Chapter 11 - Only Hope

264 16 10
                                    

I give you my destiny
I'm giving you all of me
I want your symphony
Singing in all that I am
At the top of my lungs
I'm giving it my all  ♪

HI LOVIES! PLEASE DON'T FORGET TO LEAVE YOUR COMMENTS AND LIKE/VOTE FOR THIS CHAPTER ♥

Nagbalik si Aina sa loob ng CR para ayusin ang kaniyang sarili. Inayos niya ang pagkakasuot ng polo na ibinigay ni Thiago at saka hinagod ang buhok. Huminga siya ng malalim at pilit na ngumiti. Hindi niya inaasahan na mangyayari yun. Kaya medyo natagalan siya bago makarecover.

"Kaya ko 'to..." she said to herself then stormed out of the comfort room.

Natapos na si Jazzmine sakaniyang pagkanta. Maayos ang nagging pagtatanghal niya dahil patango-tango ang mga hurado at nakangiti nang matapos siya. Pababa na siya ng entablado  at labis ang pagkagulat nang makita si Aina na papasok ng auditorium. She frozed for a moment because she didn't expect that Aina would be able to make it.

Tinahak ni Aina ang pasilyo ng auditorium. Sinalubong naman siya ni Andra na nag-aalala.

"Bakit ngayon ka lang? Akala ko ay hindi ka na sisipot eh!" bulong nito habang nakaangkla kay Aina.

"May nangyari lang..." nakangiting sagot ni Andra.

Maya-maya pa ay napalingon sila sa bukana ng auditorium at nakita ang tumatakbong si Theo. Nakasuot ito ng jersey shirt ng Alberta University habang nakasakbit sa balikat ang gym bag.

"Buti umabot ako.." humahangos niyang sabi nang makalapit kay Aina. Pero kunot noo niya namang binalingan si Aina nang mapansin ang polo na suot nito.

"Bakit ganyan ang suot mo?" seryoso niyang tanong.

Nataranta naman si Aina at hindi alam kung paano sasabihin kay Theo ang nangyari kanina,

"Next! Alaina Valderama! On the stage please..." napalingon sila ng tawagin siya sa harapan.

"Mamaya na yan, Kuya! Go Aina!" Andra cheered.

Hinawakan naman ni Theo ang mukha ni Aina at pinaharap sakaniya.

"Don't be nervous, okay? Kapag kinabahan ka... Tumingin ka lang sakin.." nakahinga naman ng maluwag si Aina sa sinabing iyon ni Theo.

Tumango lamang siya at natigilan ng hinalikan siya ni Theo sa noo.

"Good luck..." Theo whispered.

Sa likuran naman ay hilera ng upuan kung nasaan sina Thiago,Millicent,Brandon at Annika. Lumakad na si Aina patungo sa harapan. Kung nakakatusok lang ang paningin ay malamang duguan na siya dahil sa pagtitig ni Jazzmine sakaniya. Paano niya nagawang makarating? Mahigpit ang bilin niya sa tatlong babae na wag hahayaang makasipot ito.

"Good afternoon, Everyone.." sambit niya ng nilebel ang sarili sa mikropono.

"You may start, Miss. Valderama..." saad ng kanilang adviser at ilang music teachers.

Nagpalakpakan naman sina Millicent sakanilang pwesto. Si Theo ay sumisigaw pa kaya natatawa ang grupo.

"Whoooo! Mahal ko yan!" sigaw niya.

Napangiti na lamang si Aina. Bakit siya mahihiya kung itong si Theo nga ay hindi? Natatawa siya sakaniyang isipan. Tumunog ang intro ng kanta at saka niya sinimulan ang pagharana sa mga tao. She closed her eyes and feel the music.

" ♪ There's a song that's inside of my soul... ♪ " simula pa lang ng pagkanta niya ay nakuha niya na ang loob ng mga hurado dahil sa husay nito.

Iminulat niya ang kaniyang mata at ibinigay ang buong atensyon kay Theo na nakangiti sakaniya. At doon pa lang, nawala na ang kaba niya.

She sang Only Hope by Mandy Moore. Almost all of the people we're amazed by her singing voice. Ang mga guro ay tulala sakaniya dahil sa mala-anghel na melodiya ng kaniyang pagkanta.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon