Gaya ng sinabi ni Gian kahapon sinundo siya ni L at Hiro. All three of them sat at the backseat of the car at napapagitnaan siya ng dalawang lalaki habang ang isa sa mga tauhan ni Hiro ang nagda-drive at ang isa ay nakaupo sa passenger's seat. Kung titingnan para siyang bilanggo. Wala siyang takas. At dahil doon lalo tuloy nadagdagan ang kabang kanina niya pa nilalabanan.
Sa totoo lang kagabi pa iyon. Ni hindi nga siya nakatulog sa kakaisip ng mga sinabi ni Gian sa kanya. Her leave was still effective kaya hindi siya pumasok sa kanyang trabaho. At thankful siya dahil nagkaroon pa siya ng pakgkakataon para makapag-isip.
Tinpunan niya ng tingin si L na kunot na kunot ang noo at abala sa pagtipa sa cellphone nito then she turned to Hiro. He was wearing glasses not minding that it was almost night at wala ng araw, tuloy hindi niya makita ang ekspresyon nito. Napabuntong hininga siya. Kahit kating kati na siyang magtanong kung saan ang tungo nila ay hindi niya kayang gawin. Masyadong mabigat ang atmosphere sa loob ng kotse. Itinuon na lang niya ang atensyon sa kalsadang tinatahak nila.
Mahigit isang oras din ang naging biyahe nila nang makita niyang pumasok ang kotse nila sa isang malawak ng lawn. Sa gitna noo'y isang malaking old Victorian look na bahay. Muntik na siyang umatras dahil mukhang haunted house ang bahay. Mas lalong tumahip ang kaba sa dibdib niya nang huminto ang kotse sa main door ng bahay.
Unang bumaba si L. Nakaumang ang kamay nito sa kanya na tila aalalayan siya sa pagbaba. Akma niya na sanang aabutin ang kamay nito nang magsalita si Hiro sa tabi niya.
"No matter what you will witness and hear tonight. Always remember that Gian did it for your own good,'' he said and opened his door's side at bumaba na.
Kalma lang Gem. Walang masamang mangyayari. Kalma lang, pang-aalo niya sa sarili.
Inabot niya ang kamay ni L at kumabas na ng kotse. Napalunok siya nang makita ang limang lalaki, lahat ay nakaitim na tuxedo, na nakatunghay sa kanila. Kung siya ang magiisip parang counterpart nito ang mga maids dahil ito ang nagsilbing usher nila kung saan man sila pupunta. At as usual napapagitnaan pa rin siya ni L at Hiro, as if they were protecting her from these bunch of men in black.
She almost stopped on her tracks nang makitang lumabas sa isang silid si Nhicole. Mukhang nagulat din ito sa pagkakakita sa kanya pero pagkaraan ay isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito.
What is she doing here? Iyon ang nasa isip niya sa pag-akyat sa hagdan hanggang sa tumigil sila sa isang nakasarang pinto. It was in the middle of the wing at inuukupa nito ang buong palapag kaya hindi siya magtataka kung isang napakalaking kwarto ang pasukan nila.
Isa sa mga lalaking nag-usher sa kanila ang nagbukas ng pinto. Si L ang naunang pumasok, nakasunod naman siya at sa likod niya si Hiro. At gaya ng inaasahan niya malaki ang silid. Kayang kayang niyon magcater ng higit tatlong daang katao. May ilang furniture pero karamihan ay kabinet at nagtataasang shelf kaya hinuwa niya isa iyong library.
Tumigil si L sa paglakad kaya't napatigil rin siya. She can't see if there were people inside aside from them because L was hindering her pero nababanaag niya ang isang napakahabang mesa sa gitna ng kwarto. Parang slow motion na umalis si L sa harap niya, revealing the view.
Chills almost crawl in her at lalong bumilis ang tibok ng puso niya nang makita kung sino sino ang mga taong kasama nila sa loob ng kwartong iyon.
She saw Gian's dad sitting on the right wing of the table, sitting opposite him was her father. Wait anong gingawa dito ni Papa?! Her gaze was turned to Gian who was sitting opposite her father's seat. Hindi man lang siya nito tintapunan ng tingin. Then her gaze was turned to the man who was sitting in the middle.
BINABASA MO ANG
FROM THIS DAY FORWARD
Romance"I love you so much Gem. Peksman, magsnow man sa Pilipinas." It all started with the popular arranged marriage scheme. Ang nakapagtataka lang ay walang sinuman ang umangal sa scheme na yun. Kahit na ang groom na sa itsura pa lang ay hindi na papatal...