Chapter 2 - Nothing's Gonna Stop Us Now

641 27 10
                                    

~ HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

♪ Lookin' in your eyes I see a paradise,

This world that I've found is too good to be true ♪

🌹

"Wow! Iba talaga si Tita Thelma this is so plenty!" masayang sambit ni Millicent nang makarating ang grupo nila sa nipa cottage. Nakahanda na roon ang mga pagkain. May mga paper plates na rin at cups para sakanilang lahat.

Nakita niya kung paano pinagsandok ni Brandon si Annika ng kanin. Nagkatinginan pa ang dalawa at ngumiti. Bago pa mapalingon sakaniya ang ate niya ay umiwas na agad ito ng tingin.

"Here." napalingon siya sa katabi at nakita si Theo na naglahad sakaniya ng paper plate. Bahagya siyang natigilan bago ito tinanggap.

"Th-thanks." nginitian lang siya ni Theo.

"Ehem.." napalingon sila dahil sa pagtikhim ni Andra.

"Oy! Tama na iyan kuya pakainin mo muna si Aina!" biro nito na nagpatawa sa grupo.

Masayang nilalagyan ni Millicent si Thiago ng kanin at inihaw na liempo sakaniyang pinggan. Nagtatawanan pa ang dalawa dahil pinupuno ni MIllicent ang pinggan ni Thiago. Napangiti na lamang si Aina sa dalawa. They make a good couple. Sa isip isip niya.

"Anong gusto mo?" napalingon siya sa katabing si Theo. Hinahangin ang maiksi pero kulot nitong buhok. Matangos ng ilong at manipis ang labi. Bumagay sa kaputian niya ang kulay brunette na buhok nito.

"A-ako na." kukuha na sana siya ng kanin pero inagaw ito ni Theo.

"Let me." napatingin siya sa lalake na seryoso ang tingin sakaniya. She looked into the Theo's brown eyes and immediately felt the booming of her heart.

"Theo! Stop flirting with my sister!" inis na sambit ni Annika na nakasuot na ng 2 piece kasama si Brandon na nakatopless at board shorts na.

"Protective sister!" biro ni Millicent na pinapahiran ni Thiago ng sunblock ang mga braso.

"I'm not! Let's go, Brad." Annika said before running to the beach kasunod si Brandon.

"Aina, saan ka nag-aral last year?" tanong ni Andra habang nagsasalin ng gulaman sa baso niya.

"Diyan lang sa may Valencia University malapit sa bayan. Nagkaroon kasi ng riot last time, madaming estudyante ang nadamay kaya ayaw na akong pabalikin doon nila mommy." patuloy niyang kwento bago tumuhog ng hipon at sinubo ito.

"Oh. Grabe pala dun? Sabagay balita ko rin mga spoiled brats ang mga students dun dahil mostly ay anak ng mga politicians. Glad that you are not going back there." ngiti ni Andra.

"Saan ka na mag-aaral kung ganun? Sa Alberta na rin?" bakas ang pagbaka sakali sa boses ni Theo.

Bawat titig niya kay Aina ay nagpapabilis ng tibok sa puso ng dalaga. There's something in his brown eyes that makes her want to take a look closer and ... longer.

"O-o. Para magkasama na rin kami ni Ate. Bukas pa ako mag-eenroll." sambit ni Aina.

"Wow! Ang saya nito! Aina, sasama ka samin ha? Wala ka pang magiging kaibigan 'nun kaya huwag kang mahihiyang lumapit samin." ngiti ni Millicent.

Tumayo si Millicent at naghubad ng white t-shirt showing off her white skin ang slimy curves. Kahit pa sabihin na 16 years old pa lamang ito ay kita na ang magandang hulma ng katawan. She's wearing a two piece stringed bikini perfectly hugging her firm boobs and well-shaped butt.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon