Sa mansyon na ako nagpalipas ng gabi habang Thiago naman ay umuwi rin sa mansion nila. Mommy slept in my room and prepared breakfast for me the next day just like the old times.
Daddy on the other joined us for a little while and then left for work early.
"I'll see you around, Sweetheart." Halik nito sa aking noo.
Dad is really not that showy. Pero mula bata pa ako ay ramdam ko na ang pagmamahal niya sa akin na kadalasan ay hindi nagugustuhan ni Ate Annika. I know that I am not a real Valderama but I cannot help but to feel happy now that I am here.
Siguro ay kahit anong mangyari ay narito padin talaga ang puso ko.
"Have you been well, Anak? Kamusta ang pamilya mo sa Idelfonso? I would like to meet them." Nakangiting saad ni Mommy habang umiinom kami ng kape nang maiwan sa hapag.
"They have been always good to me, Mom. My sister, Ate Almira took care of me very well. Soon, ay ipapakilala ko kayo." Nakangiti kong sagot.
Bahagya naman akong nagulat nang biglang dumating si Thiago. He's wearing a black sweatshirt and rugged jeans. It's very unusual dahil nasanay ako na nakasuot siya ng pormal dahil sa dami ng kaniyang modeling shoots.
"Good morning, Tita." Humalik ito sa pisngi ni Mommy bago bumaling sa akin at yumuko para humalik naman sa aking noo.
Halos sumabog naman sa init ang aking mukha dahil sakaniyang ginawa.
Hindi na ako sanay at syempre nahihiya ako dahil sa harap pa talaga ni Mommy!
"Have you eaten, Iho? Magpapalabas ulit ako ng pagkain kina Manang." marahan naman itong tumango bago humila ng upuan sa aking tabi at umupo.
"How was your sleep?" bumulong ito malapit sa aking tenga.
Parang kuryenteng gumapang ang kaniyang salita sa aking leeg kaya bahagya akong lumayo sakaniya.
"A-ayos lang." nauutal kong sagot.
Hindi ko alam kung ano ba ang estado naming dalawa ngayon. Matapos ng mga nangyari ay hindi ko alam kung dapat nga bang maging makasarali kaming dalawa. Kung ipaglalaban nga naming an gaming nararamdaman, ilan pa ba ang kailangang masaktan?
"I knew I'd find you here." Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo ng makita si Ate Annika sa bukana ng dining area.
She's wearing a polo dress and heels. Her hair is all tied up with her eye glasses. Kitang-kita sakaniyang pagmumukha na hindi ito halos nakatulog buong gabi. I tasted the guilt inside my throat.
"Annika." Bulong ni Mommy.
Hindi siya pinansin ni Annika at direkta ang tingin nito kay Thiago. Marahan itong lumapit sa aming gawi. Ang mukha ni Thiago ay nanatiling malamig at seryoso.
"I thought you just grabbed the wrong hand last night." Bumaling naman it okay Mommy with her sarcastic face expression.
"Am I interrupting your reunion with your beloved daugther?" ngisi nito.
"Ate, tama na yan!" inis kong sabi.
"Let's talk. Follow me." Seryoso niyang sabi bago umalis sa aming harapan.
Napabuntong hininga na lamang ako bago umambang maglalakad ngunit mabilis akong hinawakan ni Thiago.
"Do you want me to come?" bakas ang pag-aalala sakaniyang mukha.
Tipid akong ngumiti at umiling sakaniya.
"I can handle her now. Don't worry." Sagot ko bago bumaling kay Mommy na halatang nag-aalala rin.