Panay irap lang si Gem kay Gian na nangaasar ata dahil kung nasaan siya ay nadoon din ito. Dalawang araw na sila sa Sagada at dalawang araw na rin silang parang mga bata na nag-aaway dahil sa isang tsokolate.
Hindi niya kasi kinagat ang mga pinagsasabi nito noong unang araw nila sa Sagada. Sino ba naman kasi ang maniniwala sa sinabi nito. Saying ‘I love you' to her pagkatapos ay ngingisi itong parang aso. Hah! Ayan tuloy isang malaking pasa ang nasa mukha nito. Aaminin niyang medyo nakonsensya siya sa pagsuntok dito pero ano nga ba naman ang pwede niyang gawing depensa sa impromptu revelation nito.
Umabistre ito sa paglakad niya at parang sirang sumisipol sipol pa. She ignored him pero ang hudyo parang namimikon at tumabi pa sa kanya at tinitigan siya habang naglalakad. Huminto siya sa paglakad para paunahin ito pero sadyang tumigil din ito at tila hinihintay na maglakad ulit siya. She took a step and he did too. Tumigil siya at tumigil din ito. Napapadyak siya at pikon na hinarap ito.
"Ano ba? Ako ba talagang pinipikon mo, ha?"
Painosenteng tiningnan siya nito. "Bakit? Masama bang sabayan ka sa paglakad?"
Tinaasan niya ito ng kilay. "Oo. Gusto mong pantayin natin yang pasa mo sa mukha?" At inambahan pa ito ng kamao.
"Nah. I would prefer a kiss from you," nakangising wika nito.
"In your dreams," mataray na sabi niya at iniwan na ito.
Pumasok siya sa isang art gallery shop at nagiikot ikot. Baka sakaling may mahanap siyang pwedeng pampasalubong. Sa pagikot ikot niya nakuha ang atensyon niya sa isang mini sculpture of a guy holding his sex organ while squatted. Napapantastikuhang kinuha iyon at inespeksyon. Sa pagkakaalam niya ay ito ang tinatawag na god of fertility. Nakakita na siya nito noong pumunta silang makakaibigan sa Baguio. Eto kaya ang ipasalubong ko kay Jan-jan, hahaha, natawa siya sa sariling kalokohan.
"Want to buy that? I heard na maganda daw itong ilagay sa bahay para sa mga mag-asawang gusto magkaanak."
Literal na nabitawan niya ang wood sculpture na hawak nang bigla na lang nagsalita sa may tenga niya si Gian. Mabuti na lang at mabilis nitong nasalo iyon bago pa tuluyang mahulog iyon. Feeling niya nag-init ang buong mukha niya dahil sa pagdaiti ng hininga nito sa may bandang tenga pababa sa leeg niya.
"Naman, Gian. Wag ka ngang mangugulat ng ganyan," mahinang singhal niya dito.
"I just whispered in your ear. Kasalan ko bang magugulatin pala ang asawa ko," anito at maingat na ibinalik sa estante ang carved wood.
She rolled her eyes at him. "Ewan ko sa'yo. Makaalis na nga dito."
Lumabas na siya ng Sagada Gallery and Exhibit at naglakad pabalik ng kanilang tinutuluyang inn tutal pagod na rin siya sa maghapong pagliliwaliw sa town proper. Gustuhin man niyang iexplore ang Sagada ay hindi pwede. She can't go exploring without Gian following her like a dog following his master.
Hindi na siya nagtaka kung sumabay sa paglalakad niya si Gian. Hindi pa ito nakontento at inakbayan pa siya at iginiya palapit, almost hugging her. Agad siyang pumiksi sa pagkakaakbay nito.
"Ano ba? Gusto mo ba talagang madagdagan yang pasa mo sa mukha," asar na sabi niya dito at inambahan ng suntok.
Ngumiti lang ito sa kanya at kinuha ang kamay niya. Pilit niyang binabawi ang kamay pero sadyang malakas ito.
"Be still, may ilalagay lang ako," anito at may kung anong kinuha sa bulsa ng jacket nito at inilagay sa kamay niya.
It was a bracelet. May iba't ibang uri ng bato at kahoy na nakalagay sa bracelet, weird tingnan pero maganda.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...