Huminto si Brandon sa harapan ng tabing dagat. Wala halos tao rito dahil medyo malayo na. Ni walang kibo siyang bumaba lang ng sasakyan at tumanaw sa dagat. Inis kong tinanggal ang seatbelt at lumabas na din kasunod niya.
Hinawakan ko siya sa braso at pinaharap sa akin.
"Tigilan mo na ako! Hindi na ako babalik ng Alberta! Hindi pa ba sapat na sinira mo na ako noon? Ano pa bang kaliangan mo?" hindi ko mapigilang lumuha habang sinasabi yun.
Napababa ang tingin niya sa kamay ko na nakahawak sakaniyang braso.
"I told you. I won't back down. Kung ano ang sakin... babawiin ko. Even if it means breaking you... again." Seryoso niyang sabi sabay hawi sa kamay ko.
"Brandon please... Tama na..." pakiusap ko.
"Kung kinakailangan kong dalhin ka pabalik para lang masira ulit silang lahat gagawin ko. I need to win this time." Seryoso at mariin niyang sabi.
Hindi na lamang ako nakapagsalita at napailing na lamang habang umiiyak.
"I will be staying at the nearest hotel in your place. We will be leaving tomorrow at 10:00 am in the morning." Dumukot ito sakaniyang bulsa at nilahad ang isang calling card.
Kinuha ko iyon at binasa.
Idelfonso Oriental Club House
Dahan-dahan kong pinilas iyon sa harapan niya at ang iilang pirasong natira sa aking kamay ay binato ko sakaniyang dibdib.
"Hindi ako sasama sayo!" mariin kong sabi bago siya tinalikuran at umabang aalis pero mabilis niya akong nahawakan sa braso upang pigilan.
"He's engaged with your sister and you don't mind? This is your first love we're talking about, Aina." Nakangisi at sarkastiko niyang sabi.
Marahas kong inalis ang aking braso mula sakaniyang pagkakahawak.
"My first love died a long time ago." Mariin kong sabi bago siya tuluyang tinalikuran.
Alam ko kung gaano kalayo ito pero wala akong pakialam. Parang hindi ko na kakayanin pa na makasama siya sa isang sasakyan. Wala siyang kasing sama!
Hindi ko mapigilang hindi umiyak habang naglalakad pabalik ng aming kubo. Hindi ko akalain na magtatagpo pa kami. Kung natuwa ako na nakita ko si Andra kahapon ay siyang kabaliktaran ngayon.
"He's engaged with your sister and you don't mind? This is your first love we're talking about, Aina."
I have never seen Ate Annika and Thiago talked that much ever before. Ngayon ay engaged na sila? Kung ano man ang nangyari limang taon ang nakalipas ay wala na akong pakialam. What we had was over. Ayaw ko na silang makita.
Madilim na nang makarating ako sa bahay. Masakit man ang aking binti ay hindi ko na ininda. Napahinto di kalayuan sa aming bahay nang makita ko ang mga tauhan ng sirko na nakapulong roon at umiiyak.
"Anong gagawin natin? Kung isasara ang sirko wala kaming kakainin!" inda ng isa naming tauhan.
I saw Ate Almira just crying along with them. Si Kuya Abel ay yakap si Alessia na umiiyak na din. Si Elias naman ay pilit pinakakalma ang ibang tauhan pero hindi nya magawa.
Parang pinipilas ang puso ko habang pinanonood silang lahat. Napailing na lamang ako habang umiiyak.
Kung hindi dahil sakin ay hindi mangyayari ito!
Minabuti kong hindi muna umuwi. Naglakad ako papuntang dalampasigan at minabuting doon na muna para makapag-isip. Iniisip ko pa lamang na babalik akong Alberta ay sumasakit na ang dibdib ko. Handa na ba akong makita sila ulit?