Chapter 13 - Let Me

261 11 9
                                    

Baby, let me be your man
So I can love you
And if you let me be your man
Then I'll take care of you, you

HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

Mabilis lang ang naging takbo ng buong school year sakanilang magkakaibigan. Hindi na halos nila napansin na mag-babakasyon na pala. Next school year ay college na sina Thiago, Theo, Milliecent, Brad at Annika habang sina Aina at Andra ay maiiwan pa rin sa highschool. 

"May naisip ka na ba Mille kung anong kukuhanin mong course?" tanong ni Andra noong huling araw nila sa eskwela. 

Nakatambay sila sa isang malaking puno ng Narra. Wala na masiyadong ginagawa dahil huling araw na ng klase. Nanonood lang sila ng naglalaro sa soccer field. Ang mga lalake ay nakahiga sa mga kandungan ng kanilang mga kasintahan bukod kay Andra.

Si Thiago ay nakahiga sa hita ni Millie. Ganoon rin si Brandon na nakahiga sa hita ni Annika. Si Theo rin ay nakahiga sa hita ni Aina. Ang mga lalake ay kapwa naglalaro ng kanikanilang mobile games habang ang mga kasintahan nila ay nagkekwentuhan lang.

"Actually, wala pa akong final decision. I was planning to take Architecture but It depends. Mahaba pa naman ang bakasyon baka magbago pa ang isip ko." nakangiting sabi ni Millie bago uminom sakaniyang milk tea. 

"Hay! Buti na lang wala pa tayo sa ganiyang moment noh, Aina? I am still enjoying high school. At isa pa wala pa akong ibang maisip unless fashion designing? Malamang sa ibang bansa na ako pag-aralin ni Mommy non." Andra giggled. 

"Ikaw Annika? What are your plans?" tanong naman ni Millie kay Annika.

"I still don't know either. I'd still need to consult with my parents." tipid nitong sagot.

"Oh. May business rin pala kasi kayong pinatatakbo." kumento ni Andra. 

Sa isip ni Annika ay multimedia arts or communication arts ang nais niyang kunin para related sa kagustuhan niyang makapasok sa showbiz. Ngunit sa tuwing naiisip niya ang pressure ng isang pagiging Valderama na tagapagmana ng kanilang Musical Instrument business ay nawawala iyon. Hanggang kailan ba siya magiging sunod-sunuran sakaniyang magulang? 

Hindi mapakali si Aina sakaniyang kwarto isang araw ng bakasyon. Panay ang sulyap niya sakaniyang cellphone kung may text ba o tawag man lang si Theo sakaniya pero wala. Gusto niyang mainis at mauna ng magtext pero nahihiya siya. Bumalikwas siya sa kama at dinial ang numero ni Andra.

"Aina?" rinig ni Aina ang ingay sa backround ni Andra.

"Ah.. Hello... Andra? Nasaan ka?" tanong niya.

"Sorry! Nasa mall ako. Napatawag ka?" medyo nawala na ang ingay sa backround nito.

"Ah kasi... Nasa bahay niyo ba si...Theo?" alinlangan tanong ni Aina.

"Ayie! Namimiss mo si Kuya noh?" pangbuska ni Andra. 

"Hay! Dalaga ka na talaga Aina. I am so proud of you! Anyway, wala naman masama kung iparamdam mo rin minsan sa lalake na namimiss mo siya. Na kailangan mo siya. Not all the time guys are responsible for doing those things. Kung ako sayo, dalawin mo na si Kuya sa bahay. Spend time with him and most importantly, cuddle!" humagikgik si Andra sakabilang linya.

"Kahit kailan ka talaga! Sige na!" natatawang sabi ni Aina bago ibinaba ang telepono.

Napaisip tuloy siya sa sinabi ni Andra. Oo nga naman. Theo never failed to made her feel loved but her? Hindi pa kasi siya sanay sa mga ganoong bagay kaya bawat galaw ay bago sakaniya. Napatayo siya sakaniyang kama at tumakbo patungo sa kwarto ng Ate Annika niya.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon