na kahit sa kainitan ng araw ay hindi padin tumitigil sa pag-eensayo.
 
“You know what mag-hang out na lang tayo sa bahay. Kelan ba yung huli? Duh!” biglang singit ni Annika kaya napalingon lahat sakaniya.
 
“Oo nga no? That’s a better idea! May beach nga pala kayo sa bahay!” masayang pag-sangayon ni Andra na nagpabangon sakaniya.
 
“What do you think, Brad?” tanong ni Annika kay Brandon.
 
“Dun ako kung nasan ka.” Ngisi nito sa kasintahan.
 
“Baduy mo!” pang-asar ni Thiago sabay bunot ng damo at binato iyon kay Brandon.
 
“What the fuck? Gago ka talaga!” tumayo na si Thiago dahil alam niyang susugurin siya ni Brandon.
 
Nagtawanan naman ang lahad kabilang si Aina na piniling manahimik at pagmasdan na lamang ang magpinsan na naghaharutan. Kahit kailan talaga itong dalawang to eh. Kung titignan ay mas mukha pa silang magkamukha ni Brandon. They both have the same masculine features and playboy aura than Theo. Mas mukha pang magkapatid sina Lance at Theo dahil parehas naman silang happy go lucky.
 
“Huy! Aina?” nagbalik naman sa reyalidad si Aina nang alugin siya ni Andra.
 
“Ha Ano yun?” tanong niya na ikinasimangot ni Andra.
 
“Ang sabi ko kita-kits mamaya ah? Sabihin mo kay tita miss na namin yung lasagna niya!” excited na bulalas ni Andra.
 
Bago sumagot ay nahagip niya ang paningin ni Thiago na nakatingin na pala sakaniya. Mabilis naman siyang nag-iwas at hinarap ang kaibigan na naghihintay ng kaniyang sagot.
 
“O-o n-naman.” Mabilis naman tumango si Aina at pilit na ngumiti.
 
“Kanino ka ba sasabay pauwi? Samin na lang ni Kuya!” bahagya siyang natigilan. Kailangan makaisip siy a ng palusot. Hanggat maari ay ayaw niyang makasama si Thiago.
 
“Uhm… Hindi na muna, mauna na kayo. May meeting kami sa theater mamayang uwian eh. Baka sumabay ako sa service bus nila.” Mabuti na lang ay naalala niya ang weekly meeting nila sa Music and Arts guild na kaniyang sinalihan. Pwede naman siyang hindi pumunta at sabihing marami pang gagawin pero sa sitwasyon ngayon ay mas minabuti niya na lamang pumunta doon mamaya.
 
“Really? Do you want us to wait for you?” alok ni Annika. Mabilis naman umiling si Aina upang tumanggi.
 
“Huwag na, Ate. Medyo matagal yun.” Dagdag niya pa.
 
“Wag kang papagabi ha? Tandaan niyo hindi ako pwedeng overnight kasi kailangan ako ni Baby Melina.” Malamyos na paalala ni Millie.
 
Tumabi naman sakaniya si Thiago at umakbay rito.
 
“Nasan si Gustav? Siya muna pagbantayin mo.” Nag-aalala nitong tanong. Hindi nakawala ang eksenang iyon sa paningin ni Aina. Kung paanong lumapat ang mga kamay niya sa balikat ni Millie at kung paanong apektado siya dahil rito.
 
“Bakit mapapabreast feed niya ba si Mela?” natatawang biro ni Millie na ikinatawa nilang lahat maliban kay Aina.
 
She swallowed hard and felt much more pain---probably… jealousy. Kahit sabihing mapait at hindi maganda ang nangyari sakanilang dalawa ay bagay talaga silang tignan. Milliecent looks charming and innocent while Thiago is the opposite yet they really connive each other. May makikita ka talaga sakanilang dalawa na spark.
 
Sumapit ang uwian ay talagang tinupad ni Aina ang plano na magtungo sa meeting niya kasama ang iba pang miyembro ng teatro. Ang iba ay biniro pa siya na matagal rin siyang hindi nagpakita. Ang sabi niya nalang ay dahil malapit na mag-finals.
 
“Lalo kang gumanda!” sambit ni Helena. Kapwa niya miyembro.
 
“Ewan ko sayo.” Natatawang sagot ni Aina.
 
“Oo nga! Nadismaya nga kami nung hindi ka sumali sa Miss Alberta 2009. Eh hindi naman sa pag-aano, Mas maganda ka sa ate mo!” dagdag pa nito.
 
“Hindi totoo yan. Mas maganda si Ate. Saka isa pa, hindi ako mahilig sa mga ganun.” Depensa ni Aina. Nagkibit-balikat lamang ang kausap niya.
 
Hindi ganun katagal ang inilagi niya roon. Ang akala niya mas matagal ay saglit lang pala dahil gusto na halos ng karamihan ang umuwi. Alas-tres pa lamang ng hapon at gusto niya sanang manatili muna roon. Ayaw niya pang umuwi dahil panigurado nasa bahay na nila sila Thiago.
 
“Aina, sasabay ka raw ba sa service? Medyo marami tayo ngayon kasi sasabay daw pati yung sa cooking club. Isang service lang daw kasi ang gumagana.” Paliwanag ni Helena.
 
“Oo! Sasabay ako! Wait lang!” natatarantang isinisilid ni Aina isa-isa ang mga gamit sakaniyang bag.
 
Kung tutuusin ay hindi niya naman kailangang sumabay sa service tulad ng mga kasama niya. Pwede naman siyang magpasundo sa driver nila ulit pero para lamang mapag-isa ay ginagawa niya ito. Gusto niya pa nga sanang dumaan sa lumang music room pero hindi niya na magagawa dahil nagmamadali na ang mga kasama niya.
 
“Alaina! May naghihintay sayo sa labas!” nilingon naman nila ang guild president.
 
“Sino daw?” tanong ni Helena. Nagkibit balikat lamang ito.
 
“Hindi ko kilala. Pero gwapo eh. Pinagkakaguluhan na nga roon sa labas. Puntahan mo na kasi maya-maya lang aalis na yung service baka maiwanan ka.” Paalala nito kaya madalli namang sinakbit ni Aina ang bag sa balikat.
 
Sino naman kaya? Siguro ay si Lance iyon. Pero bakit hindi nila kilala eh sikat nga yun dito sa Alberta. Baka naka-disguise? Tanong niya sa sarili.
 
Sa bukana ng teatro ay grupo ng kababaihan ang naka palumpon at nakasilip. Kunot noo silang tinignan ni Aina at marahang nilapitan para makalabas. Tumingkayad man siya ay wala pa ding saysay dahil natatabunan pa din ng mga babae ang aninag niya.
 
“Excuse me!” sigaw niya na nagpalingon sa mga babae at mabilis namang hinawi ang kumpulan. Inismiran man siya ng mga babae ay wala siyang pakialam. Aba! Nakaharang sila sa daan!
 
Natanaw niya ang school bus service ng Alberta University. Tuwing biyernes ay nakaschedule itong maghatid ng mga miyembro ng teatro. Tanaw niya mula sa labas ng bintana ang mga estudyante na nasa loob na nito. Bahagyang puno na din ito mula sakaniyang paningin.
 
“What took you so long?” mula sa pagtanaw ng sasakyan ay mabilis siyang napalingon sa lalakeng nagsalita.
 
Nakasandal sa dingding at nakapamulsa. Laglag ang kaniyang panga dahil hindi niya ito inaasahan. Paanong narito siya? Akala ko ay sumama na siya kina ate sa mansyon pauwi.
 
“Anong ginagawa mo rito?” gulantang niyang tanong at dali-daling nilapitan si Thiago.
 
“Eh di inaantay ka. Tara na. Aalis na yung service.” Kaswal nitong sabi. Kinunutan lamang siya nito ng noo.
 
“Ano? Anong tara? Sasabay ka din? Wala ka bang dalang sasakyan? Saka hindi ka naman dapat---“
 
“Alaina! Thiago! Sasabay ba kayo? Aalis na kami!” sigaw ni Helena mula sa bukana ng school service bus.
 
Natatarantang humarap si Aina at hindi alam ang isasagot.
 
“O-o! T-teka! P-pero..” nalilito niyang sabi habang nagpapalit-palit ng tingin kay Thiago at sa school bus.
 
“Tama na yan. Let’s go!” nakangising sabi ni Thiago sabay hila sa palapulsuan nito at tumatakbong nagtungo na sa school bus.
 
Wala naman nang nagawa si Aina kung hindi magpatiuna sa paghila ni Thiago. Ikaw nga ang iniiwasan ko sige ka namang lapit sakin! Gusto niyang isigaw habang nakatalikod ang lalake sakaniya pero hindi niya nasabi. Pagpasok nila sa loob ay wala ng pwesto para umupo. Siksikan na din halos at nakatayo na karamihan.
 
Hawak pa din ang palapulsuan ni Aina ay sabay nilang sinisiksik ang sarili sa magkakadikit na halos estudyante na nakatayo. Huminto si Thiago sa tapat ng isang lalakeng estudyante. Naka-nerd glasses ito at abala sa pagbabasa ng libro. Nanlaki ang mata ni Aina sa sunod na ginawa ni Thiago. HInablot niya ang libro ng nerd kaya napaangat ito ng tingin sakaniya.
 
“Ano ba naman! Akin na yan Valentino!” protesta ng nerd.
 
“Paupuin mo muna siya.” Turo ni Thiago kay Aina.
 
Halata sa mukha ng nerd na ayaw nito. Siya nga naman, ang iba rito ay nag-aabang talaga ng service dahil bukod sa malayo ang tirahan nila ay mahal din ang pamasahe. Kung tatayo ka ay mangangawit ka lang.
 
“Thiago, ano ba!” inis na usal ni Aina sabay hila ng kaniyang kamay.
 
“Bakit kailangan mong gawin yon? Ibalik mo yang libro niya! Gusto mong magservice diba? Eh di tumayo ka!” inis na sabi ni Aina sabay irap na naglakad tungo sa may gitnang banda kung saang may espasyo pa. May baradilya itong na pwedeng hawakan bilang suporta at may masasandalan na bintana kung saan haligi ito ng bus kaya matatanaw ang bawat daraanan.
 
Kamot ulo naman na nakasunod sakaniya si Thiago. Gusto niya lang naman na paupuin si AIna pero nasigawan pa siya.
 
Pumwesto si Aina sa may bintana habang nakatayo. Sumandal na lamang siya bilang suporta ay hindi matumba. Umirap na lamang siya nang nasa tapat niya na si Thiago at nakahawak sa metal na hawakan. Nakatapat pa sakaniya.
 
“Bakit ba ang sungit mo?” hindi na lamang siya sinagot ni Aina. Bagkus, kinuha nito ang cellphone at earphones. Isinakbit niya ang dalawang earphones sa tainga at namili ng kanta. Kapag hindi niya ito ginawa ay mas lalo siyang mababahala sa presensya ni Thiago sa harap niya.
 
Ilang minuto bago umalis ay biglang dumagsa ang estudyanteng sumakay. Ang kanina ay masikip na, mas lalo pang sumikip. Ang kaninang isang pulgadang layo ni Thiago mula kay Aina ay naging kakarampot na lamang. Mas lalong napalapit sakaniya ito ngayon. Halos isang dangkal na lamang ang layo nila isat’-isa.
 
Ang dibdib ni Thiago ay halos nasa mukha na ni Aina. Heto na naman ang kaniyang pusong kakabog-kabog. Bakit ba palaging ganito? Kwestiyon niya. Sana ay parang sakit na kapag may iinumin na gamot, mawawala na. Pero hindi, sa araw-araw na itinatago niya ito ay mas lumalala. Pasimple niyang iniangat ang ulo kay Thiago, nakayuko naman rin siya kay Aina at tipid na nakangiti.
 
“Oh, wag ka sakin magalit. Siksikan. Nakita mo naman.” Simple nitong bulong.
 
♪ I don't know why

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon