Chapter 52

158 9 7
                                    

Contract

Hindi na ako nagpahatid kay Thiago sa unit. Nagpalitan na lamang kami ng numero at nangakong pananatilihin ang kumonikasyon sa isa't-isa. Gulat na gulat naman si Suzy nang makita akong pumasok ng unit ni Brandon habang abala siyang nag-vavacuum ng sahig.

"Miss Alanis!" sigaw niya bago binitawan ang hawak na vacuum at dinambahan ako ng yakap.

"Bakit hindi ka po nagsabi na uuwi ka? Sana ay sinundo kita sa baba." Malawak ang kaniyang ngiti paghiwalay sa yakap.

"Ayos lang. Hinatid naman ako ni Thiago." mabilis na namuo ang pagtataka sakaniyang mukha.

"Yes. We got back together, Suzy." Napasapo na lamang sakaniyang bibig si Suzy bago nagtitili.

"I'm so happy for you, Miss Alanis! Dahil diyan ay ipagluluto kita ng masarap." Natawa ako sakaniyang sinabi.

Nagtungo muna ako sa aking kwarto habang nagluluto si Suzy. Ngayon ko lang napagdesisyunang buksan ang aking cellphone sa sobrang daming nangyari kahapon. Sumasakit na lamang ang ulo ko tuwing inaalala ang mga kaganapan sa Alberta.

As expected tadtad na ng article ang social media tungkol sa nangyari sa party. Ang daming larawan ang nagsilabasan mula kay Annika na nag-announce ng wedding hanggang sa pagkakahila sa akin ni Thiago palabas ng party. Ang malala ang iba ay may mga video pa!

'Nakakahiya ka, Annika! Kabit ka ng taon!'

'Huwag mo ng ipilit! Halatang hindi masaya sayo si Baby Thiago namin!'

'Kaya pala wala akong chemistry na nakikita sakanila! Go, Alanis and Papa Thiago!'

Napahilot na lamang ako sa aking sentido dahil sa lala ng mga kumento sa social media. Alam kong hindi maganda ang ginawa ni Annika pero hindi padin ako masaya na pinagpepyestahan siya ng mga tao.

Ako nga na nagbabasa ng comments ay nasasaktan ay paano pa kaya si Annika?

Sana ay ayos lang siya.

Isang buwan din ang lumipas matapos nang mga pangyayaring iyon. Paminsan ay nagkikita kami ni Thiago pagkatapos ng mga shootings niya at modeling. Paminsan naman ay lumalabas din kami para manood ng sine o kumain sa labas. Palagi lang kaming nakadisguise o kaya naman ay ipaparserve ni Thiago ang buong lugar para kaming dalawa lang ang naroon.

So far so good ang aming relasyon sa buong isang buwan na iyon. I made myself busy by attending some workshops. Piano, Guitar at Cello ang mga instrumentong inaaral ko. Kahit na sabihing marunong na ako ay marami pa pala akong hindi alam. Hinahatid ako at sinusundo ni Thiago sa workshop tapos ay kakain kami o kaya ay magkakape kung saan man. We were happy just doing simple things.

Isang umaga habang mag-isa akong nag-aalmusal sa pad ni Brandon ay napagdesisyunan kong buksan ang TV. Pagmumukha agad ni Brandon ang bumungad sa akin dahil sa isang interview.

"You were gone for 2 months. How have you been in US for your project, Brandon?" tinignan ko ang TV at naka-live iyon.

Hindi ko na inantay na sumagot si Brandon. Nagmadali akong nagtungo sa kwarto upang magbihis at saka kumaripas na ng takbo palabas ng condo. Pumara ako ng taxi at agad na sumakay roon.

Bakit hindi man lang nagsabi si Brandon na uuwi siya? Lokong iyon! Sana ay mas inagahan ko ang pagpunta sa airport.

Mabilis kong tinipa ang number ni Suzy para tawagan at agad naman itong sumagot.

"Suzy? Nakauwi na pala si Brandon ngayon?" bungad ko sakaniya.

"Kakatawag lang din po sa akin ni Manager Lim. Nag-aayos lang po ako at pupunta na din ako sa airport."

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon