Chapter 10 - I'll Be There

271 19 8
                                    

Cause every day, every night, I keep looking up the skies
And I'll pray that someday you will wake up in my arms
And love will never end
We belong together, always and forever
Call my name and I'll be there ♪

HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

Isinawalang bahala na lamang ni Aina ang hindi pagkibo sakaniya ni Thiago. Sanay naman na siya dahil sa araw-araw na pag-ignora nito. At isa pa, nariyan naman si Theo na walang humpay ang pagpapakita sakaniya ng kahalagahan. Napapasaya siya lagi nito at walang sawang pinadadama ang presensiya niya.

Nakasakbit ang kamay ni Andra sa braso ni Aina habang sabay silang naglalakad sa hallway pabalik ng kanilang classroom. Masayang nakikwento si Andra tungkol sa nangyaring pag-uusap nila ni Javier kahapon.

"He said that? Eh kakakilala niyo pa lang!" kumento ni Aina ng sabihin ng kaibigan na gusto rin ito ni Javier.

"And so? Are you not familiar with love at first sight, Alaina?" inilingan lamang siya nito. Andra rolled her eyes heavenwards. She can't believe it! Saan ba galing itong si Aina?

Sumusunod ang mga lalake sakanilang gawi. Sumisipol ang mga ito, ang iba naman ay nagtutulakan pa para lumapit sa dalawang dalaga pero walang nagwagi. Kapag nalaman ng isa sa mga Valentino na nilapitan ang kanilang kapatid ay tatamaan sila. Lalo pa si Aina, kapag nalaman iyon ni Theo ay makakatikim ng hagupit niya.

"Love at first sight means, when you first saw a specific person you suddenly feel the butterflies on your stomach..." damang-dama ni Andra ang pagkwento.

"Sa unang pagtama pa lang ng mga mata niyong dalawa... alam mo ng magkakaroon ng malaking parte ang taong iyon sa buhay mo. Spark kumabaga!... ihhhhh!" kilig na sambit ni Andra.

"Hay nako! Pumasok na nga tayo!" natatawang hila ni Aina sa kaibigan.

Love at... first sight? She remembered how her eyes met Theo's. She felt a loud hammering from her heart and from that day on, she knew. She like Theo already. But love? Hindi niya pa alam.

"Quiet! Everyone... This coming foundation day, our beloved Alberta University will be conducting an entertainment week for all. In line of this, each year level will get to pick what performance or activity they will do. For example, first year students is in charge for cooking. They will provide free taste or free meal for every one which they will personally cook. On the other hand, second year students are for dancing. They will conduct a flash mob or public dancing on our covered court and school grounds. Something just like that." paliwanag ng kanilang adviser.

Sari-saring bulungan na naman ang umalingawngaw sa buong klase. Isa ito sa pinaka kinaayawan ng ilang estudyante dahil masiyadong matrabaho. Kailangan mag ensayo kahit tapos na ang klase imbis na nagpapahinga na lang sila sa bahay.

"Quiet! As I've said, this is 20% part of your final grades this quarter so all of you.. must participate. For our section.. we will be doing a... musical play!" masiglang sambit ng kanilang guro.

"Play? Anong laro yan, Miss?"


"Baka bahay bahayan! Ako tatay ikaw nanay!"

"Sali ako diyan!"

Naghalakhakan naman ang buong klase dahil sa mga malolokong kumento ng mga kamag-aral. Pinalo ng kanilang guro ang desk nito kaya naglikha ng sapat na ingay para tumigil ang pagkakagulo.

"This is not a joke! Kayo talaga!" inis na sabi ng guro bago kumuha ng chalk at nagsulat sa pisara. Nang matapos ay humarap.

"We will be playing, Disney's The little mermaid." nakangiti nitong sabi.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon