Maang na nakatitig lamang si Gem sa asawang si Gian na maganang kumakain.
Sa isang first class restaurant sila napadpad pagkatapos nilang layasan ang usiserang si Jan-Jan. Ayaw nga niyang pumasok dahil unang una sa lahat out of place siya sa suot niyang simpleng white blouse at pantalon--na siyang uniform nila. Pangalawa, she hates classy restaurants. Para kasi sa kanya oras na pumasok siya sa isang classy restaurant feeling niya de numero uno ang galaw. Yung tipong daig pa niya ang nakapasok sa military. Parang lahat kasi ng kilos mo dapat may finesse. At pangatlo, feeling niya hindi siya matutunawan kung kasing guwapo ni Gian Altamirano ang kasama niyang kumain.
It was their second time to eat dinner together. Yung una ay noong kasal pa nila and heck that was two months ago! Kaya tuloy tensyonado siya ngayon.
Muntik na siyang mapatalon nang bigla itong magsalita. "Wife, hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako sa buong dinner natin."
Heat rushed through her cheeks. Napayuko siya. "I-I'm not staring at you. W-wag ka masyadong mayabang dyan na tinititigan kita."
Narinig niyang tumawa ito ng mahina kaya napaangat siya ng tingin.
"Mrs. Altamirano masama ang nagsisinungaling," anito at nag-angat ng tingin. Amusement was also written on his face.
Mas lalo tuloy nag-init ang kanyang mukha. "Gusto mong tarakan kita ng syringe? May baon ako rito," idinaan na lang niya sa pangaasar para mapagtakpan ang pagkakapahiya niya.
She almost burst into laughter nang makita niya kung paanong biglang nawalan ng kulay ang mukha nito at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Kumain ka na. May pupuntahan pa tayo pagkatapos nating mag-dinner," sabi nito at tahimik na pinagpatuloy ang pagkain.
She continued eating silently pero panakanaka niya pa ring tinitingnan si Gian. And whenever she does that hindi niya mapigilang mapangiti, lalo na kapag naaalala niya ang itsura nito kanina nang banggitin niya ang syringe. Her husband really hates hospital stuff, too bad that's her favorite toys.
After having their dinner ay dinala siya nito sa branch ng isang kilalang brand ng cellphone.
"Hey, anong gagawin natin dito?" tanong niya dito.
"We're buying you a new phone," he said as-a-matter-of-factly. "I broke your phone remember?"
"Pero---"
"No more buts Mrs. Altamirano. Halika ka na."
Wala na siyang nagawa ng paghugpungin nito ang kamay nila at inakay papasok ng tindahan. Halos malula siya sa mga presyo ng cellphone na pinagtututuro nito. Para ngang gusto niya itong hilahin palabas ng tindahan. Simpleng android phone lang naman kasi ang cellphone niya tapos ang ipapalit nito susme daig pa niya ang bumili ng isang brand new laptop.
"So what do you think? The silver iphone 5s or 5c?"pakuwa'y baling nito sa kanya.
Napamaang siya dito. "Ha?"
He lightly touched the tip of her nose. "Mrs. Altamirano, I'm asking you kung alin ang mas preferred mo. The silver one or the colored one?"
"Ah, kahit ano---"
Naputol ang anumang sasabihin niya nang may tumawag dito.
"Gian! Fancy meeting you here," isang sopistikadang babae ang lumapit sa kanila.
At aamin niya, maganda ito.
"Nhicole! Hi," bati naman ng kanyang asawa na bahagya pang nagulat. "Anong ginagawa mo dito?"
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...