Chapter Sixteen

293 5 2
                                    

Napakunot noo na lang si Gem habang papasok siya sa lobby ng hotel. Everybody was in a state of panicking. Ilang tauhan din ni Hiro ang nakita niya at kinakausap ito. May nangyari ba habang wala siya? O baka naman may bomb threat?! O kaya sinasalakay ang resort ng kalabang underground organization nina Hiro! Hala! Eh di dapat umalis na siya doon. Tama, umaalis na dapat siya.

She was slowly heading for the exit when someone grabbed her hand. Magpapanic sana siya kung hindi niya lang nakilala kung sino iyon.

It was Gian. And he looked not so good. Haggard na haggard kasi itong tingnan.

''Thank God you're okay," relieved na sabi nito. "Where have you been?" Napasinghap pa siya nang bigla na lang siya nitong kabigin palapit at niyakap na parang bang sampungg taon silang hindi nagkita.

At hayun na naman ang pakiramdaman niya na tila hinahabol ng isang dosenang kabayo ang dibdib niya sa lakas ng kabog.

"N-nasa beachside lang naman ako. Nagpapahangin. Bakit?" Sagot niya dito nang sa wakas ay pinakawalan siya. Napatingin siya sa mga taong tila na-pause sa kinatatayuan na kanina ay tila mga aligagang laanggam. Ano ba talaga ang nangyayari? Does it concerns about her?

"Three hours kang nasa beachside?!" Gulat na naibulalas ni L.

Napaisip siya. Tatlong oras ba siyang tumambay doon? Was it that long? "Siguro...?"

"Dapat nagpaalam ka sa akin!" Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang bigla na lang nag-burst out si Gian. "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa'yo? I almost turned my resort upside down para mahanap ka!"

Napataas siya ng kilay. "Ano na naman ba ang ginawa ko?" Seeing him getting mad for no reason makes her blood boil. Kaya hindi na rin niya napigilan magtaas ng boses dito. Keber niya kung maraming tao ang nakatingin sa kanila. "Bakit ka ba naninigaw, ha?! You're getting mad because I stayed at the beachside?! Well sorry for not informing you!"

"You should be!" He frustratingly brushed his hair with his fingers. "Look, this may be my resort but I don't have the power to control all things here. You could have... You could have... Ah, damn it!"

Napatingin na lang siya sa palabas na bulto ni Gian. Nagulat pa sila nang bigla nitong sinipa ang nananahimik na halaman sa may pinto ng lobby. She was so confused sa mga nangyayari. She just stayed at the beachside pero kung makareact ito parang may masamang nangyari sa kanya. Ano bang pinagpuputok ng butse ng asawa niya?

"Gem, I think you should talk to him," boses iyon ni Hiro. "He'd been in hell when he thought you were gone missing."

"What happened really? Where's Gel and Kim?" bagkus ay tanong niya dito.

"They're in their suites so don't worry about them. Si Gian. Please go talk to him. He needs you right now," iyon lang at tinalikuran na siya nito.

Naiwan naman siyang parang timang nakatayo sa gitna ng lobby. Confused and all. Napagdesisyunan niyang sundan na lang ang asawa. She found him sitting in the sand on the beach. Tinabihan niya ito. They just sat there staring at the sea.

"I'm sorry," mayamaya'y bagsak ni Gian sa katahimikan. Hinarap siya nito at ginagap ang kamay niya. "I'm sorry for shouting at you a while ago. Nag-alala lang ako nang makita kong wala ka naman sa suite natin at hindi rin alam ng mga kaibigan mo kung saan ka nagpunta."

May kung anong humaplos sa kanya. Hearing him from him that he was worried about her was a relief. He cares about her. Hindi kay totoo ang sinabi ni Xenon na mahal rin siya ng asawa?

"Sorry din," ani niya. "Sorry kasi hindi ako nagpaalam sa'yo. Masyado lang kasi akong nacarried away sa pagpapahangin at pag-admire ng dagat. Hindi ko naman akalain na ganoon na pala ako katagal sa tabing dagat."

FROM THIS DAY FORWARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon