Chapter 15 - My Heart

255 18 6
                                    

🎵 I am finding out that maybe I was wrong
That I've fallen down and I can't do this alone
Stay with me
This is what I need please 🎵

Kinaumagahan ay sabik si Aina para dalawin si Theo. She couldn't wait anymore for another day not to see her beloved. Pababa siya ng hagdan ng maabutan niyang pinagagalitan ang kaniyang Ate Annika sa bandang bukana ng kwarto nito.

"Uwi ba ba ito ng matinong babae ha Annisia Katarina?" sigaw ni Mayor Virgilio sa anak na umaga na umuwi dahil galing sa party.

"I'm sorry dad. Umulan lang po talaga kagabi kaya nahirapan akong makahanap ng cab and wala ring signal-" nagtaas ng kamay si Mayor Virgilio bilang pag-amba ng sampal mabuti na lang at pinigilan siya ng kaniyang asawa.

"Virgilio! Tama na yan! Ang puso mo!" pag-awat ni Anthelma sa asawa.

"You are grounded! Hindi ka makakalabas ulit hangga't hindi ko sinasabi! Mag-vovoice at piano lessons ka bilang parusa! Naiintindihan mo?" sigaw pa nito na umalingawngaw sa buong mansion.

Iniwas na lamang ni Aina ang tingin doon at mas piniling tahimik na bumaba ng hagdan. Naaawa siya sakaniyang ate pero wala naman siyang magawa. Magagalit pa ito sakaniya kapag nagpakita ito ng pag-aalala.

Nagpahatid siya sakanilang driver patungo sa mansion ng mga Valentino. Hawak ang isang box ng cake ay nakangiti siyang sumilip sa gate ng mansion.

"Hello po. Sino pong nandiyan?" tanong niya sa mga guwardya.

"Ikaw ba yung girlfriend ni Sir Theo?" tanong nito kaya agad naman siyang pinamulahan ng mukha.

"Ah, opo. Nandiyan po ba siya?"

"Opo, Mam! Kumpleto ang magkakapatid diyan! Wala nga lang yung sina Donya Emiliana. Tuloy po kayo!" pinagbuksan siya ng gate kaya masaya naman siyang pumasok sa loob.

Dirediretso siyang naglalakad sa loob at agad na lumawak ang ngiti ng makasalubong si Andra na kalalabas lang ng kusina. Kakawayan niya sana ito ng mapansin na nakasimangot ang kaibigan.

"Andra!"

"Andra! Huy!" ulit niyang tawag sa nakatulalang kaibigan. Doon niya palang naagaw ang atensyon nito.

"U-uy! Nandiyan ka pala..." bakas ang tamlay sa boses nito.

"Is there something wrong, Andra?" kuryosong tanong ni Aina.

Nagdadalawang isip man ay hindi na napigilang maluha ni Andra.

"Anong nangyari?" nag-aalala niyang tanong.

"Aina, kausapin mo naman si Kuya Theo. Kagabi pa nagmumukmok sa kwarto niya. Ayaw kumain, ayaw lumabas o makipag-usap sa sino man samin kahit kay Kuya or Mommy. Baka sakaling mapabago mo isip niya." Patuloy pa rin ang iyak ni Andra.

"Sige, ako na bahala. Wag ka ng umiyak." Pagsamo niya rito habang hinhagod ang likuran nito.

Tinalikuran na ni Aina si Andra at nagmamadaling pinanik ang grand staircase. Hindi na siya kumatok at basta na lang binuksan ang pinto. Naabutan niya si Theo na nakaupo sa kama at nakayuko. Nakatukod ang siko sa dalawang tuhod na tila malaki ang dinadalang problema.

Hindi na siya nagpatumpik pa at agad na lumapit kay Theo at lumuhod sakaniyang harapan.

"Theo! Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Hindi ka pa raw kumakain simula kagabi? May problema ba?"

Bumuntong hininga na lamang si Theo at malungkot na nginitian si Aina. She cupped Aina's face and slowly planted a kiss on her lips.

Napapikit na lamang si Aina ng magdampi ang labi nilang dalawa. She didn't expect it pero hinayaan niya na lang. Bakas ang lungkot sa halik ng lalakeng mahal niya.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon