Chapter 40 - My on way

372 14 15
                                    

Andra warned me that I should not talk to her in school and that's what I did. Hindi ko na siya kinulit pa dahil alam ko naman na hindi na niya ako gustong kausapin pa. I spent my whole 3 weeks alone in our classroom.

Kahit hindi ako sanay ay wala naman akong magagawa. I just focused with my studies especially now that we are nearly graduating from highschool.

Kapag lunch break naman ay hindi na din siya sumasama sa amin nila Thiago. She has her own bunch of friends now including Venice ofcourse. Madaming naiinis sa grupong sinamahan niya kaya ngayon ay isa na siya sa mga kinaiinisan ng mga estudyante lalo na ang mga babae pero tingin ko ay wala naman siyang pakialam.

Sa ilang linggong lumipas ay nasanay na din ang grupo sa mga nangyayari. Thiago is very sweet and clingy whenever were around them. Paminsan ay ako pa nga ang naiilang at nahihiya dahil masiyado siyang PDA. Naalala ko pa noong sila ni Millie ay sweet naman talaga siya pero hindi katulad nito.

"Thiago, seriously? That's my sister your drooling at." namula ako sa sinabing iyon ni Ate Annika.

Paano ba naman kasi habang kumakain ako ay nakatitig lang sakin si Thiago habang nakatukod pa ang siko sa lamesa.

"Kumain ka na nga." nahihiya kong saway sakaniya.

"Why? You're so beautiful." bulong pa niya bago inabot ang aking kamay at hinalikan.

Maya pa ay may nagbato ng bimpo sa mukha niya kaya natakluban ito. Nagtawanan kaming lahat.

"Ang baduy mo!" panuya sakaniya ni Brandon.

Kahit papano naman ay nakakalimutan ko ang problema ko kay Andra kapag kasama ko sila.

Millie is the one who were very persistent na magkabati na kami pero ayaw talaga ni Andra. Okay na siguro ako na atleast kahit papano ay ako lang ang hindi niya pinapansin. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila nang dahil lang sa akin.

"Paano kaya niya nalaman?" she asked out of no where one day when we were hanging out at her place.

"Hindi ba si Venice ang unang nakaalam? Nakita niya ata kami ni Thiago sa may music room." sagot ko na agad niyang inilingan.

"Are you sure? Ang pagkakaalam ko ay may nagbigay ng larawan niyo ni Thiago mula noon. Eh hindi ba kakarating pa lang niya sa grupo? Imposible namang makuhan niya lahat ng iyon." bigla akong natigilan sa sinabing iyon ni Millie.

She' right. All along I thought Venice saw us making out in the old music room. Pero kung hindi sya ay sino?

Is it possible that there is also someone else that already knows our relationship aside from Venice? I need to find out.

Sa bahay naman ay hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Mommy at Daddy. I used to be sweet and clingy to them but now that I already know the truth... Everything has changed.

Especially now that their 50th wedding anniversary is coming this weekend and ofcourse there's gonna be a party.

Malapit na naman din kasi ang eleksyon kaya kailangan nilang pulungin lahat ng nasa partido nila upang magbigay pasasalamat at manghingi ng tulong para siya ulit ang ibotong maging Mayor.

Lahat naman ito ay abot kamay sa tulong din ni Governor Hernan dahil mas napalakas ang pagsasanib nilang dalawa.

"Make sure to clear your schedules this weekend. You can invite your friends if you badly want to be with them." pagpapaalala ni Daddy habang kumakain kami ng almusal.

"Also..." sabay pa kami ni Ate Annika na nag-angat ng tingin kay Mommy. She looked so worried and unsure.

"We have an announcement to make on saturday. Pero syempre gusto kong kayo muna ang unang makaalam. Especially you, Aina." seryoso niya pang dagdag.

Turning TablesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon