Chapter 20 - Samson

255 13 2
                                    

🎵 You are my sweetest downfall
I loved you first, I loved you first
Beneath the sheets of paper lies my truth
I have to go, I have to go
Your hair was long when we first met 🎵

Hanggang pauwi ay hindi na kumibo si Aina. Wala na rin naman siyang balak pang pag-usapan ang mga nangyari. Nakatingin lamang siya sa kawalan at pilit kinakalimutan ang mapait na nangyari kanina. Hindi pa rin makapaniwala. She trusted Theo’s words and actions so much that seeing her with another girl hurt her most.  

Nang magpasukan na ay ginugol na lamang ang sarili sa ibang bagay. SHE knew deep within that forgetting everything is impossible. Pero kailangan niyang kayanin at humakbang.

“I guess the playboy Theo is back.” Kumento ni Annika nang mapagusapan ang nangyari sa cafeteria.

“That’s odd. Kapag magkakasama kami nila Thiago. Wala siyang ibang binabanggit kundi ikaw.” Kibit balikat ni Brandon.

“Ewan ko ba kay kuya! I almost grab that girls hair!” pahisteryang sabi ni Andra.

“What happened to him.” Rinig niyang bulong ni Millie. Si Thiago naman ay tahimik lang sa tabi niya.

Ilang linggo na din pala ang nakakalipas mula ng malaman niya na buntis si Millie. Kailan niya kaya balak sabihin kay Thiago ang lahat? Halos isang buwan na din iyon. Lagi lang siyang nakajacket kaya hindi pa halata. Mabilis lang lumaki ang tiyan ng babae kapag nagbubuntis.

Even though she’s experiencing a heartache. She just smiled at them. Alam niya madami pa silang gustong sabihin pero nahihiya lang sila dahil masasaktan si Aina.

“Ayos lang ako. Huwag na lang natin sigurong pag-usapan.” Matamlay niya silang nginitian.

Umingay ang pag-hila ni Andra sakaniyang tabi ng isang monoblock chair.

“Mag-beach tayo sa weekend? Game? Para marefresh ka. Mawala lahat ng stress mo!” excited niya pang sabi.

“Pag-iisipan ko.” Ngiti nito at saka tumayo. 

Paalis na sana siya ng marinig niya ang pagkakagulo ng mga babae sa cafeteria. Parang mga giraffe ang mga ulo nilang nagtataasan. Tumayo na din si Andra sa tabi niya at nakiusyoso.

“Anong meron?” bulong niya. Nagkibit-balikat na lamang si Aina.

Nanlaki naman ang kaniyang mata ng isang lalake ang pumasok sa cafeteria. Pamilyar ito sakaniya! Saan nga ba niya nakita? May sakbit na gitara sakaniyang balikat at bukas pa ang mga butones ng kaniyang polo kaya kita ang puting panloob nito. Nakangiti habang naglalakad kaya halos mangisay lalo ang mga babae sakaniya.

Luminga-linga pa siya kaya naman nang magtama ang paningin nila ni Aina ay lumawak ang kaniyang ngiti. Kumaway pa ito sakanilang gawi!

“You know him?” siko sakaniya ni Andra.

Hindi na nakasagot si Aina ng biglang tumakbo ang lalake papalapit sakaniya at niyakap siya bigla.

“I missed you!” kitang-kita ang dismaya at pagkainis ng mga babae sa paligid nila. Maging ang grupo nila Annika na nakaupo sa kanilang likuran ay nabigla.  

“Lance?” tanong ni Aina nang humilay na sila sa pagkakayakap.

“No other than! Oh ayan ha? Nag-enroll ako.” Kinindatan pa niya si Aina na nagpatawa naman sa dalaga.

“Seryoso ba? Kaso super late enrollee ka na!”

“Basta! Ako na bahala dun!” natatawa pa nitong sabi. 

“Ehem…” Andra coughed kaya napalingon sila sakaniya.

“Oh! Papakilala kita sa mga friends ko.” Tumabi naman ito sakaniya.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon