Chapter 17 - Foolish Heart

249 14 6
                                    

🎵 Foolish heart, hear me calling
Stop before you start falling
Foolish heart, heed my warning
You've been wrong before
Don't be wrong anymore 🎵

"Hindi ka ba talaga sasama? You still have time, Aina. Pwede ka pa naming daanan." kanina pa ako kinukumbinsi ni Andra pero kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

"Kung sasama ako, baka hindi ko na siya hayaang umalis." mapait akong ngumiti habang nasa may teresa na aking kwarto.

This is the night where Theo will finally leave. Parang kailan lang ay hawak ko siya ngayon ay pinapalaya ko na.

May mga tao talaga pala na hindi para sa atin kahit na naranasan natin ang makasama sila.

Minabuti kong mapag-isa at makapag-isip. Dinala ako ng aking mga paa sa dalampasigan. Medyo matagal na rin ng huli akong tumambay rito.

I embraced myself as the cold ocean winds enveloped me. I looked up the sky and saw how the stars twinkles.

Unti-unti ng nanlabo ang aking mata dahil sa mga luhang nagbadya.

"Masakit rin palang magmahal..." bulong ko sa hangin.

I smiled bitterly as I wiped away the tears that run in my cheeks.

Salamat at pinaramdam mo sa akin kung paano mahalin. Kung paano magmahal pabalik, Theo.

I stared at the night sky once more while playing on my necklace's pendant.

Hindi man kita nahatid o nakita man lang sa huling pagkakataon. Gaya nga ng sabi mo, as long as I am wearing this necklace. Parang kasama na rin kita.

Pinilit kong itawid ang pagpasok sa eskwela nang wala si Theo. Sa katunayan, mas pinili kong gugulin ang sarili sa pag-aaral. Madalas sabihin ni Andra na mula raw umalis ang kuya niya nag-iba na ako.

Mas naging matured raw at seryoso kumpara sa masiyahin at isip batang Aina. Hindi ko naman iyon napapansin o talaga ngang nawalan na lang ako ng gana mula nung umalis si Theo.

Hindi naman nila ako masisisi, malaking parte ng buhay ko sa Alberta ang nagugol ko kasama siya. Kaya naman ng umalis siya ay malaking parte rin ng buhay ko ang nagbago.

"Aina! Sige na please? Samahan mo na ako!" hila-hila ni Andra ang manggas ng polo uniform ko.

"Andra, I still have works to do. At isa pa, bakit may oras ka pang mag-ikot? May exam tayo bukas ah." nakangisi kong tanong.

Hinawi niya lamang ang kaniyang buhok at nag-iwas ng tingin.

"A-ah K-kasi..." nginitian ko na lamang siya at hinalikan sa pisngi.

"Una na ko sayo ah?" tinapik ko na lamang ang kaniyang balikat at saka tinalikuran.

Halos kalahating taon na mula ng umalis si Theo pero parang kahapon lang. Kalahating taon na rin at Grade 10 na kami ni Andra. Tapos college na.

Nakakita ako ng bato at naisipang sipain hanggang makarating sa music room. Madalas, doon ako nag-aaral habang nakikinig sa music o kaya naman tumutugtog ako ng kung ano-ano.

Pinihit ko ang pinto ng lumang music room at saka pumasok sa loob. In-on ko ang ilaw at ang electric fan at saka nilapag ang gamit sa isang upuan.

Nilapitan ko ang Begonia sa ibabaw ng piano at saka binuksan ang mineral water na aking hawak.

"Uhaw ka na ba? Sorry na-late ako ha." para man akong baliw na kinakausap ang halaman.

Nagsimula na akong magsulat at magbasa. Inabala ko ang aking sarili para sa pagtatapos ng taon ay wala na akong masiyadong iisipin.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon