Who do you think you are?
Runnin' 'round leaving scars
Collecting your jar of hearts
And tearing love apart
You're gonna catch a cold
From the ice inside your soul
So don't come back for me
Who do you think you are?
🌹
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakatulog na nga sa ganong posisyon ang dalawa. SI Thiago ay prenteng nakasandal sa balikat ni Aina habang ganon din ang dalaga sakaniya. Kinaumagahan ay sinag ng araw ang sumilaw sa kanila kaya sabay silang marahang nagising.“Sentisima! Kayo ba iyong taga isla na hinahanap buong magdamag?” napaupo sila ng tuwid dahil sa narinig na boses.
Kuskos ni Aina ang kaniyang mata at pilit inaninag ang itsura ng mamang nasa kanilang harapan.
“Ma…magandang umaga po. Pasensiya na at nanghimasok kami rito sa kwadra ninyo.” Pilit na tumayo si Aina.
Nagkusot muna ng mata si Thiago at saka sumunod na ding tumayo at lumebel sa dalaga.
“Walang kaso iyon! Iyon nga lang buong magdamag na kayong hinahap ng mga pulis at mga tauhan ng Hotel na tinuluyan niyo! Teka nga at tatawagan ko sila.”tumalikod ang matandan lalake at dinukot ang lumang telepono nito.
Aina glanced at Thiago’s just woke up look. Bakas sa mukha nito ang katamaran sa pagbangon. How can he still look handsome and rough kahit kakagising niya pa lang?
Maya pa ay humahangos na ang matandang lalake na bumalik sakanila.
“Paparating na raw sila!” balita nito.
“Mabuti pa ay sa may kanto na tayo maghintay para hindi na sila mahirapang bumaba pa rito. Tara na at ihahatid ko kayo.” Aya ng lalake.
Ineksamina ni Aina ang kaniyang sarili. Mukha na siyang basahan sakaniyang hitsura. Mabuti na lamang at suot niya ang leather jacket ni Thiago. Bakit itong kasama niya kahit madumi ay makisig pa din? Hindi patas! Sa isip-isip niya habang nagsisimula na silang tahakin ang daan palabas ng kakahuyan.
“Hindi ko alam kung paano kayo nakarating sa parting ito…” panimula ng matandang lalake.
“Uh… nagbisekleta lang po ako. Tapos ay biglang umulan kaya naisip kong maghanap ng masisilungan sa loob ng kakahuyan. Ang kaso po ay dumausdos ako pababa sa isang parte.” Kwento naman ni Aina.
“Wala na silang pinapapasok rito bukod sa aming mga tagapangalaga dahil sa epekto ng kalamidad at bagyo. Nagkabiyak-biyak na ang mga lupain rito. Kagabi ay laman na kayo ng balita sa TV at radyo. Kaya nagulat talaga ako ng nasa loob lang pala kayo ng kwadra ko!” hinawi ng matanda ang nakaharang na mga sanga at saka pinaunang lakad si Aina.
“Salamat po.” Si Thiago naman ay nanatiling tahimik sakaniyang likuran hanggang sa tuluyan na silang makalabas sa kakahuyan.
Saktong paglabas nila ay may malaking shuttle na naghihintay sakanila.
“Salamat po, manong.”sambit ni Aina sabay siko kay Thiago.
Kunot noo siyang binalingan nito. Tinaasan niya naman ng kilay ang nagtatakang binata.
Then she mouthed “mag-thank you ka!”
Bumuntong hininga na lamang si Thiago at hinarap ang matanda.
“Th-thank you.” He slightly smiled.
“Wala iyon! Alagaan mo itong kasintahan mo ah! Napakaganda!” sambit pa nito sabay tapik sa balikat ni Thiago.
Tinalikuran na nila ang matanda at sumakay na sa naghihintay na shuttle. Sumandal si AIna sa upuan at saka nakaramdam ng ginhawa dahil sa lambot ng upuan. Maghapon siyang nakasandal sa dingding kaya ngayong nakaramdam siya ng lambot ay napapikit na lamang siya sa ginhawa.