Chapter 41 - Not Like The Movies

267 14 3
                                    

Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang itsura ni Thiago nang iniwan ko siya sa may Brianna's. I can't get the image of him on bended knees crying in my head. I left him there alone.

I love him. Wala namang duda roon.

I so love him that I don't want him to involve himself in my messy situation.

Hindi ko alam kung sapat na dahilan yun.

I'm sorry, Thiago.

Pagkarating sa mansyon ay agad akong dumiretso sa aking kwarto. Walang mintis ang pagtulo ng aking mga luha. Ramdam ko pa din ang bigat ng aking dibdib. Walang humpay ang kirot sa aking puso at ramdam ko sa aking bawat paghinga ang piga rito.

Does this mean that we're over now?

Ano pang silbi ng relasyon namin kung hindi ko siya kayang panindigan sa ngayon?

Sumabog ang aking cellphone dahil sa mga tawag at mensahe mula sakaniya. He calls me non stop but I didn't answer any of it. Walang katapusan ang aking mga hikbi. Hindi ko rin alam ang sasabihin sakaniya.

Out of my frustration I throw my phone against the wall. Basag ang screen nito nang bumagsak sa sahig at natanggal ang ilang parte. As much as I wanted to scream, I chose to suppressed my tears. Impit akong umiyak hanggang sa makatulog.

Kinaumagahan ay mahapdi ang aking mata kakaiyak kagabi. I woke up early as usual. Maaga pa pero ang sikat ng araw ay tumatagos na mula sa labas. Kahit ayaw kong pumasok ay hindi pwede.

Dahil nalalapit na ang graduation namin ay wala na masiyadong ginagawa sa school. Pasahan na lang ng requirements at ensayo ng graduation rights.

I did my routine and wore a casual shirt and jeans. Pagbaba ko mula sa kwarto ay agad akong nagtaka. Hindi masiyadong maingay sa sala at wala ang mga opisyal ng aking mga magulang. Usually when I woke up in the morning they are all here complete chattering.

"Manang. Si Ate Annika? Si Mommy and Daddy?" tanong ko sa isa naming kasambahay.

"Kaaalis lang po ni Miss Annika. Pupunta daw siya kina Sir Brandon. Sila Madam at Mayor naman po ay may meeting sa mansion nina Governor Contreras." Tinanguan ko na lamang ang sinabi niyang iyon.

Hindi na ako kumain at uminom na lamang ng gatas. I was about to leave when our housemaid was half running towards me.

"Miss Alaina, may naghahanap po sainyo." She said.

I was about to ask who when I saw Donya Emilliana entered our living room. She looks so formal in her dress but but it contradicts her facial expression.

Kulay dilaw ang kaniyang suot na may kumikintab na sequence na sumisimbolo ng kasiyahan. Pero ang kaniyang mukha ay hindi man lang mangiti. Ang kaliwang kilay parang nakapako na sa taas. Nang mabaling ang kaniyang paningin sa akin ay tipid siyang ngumiti at halatang pilit iyon.

Marahan akong naglakad palapit sakaniya. Hindi ko alam kung bakit parang tambol ang puso ko dahil sa kaba. Noon ay kapag nagkikita kaming dalawa hindi mawala ang ngiti sakaniyang labi. At kung yakapin at halikan ako nito sa pisngi ay ganoon na lang. Ngayon ay parang wala siyang balak ipagkaloob sa akin ang ngiting iyon at nandidiri sa akin upang yakapin ako.

"Donya Emiliana... Wala po ditto si Mommy and Daddy... May meeting-"

"Well, I am actually here for you..." pormal niyang sabi.

Napalunok ako bago nagsalita.

"B-bakit po?"

She didn't answer me right away. She roamed around our living room and stopped at the picture frames on top of our antique cabinet.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon